Prologue

53 2 0
                                    

                           Cyrille

"Ano ba? Sabing tinatamad nga ako. Tyaka masakit pa ang ulo ko," inaantok na sabi ko saka nagtalukbong ng kumot pero sadyang makulit itong babaeng 'to, hinila niya ang kumot sa katawan ko saka pinilit na tumayo. "Dali na kasi, wala akong kasama eh." aniya't  tinulak ako nang mahina papasok ng banyo. "May mga kaibigan ka naman," sinamaan lang ako ng tingin samantalang itinaas ang dalawang kamay, senyales na suko na ako saka naligo ng mabilis.

Nasa daan na kami papuntang mall, suot ang headphones nagulat na lang ako ng hilahin ako ni Ren-ren sa hindi ko alam na dahilan. Iritado ako dahil sa paghila na nawala naman agad ng makita ang isang matangkad at maputing lalaki. Nakasukbit ito ng bag at nakasuot ng maiksing player shorts at white t-shirt.  "Ay siya nga pala baks. Si Cyrille pinsan ko. Cy, Si Kai," Natulala ako lalo nang abutin nito ang kamay niya na kahit nawindang agad na tinanggap. Ang lambot ng kamay, may girlfriend na ba siya?

Umalis din kami agad. Bago tuluyan kaming maka-alis tumingin pa ako sa restaurant na pinasukan nila ng kasama nitong masungit na lalaki. Agad na nag-init ang dalawa kong pisngi ng ngitian at kawayan nito kaya umiwas ako ng tingin. Hawak ang dibdib na hinila ko ang damit ni Ren. "Kung tatanungin mo sa'kin kung may girlfriend 'yon wala kasi..." hala may ch-- "Lalaki gusto n'on," Bumagsak ang dalawang braso ko saka binitawan na ang damit niya. 

Sana kahit wala na akong pag-asa, kahit ang maging kaibigan mo ay okay na.

Not Yoursحيث تعيش القصص. اكتشف الآن