Chapter Three

4.4K 173 11
                                    

Amethyst Montreux

“SIGURADO ka na ba talaga sa balak mong maglayas?” tanong sa kanya ni Chloe, kaibigan niyang matalik sa pinagtatrabahuhang convenience store rito sa may Avenida. “Ta’s plano mo pang isama ang anak ng tiyahin mo. 'Di ka ba no’n sampahan ng kasong kidnapping kung saka-sakali?”

Muli siyang bumuntung-hininga habang busy sa pagbibilang ng mga imbentaryo for their monthly stocks. Tiningnan niya ang kaibigan. “I doubt it, gusto nga niyang ibenta ang anak niya ta’s magagalit 'yon sa gagawin ko? Baka nga pasalamatan pa niya ako na ilalayo ko ang pasakit sa kanya 'e.”

“Hindi naman sa ganoon siguro, girl. Pero alam mo naman, she’s still a mother. Malay mo naman magbago na yung tao.”

Napailing iling siya sa sinabi ng kaibigan. “Nakailang ulit na rin ako umasa na magbabago siya. Kahit man lang sa anak niya. Pero heto, sinagad na niya ako. And I won’t give a damn, kung ano man ang magiging reaksyon niya. You know her story, Chloe. Inintindi ko. Pero lahat ng bagay may hangganan. Lahat ng pisi, napuputol. At yung ginawa niya sa anak niya kahapon ay wala na sa linya ng pasensya ko at paniniwala.”

“So, kailan mo naman siya balak ialis sa bahay na iyon? Saka sa’n ka kukuha ng panggastos? Sino mag-aalaga sa kanya kapag nag-aral ka na this semester? Sa’n kayo manunuluyan?” sunud-sunod nitong tanong sa kanya na tila mas ito pa ang namomroblema kesa sa kanya.

“Iaalis ko siya do’n once na makahanap na ako ng kahit na maliit na apartment lang na kaya ko. Sa schedule naman ng klase ko night shift. By that time 'e paniguradong tulog na ang kapatid ko na iyon.” tugon niya sa mga tanong na ito.

Nagulat silang dalawa nang biglang may lalaking nagsalita matapos niyang sagutin ang mga katanungan ni Chloe.

“Kailangan mo ng matitirhan?”

“Anak ng tekwa,” angil niya sa gulat.

“Hallelujah, Marimar!” angil naman ni Chloe.

Tiningnan niya ang lalaking bigla na lamang lumitaw sa kung saan. Teka, ito yung lalaki sa University, ah.

“Eleazar?” nakakunot niyang tanong sa nakangising binata. She even saw from her peripheral vision kung paano na-tensed ang katawan ni Chloe nang masambit niya ang pangalan ng lalaking ito.

“You still remember me, I’m glad you do.” Natutuwang wika nitong binata.

“Hindi naman siguro ako makakapasa sa Crimson University kung makakalimutin ako hindi ba?” matapang niyang ungos rito.

Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang mga sinasabi niya ngayon rito. Para kasi siyang nang-aaway sa tono palang ng boses niya. 'Eh wala pa namang ginagawa itong masama sa kanya.

Or maybe she just hated his guts. No, not just the guts. Ang buo nitong pagkatao. Parang pinagkakanulo sa kanyang ganito dapat ang trato niya rito.

Tinaas ng binata ang dalawang braso nito. “Whoah, grabe ka naman. Nag-compliment lang pero ang init na ng mga sinasabi mo.”

“What are you doing here?” tanong niya rito habang nakataas ang kilay. Gosh, ba’t ang sama sama niya? Hindi siya ganito. Totoo. Alam niya sa sarili niya na mabait siya dahil gano’n talaga ang ugali niya. May pagkamataray nga lang talaga, pero alam niyang mabait ang ugali niya at hindi ganito makipag-usap sa mga 'di kilala.

“Am I not allowed to be here? Besides,” tinaas nito ang hawak na limang cup noodles. “I’m a customer and what does a customer doing in a convenience store? Buying.”

Mas lalong umarko pataas ang kanyang kilay sa naging sagot nito. He has a smart-mouth. At hindi niya gusto ang sinagot nito.

“Okay, fine. Alam kong hindi maganda ang una nating pagkikita pero pwede bang magsimula ulit tayo sa umpisa? I mean, can we just forget what I did the last time you saw me? And start a new of being friends? I can actually help you finding a new apartment. Affordable na safe pa. And I’m sincere, Amethyst.” Sabay lahad ng kamay nito symbolizing a way of accepting his suggestion.

Amethyst: The Porphyra PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon