Chapter 9

138K 3.3K 219
                                    

Jane's POV

Kasalukuyan kaming nasa sala ni Angie habang nanunuod ng television. May mga palabas din sa mundong to at ang mga gumaganap ay mga elementalian lang din. Parang mortal world lang rin naman dito kung wala lang kapangyarihan ang mga naninirahan.

Ang pinapanood namin ngayon ay ang storya ng dalawang magkasintahang nilabag ang batas ng mundong ito na hindi dapat nag-iibigan ang may magkaibang elemento na pinamagatang "The Power of Love". Ang korny man pakinggan ng titulo ng palabas pero nakakaiyak. Mahusay gumanap ang mga artista saka madadala ka talaga. Pang-hollywood!

"Oh my gosh! Bakit ba kasi hindi na lang nila sila pinabayaang magmahalan?! Bakit may ganyan pang batas dito sa mundong to?",hagulgol ni Angie habang patuloy na nagpupunas ng luha gamit ang panyong ngayon ay basang-basa na ng kanyang luha.

Kapwa kami umiiyak. Ako na tahimik lang samantalang si Angie ay parang namatayan ng alagang pusa o aso.

"True.", I said and sniffed. Mahina kong pinahid ang mga luhang tumakas sa aking mata. Pinapanuod na namin ang parte kung saan pilit na silang pinaghihiwalay ng mga nakatataas.

Tutok na tutok kami sa panunuod nang may kumatok sa pinto. Nagtulakan pa kami kung sino ang magbubukas pero humagulgol ulit ang bruha kaya napilitan akong pumunta sa pinto. Nahiya ako sa iyak niyang malakas.

Habang papunta sa pintuan, patuloy pa rin ako sa pagpahid ng luha at paminsan-minsang pagsinghot. Nang tuluyan ko nang buksan ang pintuan, parang naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang makita kung sino ang mga nasa harapan ko ngayon.

Hala! Ano to? House raid?

"Hindi mo man lang ba kami papapasukin babae? Ang init pa naman baka masira yung kutis ko.",reklamo ni Aira saka sinamaan ako ng tingin. Sino ba naman kasi nag-imbita sa kanya dito?

"Daldal mo mahal na prinsesa.", sabat ni Tyron kay Aira. Sinamaan lang naman siya ni Aira ng tingin.

"Tuloy kayo.", sabi ko. Agad ko silang pinapasok kahit nagtatanong pa din ang isip ko kung ano ang ginagawa nila sa dorm namin. Nahiya din naman ako sa kutis ng prinsesa ng hangin.

Naabutan pa din namin si Angie na umiiyak habang patuloy na nanunuod sa palabas. Napatampal ako ng noo nang mapagtantong nakalimutan ko ang estado ni Angie ngayon. Masyado akong nagulat kaya nakalimutan ko siyang bigyan ng babala. Napatampal na lang ulit ako ng noo.

Dalawa ang sala ng dorm namin. Ang isa ay ang parang tanggapan ng madaliang panauhin tapos yung isa na nasa sunod na silid ay ang sala na merong iba't ibang gamit. Napakayaman ng paaralang to. Dahil na rin siguro sa mahika kaya napakadali para sa kanila ang paggawa ng mga gusali.

"Bakit? Bakit? Bakit hindi na lang nila tanggapin?",umiiyak pa ring sabi ni Angie. May pahawak-hawak pa siya nang dibdib na parang siya yung nasasaktan.

Mahina akong napalingon sa mga nasa likod ko. I sent them an apologetic look. Kasalukuyan silang nagpipigil ng tawa. Sino ba naman kasi ang hindi? Kahit ako ay umurong ang luha nang makita ko din si Angie. Ganito din pala ako kanina? Napatampal ulit ako nang noo. Buti na lang di ako ang naabutan nilang ganyan.

"Kaya ka pala lumuluha din kanina Jane.", bulong ni Foresty sakin saka mahinang tumawa. Ayaw ata nilang madisturbo ang pag-aarte ni Angie.

Sa di sinasadyang pagkakataon, nagtama ang mga paningin namin ng mayabang na prinsepe. He just smirked at me then mouthed, "Cute".

Agad akong tumalikod kasi ramdam ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko. What was that?! Ano ang nakain ng mayabang na prinsepeng iyon? Saka anong problema ko? Sinabihan lang ng isang salita, pumupula na? Napahilamos na lang ako ng mukha gamit ang palad ko saka mabagal na naglakad patungo kay Angie. Kinalabit ko siya nang mahina ngunit nasa palabas pa din nakatutok ang atensyon niya.

Elemental Kingdom: The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon