Chapter 48- (SPG)

1.5K 34 2
                                    

SPG: Warning ⚠️

CHAPTER 48..

NAPATANGA si Kyzha sa nakikita niya. D-Wale Race Inc. ? Dahan-dahan na pumasok siya sa loob ng building. What's going on ? Bakit maraming petal na naka-kalat sa sahig at mga ibat-ibang kulay ng balloons, walang tao sa loob at namamangha siya.

Lumalim ang gatla ng noo niya at napakagat siya ng labi niya ng makita ang larawan niya. It's her first time interview at Arreith company, namimilog ang mata niya sa araw na iyon dahil sa gulat . Ano ba ang nangyayari ? Sa sobrang kaguluhan, sinundan niya ang mga bulaklak na nagkakalat sa sahig at sa bawat segundo na lumipas, humihiyaw sa kaba at galak ang puso niya .

Napatigil siya . Bumaba ang mga mata niya sa bulaklak na nasa maliit na mesa at isang sulat . No one's there but she felt like someone's follow her. Hindi niya maintindihan para bang may cctv sa bawat galaw niya, may naririnig kasi siyang ingay . What's that noise ?

“Ano to?” Kinuha niya ang sulat .

She bit her lips. Para nang sasabog ang puso niya sa nangyayari .

‘My sweet, this is it (Kinakabahan ako) Follow the petals and don't scream, okay ? I love you”

                          ~Your horny-man

Mahina siyang natawa sa Your horny-man nito. Pinanindigan talaga ng asawa niya iyon ? Deon surprise her, it's a lot of effort and time. Kahit na kasama niya ito palagi, nagawan niya ng paraan na matapos ang lahat ng ito. Hindi niya alam na ito ang ginagawa ng asawa, wala talaga siyang alam .

Naka-limang hakbang palang siya ng makita niya ang ina niya papunta sa direksyon niya . She's beautiful and stunning in her dress.

“Mom ?”

Malapad na ngumiti ang ina niya at niyakap siya .

“Ang ganda mo, anak. Masaya na masaya ako para sayo, baby” Umiyak ang mommy niya habang hinahaplos ang pisnge niya .

Ano ba talaga ang nangyayari ?

“Mom, umiiyak ka naman.”

Pinunasan niya ang luha sa pisnge ng ina niya. Malambing na niyakap niya ito at hinalikan sa noo. Ganito ba talaga kapag kasama mo ang ina mo ? Hindi mo maipaliwanag ang nararamdaman mo. Sapalagay niya kumpleto na siya at wala na siyang hihilingin pa.

Ngumiti ang Mommy niya at inayos ang damit niya .“Halika na, anak . Kanina pa sila nag-hihintay”

Mahigpit na hinawakan ni Kyzha ang kamay ng ina niya habang pababa sila sa hagdan. Kinakabahan siya, namamawis ang kamay at noo niya. Sa bawat segundo lumilipas, mas lalong nagwawala at ang lakas ng kabog ng puso niya . Ang tanging naririnig lang niya ang hindi mapakali na puso niya. G-d, ano ba ito ?

Nangangatong ang tuhod niya at naghihina siya sa nakikita niya. Her lips parted open as she saw herself in the large flat screen, lahat ng kilos niya kanina ay nakikita niya sa malaking flat screen sa harapan niya. Sinapo niya ang dibdib niya at tumingin sa paligid, tila ba sa sandali na tumapak ang mga paa niya sa destinasyon nila bigla nalang tumigil ang mundo niya.

“Oh g-d . What's going on ?” Mahinang bulong niya sa sarili niya.

Nanunubig ang gilid ng mga mata niya ng makita ang pag-palit ng video sa malaking flat screen, hindi tinatantanan ni Deon ang pag-tingin ng sonogram na hawak habang kinukuhanan siya ng video ng mga kaibigan niya. Sa sobrang saya nito, umiiyak ito sa harap ng mga kaibigan niya. Nalulusaw ang puso niya sa nakikita niya, sobra-sobra na ang ginawa nito para sa kaniya.

AlphabetusSeries 4: Hearts DesireWhere stories live. Discover now