Thirty One

716 20 8
                                    







#BCD31 Chapter Thirty One

"BRO, WHAT THE FUCK!?" singhal ni Apollo matapos niyang suntukin si Justice sa mukha.

"Apollo!" sinubukang pigilan ni Artemis ang kakambal pero panay pa rin ang lapit nito kay Justice para suntukin. "Tama na! Ano ka ba!?"

"Gago ka ba!?" nanggigil na sigaw nito. Nag-aapoy sa galit ang mga mata habang nakatingin kay Justice. "Ang daming ibang babae sa labas, gago ka! Bakit kapatid ko pa!?"

Justice tried to stand. Napakapit pa ito sa lamesa sa gilid para suportahan ang sarili sa pagtayo. The side of his lips was bleeding. Pinunasan nito iyon gamit ang kamay.

"Apollo," he called and sucked his own breath. Gustong magsalita ng binata pero napapangiwi ito kapag ginagalaw ang bibig.

"I know you and Nova were over, but... Dude! What the fuck!?"

Marahas na binawi ni Apollo ang braso na hawak ni Artemis. She stepped back, getting scared because her twin was furious as hell. He just caught her kissing her best friend's ex! Alam niyang nabastusan ang kakambal sa nakita.

"Bro, calm down," mahinahong sabi ni Justice at mukhang ayaw patulan si Apollo.

Artemis tried to hold Apollo's arm again, but she froze when her twin gazed at her with his furious eyes. Naibaba niya ang ulo at nag-iwas ng tingin mula rito. She heard him cursed again.

"Kayong dalawa... nag-iisip ba kayo?" hirap na sabi ni Apollo habang palipat-lipat ang tingin sa kanila ni Justice. "Artemis... ano ba 'to?"

Napaangat siya ng tingin at tinignan ang kakambal. This was the first time she saw Apollo looking so disappointed. Hindi naman niya masisisi ang binata. Natural lang itong madismaya dahil kaibigan din nito si Nova.

"Hindi ka dapat pumapayag sa ganito, Artemis!"

"Let's talk about this later, okay?" Sinubukan niyang pakalmahin ang boses. "You're mad, Apollo. We know that. Kaya alam din naming hindi ka makikinig sa —"

"Bibigyan niyo lang ako ng mga kagaguhang rason para hindi magalit!" Napasuklay ito ng buhok. "Whatever explanation that is, it will never justify what you two are doing!"

"Nova and I are over, Apollo. We're not doing anything wrong —"

Muling lumipad ang kamao ni Apollo sa panga ng binata. Artemis screamed to stop her twin from murdering Justice. Hinila niya ito palayo sa binata na napasubsob na sa center table.

"You're not doing anything wrong? Eh, kaibigan ng ex mo 'tong pinapatos mo, tangina ka!" bulyaw ni Apollo at muli pa sanang susugurin si Justice pero mahigpit na ang hawak ni Artemis sa damit nito.

"Apollo! Tama na nga sabi, eh!" singhal niya sa kakambal, earning a glare from him.

Saglit itong tumigil at humugot ng malalim na hininga. Pasakdol nitong binawi ang braso mula kay Artemis. Artemis flinched when he stepped forward to her. She always saw her twin getting mad with those guys trying to disrespect her, pero ni minsan ay nakita niya itong sa kanya mismo galit. And now's the first time she witnessed it.

"Umuwi na tayo," malamig na anito sabay hagip sa kanyang braso para kaladkarin siya palabas ng hotel room.

Napaawang ang mga labi ni Artemis at biglang nataranta. She can't go home yet! May kailangan pa siyang tapusin para sa fair. At kailangan pa niyang um-attend sa closing ceremony ng Michelin event bukas ng gabi!

"A-Apollo sandali." She tried to escape from her twin's grip, but he's stronger and pissed. "Apollo..."

"What do you want?" malamig na tanong nito habang deretso pa rin ang lakad papunta sa dulo ng hallway kung nasaan ng elevator.

Behind Closed Doors (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon