Chapter 5

1.1K 53 12
                                    

Chapter 5: Cadence Saintres

"What is she doing here?"

"Obviously, kaklase niyo siya kaya siya nandito. Now sitdown, Mr. Villasuarez!" sita ng Teacher nang makitang nakatayo iyong Cadence.

Wala siyang nagawa. Bumalik siya sa upuan niya.

Wala akong imik kahit pa na tinatanong ako kanina ni Condense kung anong ginagawa ko dito. Gusto ko nalang maglaho bigla o kaya ang umalis. Paano ba naman kasi... kung paano ko nakikilala 'tong Condense na 'to sa shop ay ganoon pa rin siya! Oo, Condense rin ang tawag ko sa kaniya pero syempre... sa akin lang 'yon, 'no. Hindi ko ipapaalam sa kaniya at isa pa... mukhang hindi rin ako namumukhaan nito.

Tsk. Hina naman ng memorya nito. Ako 'yong babae sa shop, sa bilihan ng supplies, at sa court! Ako nga, e, isang tingin ko palamh sa kanila ay alam ko na sila!

Tahimik lang naman ako habang nagka-klase. Wala kasi akong lakas dumaldal, knowing na parang ayaw sa akin nitong Cadence! Kasi naman, gulat na gulat pa siya kanina noong malaman na may magandang katulad kong nakaupo dito habang nag-aaral ng mabuti!

"Ano bang pangalan ng mga 'yan?" mahinang tanong ko kay Cygnus. Tinuro ko 'yong mga classmates namin.

Wala 'yong Teacher namin dahil saglit na lumabas.

Naramdaman ko namang lumingon siya. Tumigil siya sa pagda-drawing ng kung ano ano sa likod ng notebook niya para sagutin ang tanong ko.

Sandali siyang tumikhim, na akala mo, e, may speech. Parang tanga lang, e.

"Iyong lalaking may coquette sa ulo, ang pangalan niyan ay Jonathan Carillo pero Jon ang tawag namin d'yan. Hate niya kasi nagbigay ng pangalan sa kaniya..." sabi niya sabay turo do'n sa may coquette hair clip. "Iyong kumakain naman ay si Bruce Lim." Turo niya naman doon sa kumakain ng chichirya habang iniinggit iyong mga katabi niya.

"Lim? May lahi siyang Chinese?" tanong ko naman.

"1/4 raw mayroon siya. Hay, kailan pa nagiging fraction ang lahi natin?" Napaisip siya saglit. "Anyway, iyon naman si Marko Barcello. Wala akong made-describe d'yan bukod sa makapal ang mukha niya. Next naman ay si Orion Soriano." Turo niya sa harap namin.

Napakunot ang noo ko makitang may kinukuha siya sa ilong niya. Napangiwi pa ako nang pabiro niyang ilapit 'yong daliri niya sa katabi bago tumawa. Hinampas naman siya ng notebook ng lalaking nasa tabi niya.

"Obvious naman kung ano siya..." dagdag pa niya nang makita ang eksena sa harapan namin. "Pero mabait 'yan... kapag tulog." Tawa niya kaya natawa rin ako. Napatingin siya sa akin bigla. "Ang ganda mong tumawa! Hindi lang angel face mo ang maganda!"

Sumimangot ako. "Next na!"

"Iyon naman si Shun Pangilinan." Turo niya sa bandang kaliwa namin.

Nilingon ko 'yon. Nakita kong tulala siya at ito namang Jon na 'to, e, natawa habang tinitingnan iyong Shun. Napansin naman niya 'yon kaya pinakyuhan niya.

"Sunod naman si Arch Balderama." Tinuro niya ang pangalawang row kung saan naman nakaupo ang lalaki. "Mabait 'yan—"

"Kapag tulog?" Putol ko sa kaniya.

Umiiling siyang natatawa. "Hindi. Mabait talaga 'yang si Arch, gago lang kung minsan. Iyan ang pinaka-good boy dito, palibhasa mukhang aso—aray ko, tanginang 'to!" Hinilot niya ang noo nang saktong tumama 'yong liquid eraser sa noo niya dahil binato no'ng Arch.

Grabe, narinig niya 'yong sinabi ni Cygnus? Halos pabulong na nga 'yong way ng pagsasabi, e.

"Isa pa pala, malakas ang pandinig niya," sabi niya, ngumiwi pa.

The Last SectionWo Geschichten leben. Entdecke jetzt