CHAPTER 5

9.4K 127 4
                                    

Masaya akong nagluluto rito sa kusina ni Luca. Mababaw lang ang kaligayahan ko dahil kahit kailan hindi ako nakaramdam ng tunay na saya mula noong mamatay ang mga magulang ko. Pinayagan niya naman akong magluto. Kahit hindi kami gano'n kalapit.

Noong una pa nga ay hindi ko alam kung paano gamitin ang mga gamit dito. Tinuruan ako ni Luca kung paano kaya medyo marunong na ako kahit papaano.

"You know how to cook," hindi ko siya nilingon dahil sigurado naman akong si Luca ang nagsalita. Dalawa lang naman kami rito sa condo niya kaya hindi na ako nagtataka.

"Oo naman. Mahilig akong magluto noon mula noong thirteen ako."

Lagi kaming magkasamang nagluluto noon ni Nanay Minda kaya may mga natutunan ako mula sa kanya.

"Why don't you study?" Nilagay ko muna ang mga ingredients ng niluluto kong adobo at humarap sa kanya.

"May pera ako?" nakataas kilay kong tanong.

Wala naman akong pera para sa pag-aaral. Pero kung desperada talaga akong mag-aral ay mahahanapan ko ng solusyon 'yan. Pero hindi, e.

Tinignan ko muna ang niluluto ko bago humarap sa kanya ng buo.

"Work for me," seryosong aniya.

"Anong trabaho?" hindi naman ako interesado pero kung malaki ang sweldo, bakit hindi?

"Assistant will do." Napaisip ako sa alok niya. "You can work while studying if you want."

Pinatay ko na ang mga pangarap ko magmula nang mangyari 'yon. Kaya hindi ko na binalak pang mag-aral at ituloy ang mga gusto ko sa buhay. Dahil ang gusto ko na lang mangyari ay makalimot sa nakaraan.

"Pag-iisipan ko," tumango-tango kong sagot.

"You do not belong there," malamig na aniya. Medyo nasanay na rin ako sa klase ng pananalita niya.

Nagtataka ko siyang tinignan. Hindi ako nababagay saan? At saan naman ako nababagay? Saan ako lulugar? Sa imperno? Siguro nga.

"In that place. You don't belong in that kind of place." Nakasandal siya sa lababo na malapit lang sa'kin.

"Stop working in that club and work for me instead. You don't have to sell your body." Tinitigan ko lang siya at hindi alam ang itutugon sa sinabi niya.

Mula nang mamatay si Nanay Minda ay ang club na 'yon ang una kong pinagtrabahuan. Tinaggap agad ako ni Mami Sue dahil pasado raw ako dahil sa itsura ko.

"Minsanan ko lang naman 'yon kailangan..." mahina kong tugon. Napaiwas ako ng tingin nang matalim niya ako tinitigan.

"Even so. Do you still have your dignity?"

Dignidad? Matagal ng wala sa'kin 'yon. Mula nang masira ang buhay ko nawalan na ako ng dignidad. Bumalik lang 'yon pansamantala pero nawala rin ng tuluyan.

"Sa tingin mo may dignidad pa ako?" may pait ang boses ko.

Dahan dahan akong tumingin sa kanya. Naging malambot ang tingin niya.

"Then take it back," napangiti ako ng sarkastiko. Paano?

Paano ko 'yon gagawin kung wala nang rason para gawin ko 'yon?

"Paano ko 'yon babawiin kung hindi ko alam kung nasaan ako?" Ni hindi ko nga mahanap ang sarili ko.

Sirang-sira na ako. Ngayon lang lumabas ang mga emosyong tinatago ko sa mga nagdaang taon. Siguro dahil nasasaktan ako sa mga tanong niya.

Matagal kong ininda lahat 'yon dahil wala ring patutunguhan kung imumukmok ko 'yon.

"Hindi 'yon madali." At hinding-hindi 'yon magiging madali.

SALVATORE #1: Loving the Prostitute Where stories live. Discover now