Chapter 42

918 31 3
                                    

CHAPTER 42 ..

         
          NGUMITI si Deon sa asawa ng tumingin ito sa kaniya habang mahigpit na niyakap ang ina. Alam niyang may kulang sa asawa niya at alam ni Deon kung ano ang pinapahiwatig ng bawat kislap ng lungkot sa mga mata ng babaeng mahal .

Kasi naramdaman ko ang naramdaman niya .

Kumikirot ang dibdib niya sa katotohanan na hindi sila karapatan dapat na dalawa pero kahit hindi sang-ayon ang tadhana sa kanila, ipaglalaban parin niya ito . Bakit ba nangyayari ito sa kanila ? Ang gusto ko lang naman ang maging masaya bakit ang hirap abutin iyon ? Yumuko siya ng nalaglag ang isang butil na luha sa pisnge niya .Habang lumilipas ang segundo mas lalo siyang hindi makahinga.  Sinabi na sa kaniya ng ina ni Kyzha ang katotohanan at doon siya mas dinurog. He still keep hoping that maybe, Kyzha's mother is wrong . Palagi niyang iniisip na baka nagkamali lang ito, baka sakali na hindi iyon totoo .

Hindi ko matatanggap iyon ! Hindi !

“R-rein, I-im s-sorry . S-sorry, baby . S-sorry for e-everything . S-sorry . I-im s-sorry . ”Humagulgul ang ina ng asawa habang mahigpit na niyakap ang anak nito .

Kyzha bit her lips and nod to her mother . “I-its o-okay . P-please, s-stop crying . M-mom”

Umiling ang ina nito. “I-im s-sorry, anak . S-sorry” Paulit-ulit iyon binibigkas ng ina ni Kyzha .

Yumuko ang doktor na ama ni Kyzha at kapatid nito . Alam niya na alam ng dalawa ang pinapahiwatig ng ina ng asawa at alam ni Deon kung bakit nandito ang pamilya ni Kyzha . Even its damn hurt, he need to face this.

“P-patawarin mo si M-mommy ha . I-iniwan kita ng mag-isa . Patawarin mo ako ha kung mas lalong nasasaktan ka ngayon, patawarin mo ako dahil hindi ko alam kung paano kita matutulungan ngayon . I-im s-sorry, baby for all the pain i caused to you . R-rein, I-im really sorry . Hindi ako naging mabuting ina sayo, hindi kita pinatanggol, wala ako sa tabi mo ng mga panahon na kailangan na kailangan mo ako .” Nanginginig ang labi nitong sinapo ang mukha ng anak .

“Ni hindi kita nayakap, nak . Ni hindi ko narinig na tinatawag mo akong mama . Ni hindi ko sinabi sayo na mahal na mahal kita, Rein . Wala akong kwentang ina para hayaan kang maranasan mo ang sakit at pagdudusa sa kamay ng pamilya ko . At s-sorry, s-orry, sorry Rein. S-sorry kung ako ang dahilan bakit masasaktan kayo .” Dumako ang tingin ni Keyshia sa kaniya, puno ng lungkot at pagsisisi ang mukha nito .

“M-mom”

Bago pa ibuka ni Keyshia ang labi para sabihin ang totoo sa asawa, mabilis na lumapit si Deon sa asawa . “K-kumain po muna tayo . Alam ko pong pagod kayo” Pagtigil niya sa ina ng asawa .

Hindi pa siya handa .

Tumingin si Kyzha sa kaniya at naguguluhan ito . Deon smiled at her and kiss her forehead . I'm willing to commit a sin if its the only way to have them . Matiim na tumingin siya sa asawa, minememorya ang buong mukha nito baka..baka ito na ang huling magka-sama sila. Deon mouth her 'I love you' ..

Niyakap siya ng asawa niya. “I love you too” Mahinang bulong nito sa kaniya .

“Kumain na tayo, nagugutom na siguro ang mag-ina ko” Mahina siyang tumawa kahit alam niyang hindi siya masaya sa mangyayari mamaya .

Nahihirapan ang ina ng asawa na tumingin sa kanila .

“Deon, anak . P-pasensiya na kung gusto na—”

Ngumiti si Deon sa ina ni Kyzha .“Okay lang po, kumain na po tayo”

Tumango ang mga ito . Maingat na pina-upo ni Deon ang asawa sa tabi niya, malawak ang ngiti niyang binigyan niya ito ng pagkain na alam niyang gusto na gusto nito .

AlphabetusSeries 4: Hearts DesireWhere stories live. Discover now