Ten

866 29 1
                                    







#BCD10 Chapter Ten

IT WAS WORKING hours when Justice entered the hot kitchen where Artemis was designing a set of cupcakes she was working with alone.

"What a surprise visit!" Saglit niyang itinigil ang trabaho at pinuntahan si Justice para batiin nito. "What are you doing here?"

"I need your help," deretsong sabi ng binata habang nakatitig sa kaniya.

"Sure. Anything that I can for you, Mr. Navarro?" Artemis smirked teasingly. Gusto niyang asarin ang binata dahil mukha itong problemado.

"Nova and I are going to celebrate our fifth year anniversary this coming Sunday," anunsyo ni Justice.

Artemis' smile widened as she felt excited. "Really? Happy anniversary!"

Justice rubbed his jaw. "Sa Linggo pa, Artemis."

"I know! Kasasabi mo lang kaya." Natawa siya saka umalis sa harapan ng binata.

She pushed a stool bar to Justice, inviting him to sit. Umikot siya pabalik sa mahabang mesa kung saan nagkalat ang mga cooking utensils at baking ingredients na ginamit niya para sa cupcakes na ginagawa niya. Artemis went back on putting icing on the cupcakes as Justice watched her work.

Bumukas ang backdoor ng hot kitchen na nakakonekta sa parking area at pumasok doon ang magkapatid na Sunshine at Snow. Kapwa natigilan ang mga ito nang makita siya at si Justice na nasa loob.

"Bawal tumambay ang mga manliligaw rito, 'di ba?" tanong ni Sunshine habang palipat-lipat ang tingin sa kanila ni Justice.

Artemis glared at her and rolled her eyes afterwards. Nagkibit-balikat naman ang dalaga at tumuloy na sa may stove area. Si Snow naman ay lumapit sa kaniya para silipin ang ginagawa.

"Para kanino 'yan?" Snow asked, pointing the cupcakes.

"For Dada," maiksing sagot niya.

"I thought it's for Architect Navarro."

"Bakit ko naman siya gagawan ng cupcakes?" nakataas ang kilay na tanong niya.

"Because he's our customer?" Snow said unsurely.

"Anong ginagawa mo rito, Architect?" tanong ni Sunshine na mukhang hindi na mahintay ang paliwanag niya.

"I'm asking Artemis if she can help me with my surprise proposal for Nova this Sunday," Justice explained.

Nabitawan ni Artemis ang hawak na icing bag at nanlalaki ang mga matang pinagmasdan ang binata.

Did she heard him right? He's going to propose to Nova?

"Magpo-propose ka?" Nagkatinginan sila ni Sunshine nang magkasabay sa pagtatanong.

"Yeah..." Justice grinned, making Artemis frowned. Natawa si Justice nang makita ang kaniyang itsura. "Bawal pa ba?"

Umikot muli si Artemis at nilapitan ang binata. Naroon pa rin ang ngisi sa labi nito. Justice was so handsomely hot whenever he's smirking or grinning, pero wala roon ang atensyon niya. Kinalabit niya ang balikat nito at sinenyasang tumayo.

"Let's talk," seryosong wika niya saka pumasok sa loob ng locker room. Namataan pa niya ang sabay na pag-iingat nila Snow at Sunshine pero wala namang sinabi ang mga ito.

Justice followed her inside the room, his hands were inside his pockets. Nawala na rin ang masayang ngiti nito sa mga labi at seryoso na ring nakatingin sa kaniya.

The room wasn't that spacious. Nasa magkabilang gilid ang mga locker rooms na ginagamit ng mga staffs ng Kupid's Arrow. May maliit na bench na gawa sa bakal sa gilid at ilang mga panlinis sa likod ng pinto.

Behind Closed Doors (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon