Chapter 12- Brotherhood

2.5K 84 1
                                    

DIANA:

"Mr. President, please..let us help them ", pagsusumamo ko sa pangulo

Nandito ko ngayon sa Malacanang, buti na lang close si EVL sa pangulo kaya nabigyan ako ng chance na makausap sya kahit sandali lang.

" Look Ms. Madrigal, I don't see any reason kung bakit natin sila kailangang tulungan. Hindi natin kaalyansa ang kahariang yun. Yung pagbalik mo nga dun na anytime ay pwedeng sumiklab ang digmaan ay hindi ako pabor. Tayo nga napakarami na nating hinaharap ngayon na problema makikisawsaw pa tayo sa kanila. Wag na tayong mainvolve. "

" I'm sorry Mr. President, naintindihan ko po kayo. Nagbakasakali lang po ako "

" It's okay, by the way, wag mo na ituloy ang pagbalik mo ng Marsano. "

" Po?! "

" That's an order. It is my prerogative to help other countries, But it is my responsibility to protect you. You are under my custody Ms. Madrigal "

" Again, I'm sorry your excellency..but I can't. I need to be back there. In fact, I've already signed a waiver na wala ng pananagutan ang IBN sa pag alis ko. Kusang loob ko na yun. And this conversation is recorded, just in case na may mangyari sa kin sa pagbalik ko dun, hindi na rin kasalanan ng gobyerno. Don't worry Mr. President, I'm living on my own, ulila na po ako. Wala ng masyadong maghahabol sa kin anu't anuman"

Ito lang ang kagandahan ng naging experience ko sa Estonia. Dahil mahigit two months akong naexposed sa mga Royal family, tumaas ang level ng confidence ko. Hindi na ko nahihiya, wala na kong takot na makisalamuha sa lahat ng uri ng tao sa lipunan. Mas nagkaroon ako ng kalayaan at kakayahan sa pamamahayag. Nakita kong umiling ang pangulo. Maya maya ay muli itong nagsalita, parang ama lang na pinagagalitan ako.

" Hey, anong akala mo..isa kang tagapagligtas? Don't try to be their hero! Oo nga't dalaga ka at walang pamilyang maghahabol sa iyo, pero wag mong sayangin ang buhay mo. Sila ba..pag may nangyari sa iyong masama dun, iisipin kaya nila ang kapakanan mo? Look, hindi ako galit, ginigising lang kita sa katotohanan. Kagaya ng sinabi ko, obligasyon ko ang pangalagaan ka"

Kinilig naman ako bigla sa sinabi nya. May ibang meaning kaya yun? Presidente sya ng bansang Pilipinas, pero binata pa rin sya. Siguro kung wala si Prinsipe Rafael baka sya na ang pinantasya ko. Sa ngayon iisipin ko na lang na concern sya sa kin bilang isang pinuno.

" Thank you sir. I understand..and I appreciate your concern. Pero ngayon pa lang humihingi na ko ng tawad sa inyo. Hindi ko rin alam kung bakit hinihila ko ng damdamin ko pabalik sa Estonia at Marsano. Ang alam ko lang, kailangan kong bumalik dun..kahit anong mangyari. "

" Matigas rin pala ulo ng isang ito. Hindi ko suportado ang pag alis mo pero kung yan ang gusto mo, hindi na kita pipigilan. ", nakangiti nyang sagot sa kin. Lumabas ang mapupiti nyang ngipin at sapat na to para makahinga ko ng maluwag.

" Thank you sir. Wag po kayong mag-alala, babalik po ako ng kumpleto at ligtas. "

" Dapat lang, hihintayin ko ang pagbabalik mo. And by the way, it's nice to meet you Diana "

Gumaganon? Why do I feel na may tama sa kin ang president? Sorry sir, taken na ko..

--------------------
RAFAEL:

Thank God, ligtas na si Hamilton at nagkaroon na rin sya ng malay.

" Hamilton.. ", naging awkward para sa kin ngayon ang lapitan sya

" Ra-Rafael.. ", after saying my name, he hugged me.

I didn't expect na magiging warm ang pagtanggap nya sa kin after hearing the truth. Now it's my turn to hugged him back not as my friend..but as my brother.

The Stolen CrownМесто, где живут истории. Откройте их для себя