" P-prince.."
Hinila na sya nito sa loob bago pa man sya makapagsalita.
" What are you doing here? Inutusan ka ni Erika para manmanan si Hamilton? You succeeded..now tell me, what is it that you want? "
" The king is so worried about you"
" Really? Tell it to the marines! Si Erika ang humahabol sa kin hindi ba? "
" I'm sorry your highness. Ngayong alam ko na ayos naman po kayo..a-aalis na po ako ", yumukod sya at tinalikuran na nya ito para sana mabilis na lumabas ng biglang hawakan nito ang braso nya
" And where do you think you're going? "
Lumakas ang kabog ng dibdib nya. Magkahalong kilig at takot ang naramdaman nya. Kilig dahil hawak ngayon ni Rafael ang braso nya. Takot dahil hindi nya alam kung paano magalit ang isang prinsipe. Ano kaya ang pupwedeng mangyari?
" I should go. Baka nag aalala na po silang lahat. "
" You think paaalisin kita ng ganon lang. If I allow you to go, I'm sure ituturo mo sa prinsesa kung nasan ako. No, hindi ka pwedeng umalis "
Mabagsik ang tingin sa kanya ni Rafael at aaminin nya na kinakabahan sya dahil dito. Hindi ito palangiti, palagi lang itong seryoso at likas na suplado. Pero never nyang nakita na tumingin ito ng masama o magpakita ng galit. Never...ngayon lang at sa kanya pa! Ano kaya ang gagawin nito sa kanya? Tumaas ang level ng takot nya ng makita nyang hawak nito ang baril nya ng mahigpit.
Babarilin nya ba ko? Capable ba syang pumatay? Siguro! Kung kinakailangan, at para ipagtanggol ang kanyang sarili. With these things in her mind mabilis syang gumawa ng hakbang. Lumuhod sya sa paanan ni Rafael at nagmakaawa ng husto.
" Kamahalan, please..have mercy on me! Wag mo kong patayin! Gagawin ko ang lahat ng gusto mo. Do not lay your hands upon me! Hindi kita ituturo kahit kanino. Nakikiusap ako sa iyo... "
" A-anong ginagawa mo? Stand up! Hindi ako mamamatay tao "
Para naman syang binuhusan ng malamig na tubig. Morbid ko! Nakakahiya, ginawa ko pa syang berdugo sa sinabi ko.
" T-thank you your highness. And.. I'm really sorry. Sorry dahil naistorbo din kita. Alam kong kailangan nyong magpahinga. May maipaglilingkod po ba ko sa inyo? "
" Hindi pa ko kumakain, I want you to cook for me"
" Masusunod kamahalan. May food po ba kayo dito? "
" Yes, inside the ref. Follow me"
" Wow! Bakit ang dami nyong food? Kaninong bahay po ito "
Hindi ito sumagot. Tinitigan lang sya ng masama. Nahiya syang bigla, naging feeling close naman ata sya. Oo nga at wala itong gagawing masama sa kanya bilang parusa. Pero nakalimutan nya na isa pa rin itong prinsipe na dapat igalang.
" I'm sorry your highness. Ano po ba ang favorite nyong food, para iluto ko "
" Are you kidding me? We're here hiding in the middle of the forest and asking me about my favorite food? Kung ano yung available dyan, yun ang iluto mo "
Napabuntong hininga sya. High blood lagi? Tinatanong lang kita no! Syempre sa isip nya lang yun.
" I-I'm sorry", lumabas na lang sa bibig nya
Nagsimula na syang magluto. Pero sa bawat galaw nya nakamasid lang Ito sa kanya. Hindi nito inaalis ang mga mata sa bawat kilos at hakbang na ginagawa nya. Bakit kaya? Stressed naman! Pano ko magluluto ng maayos kung tinititigan mo ko? Pasensya ka pag hindi masarap ang kalalabasan, kasalanan mo! Hmmm..baka iniisip nya na lalasunin ko sya kaya hindi nya magawang kumurap man lang.
BINABASA MO ANG
The Stolen Crown
RomanceIsa syang prinsesa na inagawan ng korona. Ang trono, ang palasyo, maging ang sariling ina ay ipinagkait sa kanya. Sa muli nyang pagbabalik sa kaharian ng Estonia, magawa kaya nyang bawiin ang pamilya at ang buhay na nawala sa kanya? Maagaw nya rin k...