Chapter 45

981 28 5
                                    

CHAPTER 45..

      MAHIGPIT na niyakap ni Kyzha ang ina niya, ang bigat-bigat ng iyak nito na hindi narin niya mapigilan na umiyak . Ano ba ang nangyayari sa kaniya ?

“M-mom, what's wrong ? Shhh, please don't c-cry .. wag ka nang umiyak” Garalgal ang boses niya habang hinahagod ang likod ng ina .

Tumingala ang ina niya sa kaniya at emusyonal na hinahawakan ang pisnge niya . “Its nothing, baby . Mabigat lang ang dibdib ko dahil kay mommy . Wag ka nang mag-alala”

Kyzha shook her head . There's something wrong with her, nakikita niya iyon .

“Sabihin mona sa akin, Mom . Please”

Yumuko ang ina niya at tinakpan ang mukha. “N-nandito si Gregorio kanina”

Nanigas si Kyzha sa sinabi ng ina niya . Unti-unti namumuo sa dibdib niya ang galit at ang lahat ng sakit na binigay nito sa kaniya pero napatigil siya at nag-aalala na tiningnan ang ina niya .

Sinapo ni Kyzha ang mukha ng ina   “Sinaktan kaba niya ? May ginawa ba siya sayo ?”

Umiling ang ina niya .

“Binisita niya si Mommy para mag-paalam.”

Hinawakan ni Mommy ang kamay niya at pilit na ngumiti sa kaniya . “He's the best father for me, Baby . Alam ko naman kasi na hindi siya masama, siya ang pinaka-malambot at mabait na nakilala ko . You know, alam niyang hindi niya ako tunay na anak dahil wala naman may nangyari sa kanila ni Mommy . Niligtas niya ako at tinuring na anak . Minahal niya ako bilang anak niya o princesa niya . Siguro ang selfish ko rin kasi binigay naman niya lahat na maging kontento ako pero hinahanap ko parin ang totoo kung ama, hindi kona inintindi ang mararamdaman niya kasi para sa akin gusto ko makasama ang totoo kung ama . At nagsisisi ako dahil pinipilit ko ang sarili ko sa ama kung inambona pala ako . Sapalagay ko kasalanan ko kung bakit naging masama siya”

Kyzha bit her lips, she saw the pain, hatred, longingness and penitency in her mother's eyes . Pinisil niya ang kamay ng ina at niyakap ito patagilid, wala siyang alam kung paano ito tutulungan sa dinadala niya sa dibdib nito .

“W-why ?”

“I don't know, Baby . Hindi kona siya natanong dahil siguro kinakahimuhian ko siya at galit ako sa ginawa niya sayo lalo na kay Mommy . Nagsisisi akong hindi ko sinabi sa kaniya ang matagal ko nang kinikimkim sa dibdib ko . He was there for me, kapag nagagalit at nasasaktan ako sa ama ko nandiyan lang siya sa tabi ko at lahat ginawa nito para maging mabuti lang ako pero wala man lang ako sa tabi niya nung mga panahon na hindi na niya kaya ang sakit, wala ako sa tabi niya nung mga panahon na kailangan na kailangan niya ng masasandalan . ”

Kyzha wiped her tears and caressing her back . Alam niyang kahit naging masama ang naging ama nito, mahal parin ito ng ina niya bilang ama . Napansin niya noon ang pag-iwas ni Gregorio na tumingin sa ina niya at hindi niya alam, mayroon pangulila doon pero agad napalitan ng madilim na awra .

“Naging masama siya dahil nabalot siya ng sakit at inggit. Dahil akala niya wala ng nagmamahal sa kaniya, dahil akala niya lahat nalang mahal niya sa buhay iniiwan siya . M-mom lahat naman tayo deserve na bigyan ng second chance para mag-bago at mag simula ulit, diba ?”

Umiling ang ina niya at mahigpit siyang niyakap . “Paano, baby ? If he sacrifice himself to save my mother, huh ? Gusto ko sabihin na deserve niyang mamatay pero paano ko gagawin iyon kung nalaman ko ang lahat-lahat ng ito ?”

Napa-awang ang labi ni Kyzha at napatakip ng bibig niya sa sinabi ng ina niya .. B-bakit niya ginawa iyon ? Napakurap-kurap siya hanggang sa nanghihina na-napahiwalay siya sa ina niya. Kaya ba hinabol siya ng asawa niya ? Alam na ni Deon ?

AlphabetusSeries 4: Hearts DesireWhere stories live. Discover now