Chapter 37

907 35 3
                                    

CHAPTER 37 ..

MAHINA niyang hinaplos ang tiyan niya at naramdaman niyang may maliit na umbok na iyon . Bakit hindi ko iyon nakita at naramdaman ? Dahil ba ang isip at puso niya ay kung paano siya papatawarin ni Deon ? She's still confused how could her father save her babies ? Paano niya pinakita sa ama at kapatid nitong nawala ang anak niya ? Anong ibig sabihin ng mga iniksyon at gamot na pina-inom niya sa kaniya ?!

Naguguluhan at nalilito siya .. Hindi niya dapat iniisip iyon ang isipin niya ang anak niya . Gusto niya malaman na healthy ba ito o tama ba ang sinabi ng ama niya . Babies ? katulad ba sa kaibigan niya ?

" Salamat dahil kumapit kayo, mahal na mahal kayo ni mommy " mahinang bulong niya sa tiyan niya .

Ayaw na niyang umiyak pero kapag iniisip niyang kumapit ang anak niya sa sinapupunan niya, hindi niya mapigilan . Kamusta na kaya si Deon ? Bakit kasi umalis pa siya ! Gusto niya kasama si Deon habang lumalaki ang anak nila, kailangan niya ito . Umalis siya kahit alam niyang dudurog at dudurog lang sila pareho ..

" S-salamat, dahil binigyan niyo ng pag-asa ang puso ko sa kabila ng pinagdaanan ko sa p-pamilya ko . "

NAPAKUYOM niya ang kamay niya ng kita ng dalawang mata niya kung paano lumuhod ang ina niya . Why she's doing this ? Why does she need to kneel down for the sake of her baby ? Dapat galit siya dito pero bakit nasasaktan siya makitang hindi siya minahal ng ina at ama nito . Its heartaching seeing her begging for her, bakit nangyari pa ito sa buhay niya ?

Akala nila tuluyan na niyang isusuko ang anak niya kahit alam niyang hinihila siya sa kadiliman at pagod na pagod ang katawan . Nilabanan niya ang lahat ng iyon !

" Ma- "

Malakas na sinampal ni Kalia ang ina niya . Malakas na bumagsak ito sa sahig . No .. No, please stop mom .. Gusto niya bumangon at pigilan ito pero pagod na pagod ang katawan niya, wala siyang lakas para bumangon . Ano ba ang ginawa nila sa kaniya ?

" Wag mong tatangkain na itakas ang anak mo, Key- "

" A-anak pa ba ang t-turing mo sa akin ?! Sa tanang b-buhay ko hindi ko naranasan ang pagmamahal mo ! You always blame me ! You always hurt me na parang hindi mo ako anak ! Palagi mong sinasampal sa pagmumukha ko na isa lang ako pagkakamali na hindi mo dapat sinilang ! Why, mom ?! Why ?! ganiyan na ba katigas ang puso mo dahil sa ama ko ? All i want in my life is you, mom . Pero tama, hindi na ako aasa dahil ang sakit-sakit ng pinaranas mo sa akin . Ang sakit-sakit na hindi kona matanggap ! " puno ng hinanakit na sigaw ng ina niya .

Walang buhay na tumalikod si Kalia at walang puso na umalis kasama na doon si Gregorio at ang anak niyang si Gioven. Paano niya nagawa sa anak niya ito ?! She's heartless mother ! Mariin niyang pinikit ang mata sa nakikita niya . Tila hinampas ng matibay na bakal ang puso niya . Paano ba sila makatakas sa impyerno na bahay na ito ? Paano ?

Bumukas ang pinto at pumasok ang doktor . " Keyshia ! "

Lumuhod ito sa ina niya at hinaplos ang namumula na pisnge . " Sinaktan ka naman niya ? " madiin na sabi nito sa ina .

Winaksi ng ina niya ang kamay ng doktor . " W-wag mo akong hahawakan ! Wala kang karapatan na hawakan ako ! Wa- " malakas na tinulak nito ang doktor .

" Keyshia, an- "

" Bilhin mo ako "

Lumaki ang mata ng doktor, hindi maka-paniwala na tumingin ito sa harapan . Anong gagawin ng ina niya ?!

AlphabetusSeries 4: Hearts DesireWhere stories live. Discover now