Thirty-Three

58.8K 1.7K 23
                                    

Chapter 33

~~Angie's POV~~

Nandito ako ngayon sa clinic binabantayan ang bruha kong bestfriend.

Nahimatay na naman kasi kahapon sa training nung papa-alis na sila. Marahil dahil sa sobrang pagod.

Nagulat na lang ako ng bigla niyang sinakal ang sarili niya.

"A-ackk-k...P-please k-k-kung s-sino ka m-man i-tigil mo n-na to. H-hindi ko k-kayang saktan ang s-sarili k-ko.",nahihirapang sabi niya habang sinasakal ang sarili.

Napatawa na lang ako kasi baka nantritrip na naman ito.

Ngunit napatigil ako nang makita kong nasasaktan na talaga siya.

"A-aaahhhhhhhhhh!!! Tama naaaaaa!!!!",-nahihirapang sigaw niya.

" Jaaaaaaaane!!! ",-sigaw ko malapit sa tenga niya baka sakaling magising siya. Pero niyugyog ko na hindi pa rin siya nagigising.

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

I can't stand seeing my bestfriend in pain. I can't ....Kasi tinuring ko na siyang kapatid sa pagsasama namin for how many years.

Narinig ko namang paparating na ang mga royalties kaya tinawag ko sila.

Binalikan ko si Jane na patuloy parin sa paghiyaw.

Hindi ko napigilan ang sarili ko na sampalin siya ng malakas para magising lang.

Sampal ang mabisang paraan para magising ang isang tao sa isang kasinungalingan.

At ayun nga,laking tuwa ko nang nagising siya at dali-dali niya akong niyakap habang nanginginig at umiiyak.

"Sssshhhhhh....a-anong nangyari? Ba't ka nanginginig Besty? ",-tanong ko sa kanya.

Ngunit agad siyang umiling.

Alam kong may tinatago siya ngunit ayaw niya lang ipaalam.

~~Jane's POV~~

Tatlong araw na ngunit hindi pa rin ako handang magtraining muli.

Nandito nga pala ako sa kaharian namin ngayon.

"Anak matulog ka muna.",-sabi ng aking Inang Reyna habang hinahaplos ang buhok ko.

"Mamaya na po Ina. ",-magalang na sagot ko.

"Kung yan ang gusto mo.Ano ba kasi talaga ang napaginipan mo Anak? ",-tanong ng aking ina.

Napayuko na lang ako kasi hindi ko gustong ma-alala ulit yun.

"*sigh* Basta anak, tandaan mo na nandito lang kami ng ama mo na handang sumuporta,gumabay at umintindi sayo. Mahal na mahal ka namin. ",-sabi ni Ina at hinalikan ang noo ko.

"Opo. Mahal na mahal ko rin po kayo. ",-sagot ko.

Hmmmmm....Hmmmm...♪

My mom started humming.

And I unconsciously slept.

---------

~~ Foresty's POV~~

Ikaapat na araw na ngayong hindi pumapasok si Jane at nandoon lang sa kaharian nila. Hindi din namin alam kung ano ba talaga ang nangyari sa panaginip niya.

"Te-teka! Si Jane ba y-yun? ",-tanong ko.

"O-oo nga nuh. ",-pag-agree ni Oceane.

Rainbow na ang kulay ng buhok niya at paglapit niya samin Rainbow na din ang kulay ng buhok niya na minessy braid niya.

Para siyang diyosa.

"Anong nangyari sa inyo? Bakit parang nakakita kayo ng multo? ",-tanong niya pagka-upo.

Napa-ayos naman kami dun. Hindi lang pala kami ang napatulala,pati rin pala lahat ng tao dito sa canteen.

"A-ang ganda mo. Para kang isang diyosa. ",-namamanghang sabi ni Oceane.

"Matagal na yan.",-sabat ni Zach na ikinagulat naming lahat pati ata siya eh nagulat sa sinabi niya kasi napayuko siya.At namumula ang mga tenga niya. Ancute. hahaha. Pati rin si Jane ay namumula na din.

Ang cute nilang dalawa! Hihihi

Hindi na kami nagulat nang biglang nagwalk-out si Zach. Marahil nahiya yun. Hahaha..

"So kumusta ka na Besty? ",-tanong ni Infera/ Angie.

"Hmmm...M-mabuti naman.",-sagot niya at ngumiti pero hindi ito umabot sa mga mata niya.

Haaaay...Sana makalimutan niya na yung masamang panaginip na yun.

"Haaay...So kailan mo gustong magresume ng training natin? ",-tanong ko sabay subo ng pancake.

"Pagkatapos natin dito.",-sagot niya ng seryoso.

"Hmm...Okay.",-sagot ko at susubuin ko na sana ang natitirang pancake nang bigla itong kinuha ni Chad at kinain.

"Ano ka ba naman Chaddy oh! Ba't mo yun kinain?! ",-tanong ko at nagpout..

"Mukhang masarap kasi.",-sagot niya pagkatapos lumunok.

"Libre mo ko someday ah kundi naku! ",-sabi ko at piningot ang tenga niya.

"Ang kuripot mo naman Resres! Para saan pa at Prinsesa ka.",-sabi niya.

"At saan mo nakuha ang Resres na iyan? ",-tanong ko at tinaasan siya ng kilay.

"Sa pangalan mo. Saan pa ba? ",-bara niya sakin.

"Aba't binabara mo na ko ngayon ah. ",-sabi ko at nagpout.

"Ganyan talaga buhay. Hahaha.",-sagot niya.

Ang gwapo niya talaga. Haaaaay...Mapapasakin kaya siya? Haaay..Opps... gosh! This mouth is so talkative. >_<

Sssshhh lang kayo ah.

"**Ehem!** **Ehem** ",-ubo ni Jane habang nakangiti sakin nang nakakaloko pati na rin kay Chad.

Fudge... Waaaaaaaaah... I'm dead. I'm soooo soooooo dead. >_<

Nakakabasa pala siya ng isip.

"Hahahahahahahahahaha!",-tawa niya.

Marahil nababasa niya na mga utak namin ngayon.

"Waaaaaah...Tumigil ka nga Jane! Alam kong nababasao mga utak namin ngayon. Huahuahua",-sabi ko at tinakpan mukha ko. Ang init na kasi.

"Chill...I'll keep it as a secret. Promise. ",-siya at kinindatan ako.

Waaaaaaah... T^T

Ang daldal ko kasiiiiiiii!!!

Pero mabuti na rin yun kasi nakakangiti at tawa na siya muli.

xoxo xoxo

Thanks for reading.

Mwuuuuaaaah!

Vote for more!
Comment your Thoughts!

And Share for more happiness. :*

Lovelots,

Janey_jane143 ♥

Elemental Kingdom: The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon