Chapter One

6.4K 225 2
                                    

Amethyst Montreux

NAGLALAKAD siya sa isang eskinita sa kanilang baryo pauwi galing sa kanyang part-time job sa isang convenience store sa Avenida nang makaramdam siya na parang may sumusunod sa kaniya.

Napahawak siya ng mahigpit sa bitbit niyang bag at nilagay iyon sa harapan upang makasiguro siya na hindi mahahablot ng snatcher.

Tumigil siya saglit ng paglakad at naramdaman naman niyang mabilis na nagtago ang taong nakasunod sa kanya. Just what she has expected. Mukhang siya nga ngayon ang puntirya ng kung sinumang poncho pilatong ito.

Tumayo siya ng tuwid at kapagkuwa’y napabuga ng isang malalim na hangin.

Hindi siya dapat mataranta. Bakit pa ba siya matataranta kung nakailang beses na siyang nakaengkwentro ng ganito? Hindi na bago ito para sa kanya.

Pinagpatuloy niya ang paglalakad at isinawalang bahala ang taong nakasunod sa kanya. May tamang oras para hulihin ang taong iyon. Sa ngayon, paiikutin niya muna ito.

Mas binilisan pa niya ang kanyang paglakad nang matanaw na niya ang pakaliwang liko ng eskinitang dinadaan. Nang makaliko ay mabilis siyang nagtago sa nakitang kariton na may mga karton at doon nagtago.

Sinubukan niyang maghanap ng matulis na bagay o kahit na anong maihahampas niya sa taong nakasunod sa kanya. Ngunit sa kasamaang palad, wala siyang nakita.

Mukhang kinakailangan niyang harapin ito ng manu-mano.

Hindi siya gumalaw nang marinig na niya ang nagmamadaling yabag ng lalaking esktranghero. Tinanaw niya ang mukha nito ngunit masyadong madilim ang pwesto ng lalaki kung kaya’t hindi niya makita ng malinaw.

Napakamot ang lalaking iyon na sa tingin niya’y nagtaka kung bakit mabilis siya nakawala.

Bobo ka kasi.

Pinatid niya ang binti ng lalaki nang mgsimula na itong umalis. Nang mapadapa ito sa lupa ay s’yang dagan niya rito at sakal sa leeg.

“Sino ka?” tanong niya rito habang dinidiinan ang pagsakal sa lalaki.

“H-Hindi a-ako—”

“Sagutin mo ako!”

“P-Paano a-ako s-sasagot kung nasasakal a-ako!” natigilan siya. Oo nga naman.

Tinulak niya ito sa lupa at saka nginudngod. “Oh, sagot.”

“Hindi ako masamang tao.”

“At bakit naman ako maniniwala sa’yo?”

“I was just checking you out because someone is following you!”

Doon na siya natigilan. Sandali, bakit nga parang iba ang taong ito sa ine-expect niyang nasunod sa kanya?

Binitawan na niya ito at saka nagpalinga linga sa paligid. Hindi na niya maramdaman ang taong sinasabi nitong nasunod sa kanya.

“Oh, shit, my back. It damn hurts!” angil ng binatang nadale niya.

Ang hina naman nito.

“Kailangan mo ng tulong?”

“Isn’t obvious?” aba at ang suplado pa.

“Aba, anong malay ko kung kailangan mo 'e lalaki ka.”

“Tss,” anas nito at saka dahan-dahang tumayo. Nako mukhang nadiinan niya ang likod nito kung kaya’t parang namimilipit sa sakit.

“Gusto mong pa-ospital kita?” alok niya rito ng seryoso. Aba concern rin naman siya sa nagawa niya.

Masyado kasing naging hyper ng instinct niya kaya niya nabugbog ito ng bahagya… “Ang sakit ng balakang ko, shit!” ng sobra pala.

Amethyst: The Porphyra PrincessWhere stories live. Discover now