Chapter 30- The Search

2.1K 66 1
                                    

RAFAEL:

"Andy, by any chance..nagpunta ba dyan si Diana", I heard Hamilton making overseas call in the Philippines

" Ganon ba? Sige..we'll continue to search. Just call me Asap kung magpunta sya dyan..Thanks Andy"

" Wala rin sya sa pilipinas? Diana..nasan ka na ba? "

Hindi na ko mapakali, kinakabahan din ako. Sana naglayas lang sya at pumunta kung saan man para magpalipas ng sama ng loob.. sana walang nangyaring masama sa kanya. Buong pwersa na ng palasyo ang lumabas para maghanap. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyari sa kanya. Kasalanan ko ang lahat!

" Kamahalan, may nakita kaming panyapak sa kagubatan malapit sa mansyon nila Prinsipe Hamilton. Hindi kaya sa prinsesa ito? "

Biglang gumuho ang lakas ko ng makita ang tsinelas na dala dala ng tauhan ko. Ako ang nagbigay non  sa kanya.

" Hamilton, ipatawag mo ang mga expert sa pagbabasa ng mga footprints. It seems na nakidnap si Diana, kailangan nating masundan ang naging direction nila "

It's hard to trace and follow those  footprints without the help of the expert, we're in the middle of the forest.

And they never fail us, narating namin ang dulo ng mga bakas...isang malawak na karagatan!

" Mahal na hari, may tatlong kaharian ang nasa kabila ng dagat na ito. Ang Ramasea na nasa silangan, ang Hageo na nasa hilaga, at ang Manase sa kanluran. Maaari tayong maghiwa hiwalay sa bawat kaharian, subalit hindi kami maaaring pumasok sa lugar na wala ang inyong kasulatan upang maghanap sa prinsesa."

Alam ko yun, hindi sila maaring maghanap sa isang lungsod ng walang pahintulot ng hari na nakakasakop sa lugar na yun, liban na lang kung kasama nila ang isa ring hari na katulad ko. Pwede naming pasukin ni Hamilton ang Hageo. Nakikihanap na rin lang si Ama, sya na ang manguna sa paghahanap sa Manase. Pero kulang kami ng hari para naman sa Ramasea. I have no choice, I need to contact Cyprus..and explain everything to him!

BLLAAGGG!!!

Isang rumaragasang suntok ang nakuha ko mula kay Cyprus pagkakita nya sa kin. Napaigtad ako sa lakas ng impact at sumadsad sa buhanginan. Papatulan dapat sya ng mga tauhan ko pero pinigilan sila ni ama. Alam naman namin kung bakit ganon ang reaction nya.

" How dare you Rafael! You're a coward!! ", galit na galit sya. Siguro nga kung kami lang nila Hamilton ang nandito bugbog sarado ko sa kanya. Hindi ko sya masisisi..pinabayaan ko ang kanilang prinsesa at inilagay sya ngayon sa panganib.

" Ano, magpapatayan ba tayo dito? Hindi ito ang panahon para magsisihan! Nawawala ang prinsesa at kailangan nating kumilos bago mahuli ang lahat ", singit ni ama sa usapan

" Patawad mahal na hari. Pero hindi ko alam ang pwede kong gawin sa anak mo kapag may nangyaring masama kay Diana"

Tinapunan nya ko ng isang matalim na tingin bago sila umalis ng mga sundalo nya patungo sa Ramasea. Batid kong sa mga oras na to maraming galit sa kin bukod kay Cyprus, baka nga pati si Hamilton. Pero hindi ko iindahin ang mga yun, mas mahalaga sa kin ang lagay ng prinsesa.

-----------------------------------------------
HAMAN:

" Seriously Haman, pati ang alipin na yun gagawin mong mistress? Yes she's beautiful, but for God's sake..she's a slave! "

" C'mon Rebecca, who are you to tell me kung sino ang pwede kong angkinin sa hindi. Baka nakalimutan mo na pinatulan mo nga ang sundalo ni ama kaya nawala sa iyo ang korona. And he is no different from her! "

" Bakit kapag ikaw ang gumagawa pwede? Samantalang ako habang buhay kong pinagbabayaran yung iseng beses na pagkakamali. Pero ikaw, kahit paulit ulit walang natatanggap na parusa mula sa kanya! "

The Stolen CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon