xxxv.

24.8K 1.4K 315
                                    

Kinuha ko yung basang bimpo at nilagay ito sa noo ni Dylan. Kakatapos ko lang punasan yung leeg niya dahil kanina pa siya pinagpapawisan. Tinanggal ko rin yung pang-itaas niya dahil basang basa ito ng pawis pero hindi ko maiwasang mapatitig sa katawan niya.

Callie, magtino ka nga! Ang manyak mo!

Pumunta muna ako sa banyo para tumingin ng gamot. Buti na lang pinaupo ko siya kanina sa sofa bago siya nawalan ng malay habang nakayakap sa tiyan ko.

Unfortunately, wala akong nakita na gamot. Bumalik ako sa sofa kung saan nakahiga si Dylan. Hinawakan ko ulit yung pisngi niya. Mukhang hindi pa rin bumababa yung lagnat niya. Anong oras na ba? Pwede pa siguro akong bumili ng gamot. Gabi na at mag-aalas diez na. Ilang oras ko na siya binabantayan pero hindi lang ako mapakali kasi ang taas ng lagnat niya. Kailangan niyang uminom ng gamot!

"You should take care of your health, Your Highness," I sarcastically mumbled but I'm really worried.

Napasapo ako sa ulo ko nang mapagtanto ko na kanina pa pala ako nakatingin sa mukha niya. He looks so peaceful when he's sleeping. 

"Bakit ko nga ulit 'to ginagawa?" tanong ko sa sarili ko. Dapat kanina pa ako umalis pero hindi ko siya kayang iwan sa lagay na ito.

This won't do. Ilang minuto lang naman ang layo mula rito papunta sa botika. Ginagawa ko lang 'to dahil nako-konsensya ako. Napahinga ako nang malalim at sinapak ko siya nang mahina.

"Bakit ka ba kasi pumunta dito kahit na alam mong may sakit ka?" mahina kong bulong. Naging instant caretaker tuloy ako ng may sakit. 

Hindi ko namalayan na nakatitig na naman ako sa mukha niya. Napansin ko yung ilang hibla ng buhok niya na nakaharang sa mata niya kaya inilayo ko ito sa mukha niya. He really looks handsome. I gaze at his long lashes down to his pointed nose and down to his pale lips. I miss him. I really do. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinawakan ko siya sa pisngi. Just for a second. I want to feel him too.

"You idiot, sinong may sabi na pwede kang magkasakit ng ganito? You're a prince, you should be healthy at all times to rule your people. Hindi ka dapat nandito kasama ko, ginawa mo pa akong julalay mo." Nilaro laro ko yung hibla ng buhok niya. He's annoyingly handsome. Ang sarap kurutin ng pisngi niya. This idiot.

If I could, I'll bring him to the hospital pero hindi ko kaya sa lagay na ito. The least I can do is to buy him some medicine. 

"I'll have to go." Pagkatapos kong paglaruan yung buhok niya, inayos ko ito para hindi ito nakaharang sa noo niya. Tumayo na ako at akmang aalis kaso may mga kamay na pumigil sa braso ko.

"Where are you going?" his deep voice stops me.

"Dylan!" Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. Teka, kanina pa ba siya gising? Alam ba niya na kanina ko pa pinaglalaruan yung buhok niya? Nakakahiya!

He frowns, "Are you going to leave me again?" Hinigpitan niya yung pagkakahawak niya sa kamay ko.

Umiling ako at inalis ko yung kamay niya na nakahawak sa akin. "Bibili ako ng gamot."

"At this hour? What time is it?" 

"Quarter to 10? Don't worry. Babalik din agad ako pagkatapos ko bumili ng gamot so you can let go of my hand now." Pero hindi niya pa rin ak binibitawan. 

"I'm fine. Hindi mo na kailangang bumili ng gamot," he said in a hoarse voice. 

Kinuha ko yung tubig sa tabi ko at inabot ko ito sa kanya. Binitawan naman niya saglit yung kamay ko at kinuha niya yung baso. Tinanggal ko saglit yung bimpo sa noo niya at tinulungan ko siyang bumangon. Naramdaman ko na naman yung mga titig niya sa akin. 

It All Started With The Royal's BabyWhere stories live. Discover now