Kabanata 17

12 0 0
                                    

Fooled

"Is there any other designs you can show me?" Anya ni Emilie ng makita ang nilapag na mga alahas sa aming harapan. Halos bagong collection ang pinakita sa amin, na sa mga limitadong tao lang inooffer pero tila hindi niya nagustuhan ang mga ito.

"That is all we have for the months exclusive collection Ms. Monroe. If you want we can show you our old collection?" Anya ng manager na tila hindi makabasag pinggan nakatayo sa aming harapan katabi ang ilang mga saleslady.

Emilie took the champagne glass from the table and took a sipped before nodding to the manager. Alerto naman kumilos ang ilang saleslady at lumabas sa kwarto.

"For a moment," the manager politely smiled at us before leaving.

We are here at greenbelt, in Tiffany & Co. Nagyaya si Emilie samahan ko siya magshopping. Wala rin naman ako ginagawa sa bahay maliban magmukmok sa aking kwarto.

"Is there something bothering you Celine?" Mabilis naman ako napatingin sa aking kaibigan.

"Wala, why do you say so?" Peke naman ako tumawa sa kanya at inayos ang aking buhok.

Tinitigan niya ako na para bang pinag-aaralan ang pagkatao ko.

"You don't seem like yourself these past few days." Anya nito habang nakakunot ang kanyang noo.

Isang linggo na rin ako nandito sa Manila. I have missed the busy roads, crowds, and big buildings but I missed the province more. That is calm and free which makes me feel more at home.

Isang linggo na rin ang nakalipas huling kong nakita si Baste. Nagaalala ako sa kanya at wala ako naging balita sa kanya sa araw na yun kung ano ang naging kalagayan niya. Ilang gabi na rin ako hindi makatulog sa kakaisip na kamusta na ba siya. Even if I wanted to talk to him or with Antonio, I couldn't. Inuuna ako ng takot at pangamba sa ano man balita ang aking marinig. Kung ano ano na tumatakbo sa aking isipan.

Dagdag pa bumabagabag rin sa aking isipan ang binitawan na salita ni papá. My papá has always been such a caring and loving father to us with mamá. But hearing those words that came to his mouth that night. It felt like he was a different person that I barely knew who he was.

Hindi rin siguro maiwasan makita sa aking mukha ang pangamba na pati ang aking kaibigan nagaalala sa akin.

Dumating ang biyernes ng hapon na kasama ko si mamá pumunta sa hospital para sa aking check-up.

"You looked more well Celine than the last that I have seen you." Ngiting sinabi ni Dra. Gonzales matapos ako ni examination. Agad naman niyang pinatong ang kanyang stethoscope sa kanyang leeg tsaka ito naglakad sa kanyang table. Sumunod naman ako sa kanya at umupo sa upuan sa kanyang harapan. Nasa labas naman si mamá naghihintay.

Ilang minuto rin kami nagusap at nagkatuwaan ni Dr. Gonzales hanggang na tapos rin ang aking check-up at binigyan ng bagong reseta.

"How was it?" Salubong ni mamá ng lumabas ako ng kwarto. I smiled at her and told her what the Doctor said to me.

"That's good to hear," masaya nitong saad at niyakap ako.

Pagtapos namin sa hospital tumungo naman kami sa mall na malapit lang rin. Nagmerienda sandali at nagcrave si mamá sa paborito nitong resto bago kami nagwindow shopping sa ilang boutique.

Nakabili rin ako ng ilang mga bagong damit na masusuot ko pagbalik sa Santa Lucena. Lumipat naman kami sa kabilang boutique at tumingin ulit ng iilang mga designs. Medyo malaki ito kompara sa mga nauna na puntahan namin at maskompleto sila dito mula sa sapatos hanggang sa mga accessories. Diretso ako tumungo sa section ng mga sapatos ng may isang sapatos nahagip ng aking mata. Hahawakan ko na sana ito ng may isang kamay ang naunang kumuha nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SL 1: Keeping the Sun's EmbraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon