Forty-Seven

56.3K 1.5K 85
                                    


Chapter 47

~~Jane's POV~~

Nasa himpapawid ako noon nang sumigaw ang kakambal ko at tumira ng napakaraming dark balls papunta sakin.

Mabilis ko naman yung nailagan. Ayoko siyang saktan pero kailangan. Naaawa ako sa kanya pero kung magpapalamon ako sa awang iyon ay ang Elemental World naman ang kawawa. Kaya kailangan ko talagang magsakripisyo at pumili.

Kung ang kapatid ko ba o ang mundo namin.

Tumira pa siya ng tumira gamit ang dala niyang bungo.

Ang magagawa ko lang ay ang umiwas.

"Ano ba! Bakit ka iwas ng iwas na lang?! Duwag ka ba?! Bakit hindi mo ako labanan?!",tanong niya.

Nasa himpapawid na kami.

May mga naglalaban-laban na sa ibaba pati na rin dito sa itaas.

"Hindi sa naduduwag ako. Ano ba?! Magkapatid tayo! Dapat hindi tayo nag-aaway-away!",sabi ko naman.

"WALA AKONG KAPATID!",sabi niya at tumira na naman ng dark ball. And this time,hindi ako nakaiwas kaya natamaan ako at tumama ang likod ko sa pader. Sakit. Napakasakit.

Hindi ang likod ko kundi ang sakit sa puso. Masakit na hindi ka tinanggap na kapatid.

"Ito pang sayo!",titirahan na niya sana ako nang may humarang at gumawa ng shield.

Pagtingin ko.

"I-ina. ",tanging nasabi ko.

Nakita ko rin namang napa-atras ang kakambal ko at kalaunan ay napatingala sa langit.

~~Dark Queen's POV~~

Titirahan ko na sana si Jane ng dark ball nang may humarang at nagprotekta sa kanya.

At pagkakita ko ay napa-atras ako.

"I-ina. ",ang tanging nasabi ng kakambal ko.

At hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Napatingala na lang ako sa langit.

'Wag kang umiyak! Tandaan mo! Itinapon ka nila sa dagat! Hindi ka nila mahal!'

Sabi niya na nagpabalik muli sa sakit at poot ko.

"Miku,anak ko.",sabi ng reyna at tumingin sa mata ko. Kita ko sa mga mata niya ang pagkasabik na makita ako.

Napa-atras naman ako habang papalapit siya sakin. Gustong gusto kong pumunta sa kaniya at yakapin siya. Pati na rin ang kapatid ko pero h-hindi p-pwede.

'Kailangan mo silang mapatay! Ipinatangay ka nila sa dagat at hindi ka nila mahal! Wala kang silbi sa kanila! Malas ka! Salot! Kamalasan ang dala mo!

Ipinatangay ka nila sa dagat at hindi ka nila mahal! Wala kang silbi sa kanila! Malas ka! Salot! Kamalasan ang dala mo!

Hindi ka nila mahal! Wala kang silbi sa kanila! Malas ka! Salot! Kamalasan ang dala mo!

Wala kang silbi sa kanila! Malas ka! Salot! Kamalasan ang dala mo!

Malas ka! Salot! Kamalasan ang dala mo!

Malas ka! Salot! Kamalasan ang dala mo!

Malas ka! Salot! Kamalasan ang dala mo!'

"AAAAAAAAAAAAAAAAAH! TAMA NA!"

' Malas ka! Salot! Kamalasan ang dala mo!'

Elemental Kingdom: The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon