Chapter 3- Her Identity!

3.1K 102 1
                                    

HAMILTON:

Nakauwi na sya ng bahay pero hindi pa rin nya makalimutan ang mukha ng babaeng nakita nya last week. Dali dali nyang pinuntahan ang wall kung saan nakasabit ang picture ng ina. Hindi sya maaaring magkamali.. ang mukhang ito ang nakita nya sa bagong secretary ni Erika.

" Hamilton! "

" Prinsesa Natalia ", masaya nyang salubong sa ina.

" Bakit ngayon ka lang dumalaw? Marami ka bang ginagawa sa palasyo? ", may himig na pagtatampo sa boses nito

" Pasensya na po, abala lang kami masyado sa paghahanda para sa nalalapit na pag iisang dibdib ni Rafael at Erika "

" Ganon ba? Mabuti naman at inimbitahan ka ng pinsan mo sa kasal nya "

" Hindi ina, si Rafael ang nag imbita sa kin at hindi sya"

" Marahil alam nyang gagawin na yun ng prinsipe kaya hindi ka na nya sinabihan "

" Siguro nga. Iniimbita pala kayo ng prinsipe "

" Salamat, napakabait talaga ng batang yun. Natitiyak kong magiging mabuti syang hari. Pero...hindi ako makakadalo sa kasal nya at sa pagtitipon bukas. "

" Ina..personal na paanyaya yun mula kay Rafael "

" Hamilton, alam mo naman siguro ang kalagayan ko sa palasyo. Oo nga't inimbita ako ng prinsipe, pero kalahati ng okasyon na yun ay para sa prinsesa. At isa pa, naroroon ang buo nilang pamilya kasama ang reyna "

Nalungkot sya para sa ina. Isa itong prinsesa pero namumuhay na parang isang alipin dahil kay Reyna Alexandra. Anak ito ng hari sa isang 'commoner' kaya magkapatid sila ng reyna. Mas mahal daw ng lolo nya ang kanyang ina kahit anak lang Ito sa labas kaya ganon na lamang ang galit dito ni Alexandra. Nang mamatay ang lolo nya, hinirang na reyna ang panganay at lehitimong anak. Mula noon ay hindi na nagkaroon ng kapayapaan at kalayaan ang kanilang buhay. Maging ang identity ng kanyang ama ay nananatiling lihim sa kanya.

Minsan naisip nya na sana ay naging babae na lang sya, para maibalik nyang muli ang ina sa trono nito bilang prinsesa. Kung nagkataon kasi na babae sya, sila ni Prince Rafael ang nakatakdang pakasal ayon sa tradisyon. Maganda sana kung ganon ang senaryo dahil kahit papano, kahati sya sa kapangyarihan ng hari bilang asawa nito. Pero dahil lalaki sya, ang pagiging defense minister o pinuno ng hukbong sandatahan ni Rafael ang pinakamataas na posisyon na pwede nya lang marating sa palasyo.

" Kumain ka na ba? Bakit nga pala tinitignan mo yang larawan ko? Napakaganda ko noong araw hindi ba? ", basag nito sa bigla nyang pananahimik

" Hanggang ngayon naman maganda ka pa rin. Oo nga pala ina... may nakita kong babae sa palasyo, bagong sekretarya ni Erika. Diana ang pangalan nya. Nagulat ako dahil kamukhang kamukha mo sya. Itong larawan mo ng bata ka pa... ganitong ganito ang itsura nya"

" Ga-ganon ba? Mga ilang taon na sya? San sya nagmula "

" Parang magkasing edad lang kami. Galing sa Pilipinas "

" Akalain mo..may kamukha pala kong ordinaryong tao na nasa ibang bayan. Kunsabagay hindi malayong mangyari yun. Sabi ng isang aklat, posible talaga na magkaroon ng kamukha ang isang tao kapag ipinanganak kayo ng sabay sa oras at saktong lumabas ang asul na buwan. Ba-baka ganon ang nangyari sa min ng nanay nya. Kaya kami naging magkamukha. Bihira mangyari yun. Pero nasisiguro kong napakanda ng babaeng nakita mo "

" Syempre, kamukha mo. Nakakapagtaka lang na pati kilos at galaw nyo pareho "

" Alam mo anak, may palagay ako na naiisip mo lang ako dahil magkalayo tayo. Kaya nakikita mo ang itsura ko sa katauhan ng iba. Tignan mo, pag nakita mo syang muli, malalaman mo na hindi pala kami lubos na magkamukha. O sya, halika at kumain na tayo "

The Stolen CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon