Chapter Ten

968 52 13
                                    

She squinted her eyes on these four gentlemen standing in front of her. It was her first break after her third class when these four gorgeous men appeared while she's heading to the Cafeteria to grab something to eat.

"A-Anong kailangan n'yo?" She asked them because they retained their stoic look at her. As if they're assessing her in full scale.

"K-Kung ang rason ay si Tellula... h'wag kayong mag-alala, nag-iikot ikot lang s'ya. She promised me she won't scare anyone and will stay hidden." Inunahan na niya. Baka kasi yung mythical creature na alaga niya ang pakay nila.

"Follow us," iyon lang ang sinabi ni Zach bago ito tuluyang tumalikod sa kanya habang nakapamulsa.

Benjamin didn't react... like the usual, Seth was trying so hard not to pout, while Lincoln just shrugged his soldiers and motioned his head to come over.

Napangiwi siya. Hindi dahil sa kaguluhan kung bakit kinailangan niyang sumunod kung'di dahil sa mga tingin ng ibang estudyante sa kanya ngayon. Especially the girls. Most of them have a question look on their faces, ang iba naman ay grabe kung makapangmata from her head to toe.

Sa huli ay sumunod na lang siya para wala nang gulo. Ayaw niyang makaaway ngayon si Zach. She's not her usual self because of the things happening to her.

Una, natuklasan niyang hindi lang siya ang natatanging may weird na kakayahan... or what they called Magic. Hindi niya inaasahan na ang apat na sikat na lalaking kasama niya ngayon ay tila mga matataas ang ranggo sa mundo nila.

Pangalawa, yung umatakeng Element user of Earth. Hindi niya mawari kung bakit gusto siya nitong dispatyahin. Base sa pagkakatanda niya, ang apat na lalaki lang raw ang pinahintulutan nilang manirahan sa mundong ito. Ibig sabihin, they're the ones tracking those magic users who's illegally residing here.

Nakaupo siya ngayon sa gitna ng isang room. It was their quarters, as Seth explained. Nakabukas ang mga bintana but they cast magic that from outside, they won't see anyone inside.

"We need your help,"

Hindi niya alam kung ano ang itsura ng kanyang mukha ngayon. Pero isa lang ang nakakasiguro. Literal na nalaglag ang kanyang panga sa gulat.

Tama ba ang narinig niya? Ang bully na 'to at maangas na akala mo kung sinong pogi ay nanghihingi ng tulong sa kanya?

"Bakit? Ilang subjects ba ang binagsak mo?" Tanong niya nang makahuma.

Kunot noo naman ang binigay ng apat na lalaki sa kanya. Tila 'di na-gets ang sinabi kanyang sinabi. She rolled her eyes.

"Huwag niyong sabihin lahat? Aba may mga itsura kayo pero hindi ninyo magawang ipasa ang mga subjects niyo kaya nagpapatulong kayo sa'kin ngayon? I'm not a tutor—" hindi na natuloy ang sasabihin niya nang biglang ikumpas ni Benjamin ang kamay nito sa kanyang bibig at natabunan ng yelo ang buong bibig niya.

"She's noisy, and stupid." Ngayon niya lang narinig ang boses ng binata. Katulad ng attitude nito, sobrang lamig ng boses.

"Ngayon lang ako natuwa sa ginawa mo, Benj." Binigyan niya ng isang masamang tingin si Zach.

Aba ang gagong 'to! Gusto ba nitong gumanti sa kanya?

She tried talking or even removing the ice on my mouth. Pero walang silbi. She glared at Zach even more dahil ngising ngisi lang ito sa kanya na akala mo nakaganti na. Well, technically, nakaganti na nga ito.

"Tanggalin mo na." Utos ni Zach matapos nitong tawanan siya. Gusto n'ya itong palakpakan dahil talagang literal na nawala ang tawa nito at tiningnan lang siya ng seryoso ngayon.

Amethyst: The Porphyra PrincessWhere stories live. Discover now