Prologue

12.5K 206 17
                                    






"Tsong naman, tama na 'yang kakainom mo. Wala ka namang mapapala d'yan, eh." Hindi ko pinansin ang kanina pang pagpipigil sa akin ng mga kaibigan ko.

"Hayop na 'yan! Ano ba naging ka-kasalanan ko?" Pumiyok ako habang nagsasalita.

"Nagtanong ka pa? Puro ka nga kalokohan kaya pati sila Tito nawawalan na ng tiwala sayo. Tapos nagtataka ka kung bakit nakipaghiwalay sayo 'yang girlfriend mo?" Palatak naman ni Gwen.

"Hoy! Kawawa na nga 'yung tao, eh. Panira ka talaga, Gwyneth." Sabat ni Jaron. Nakikinig lang ako sa usapan nila habang nakasandal ang likod ko sa couch at nakatingin sa ceiling ng bar.

"Bakit ba? Kasalanan niya 'yan. Kung tumino siguro siya baka balikan pa siya ni Kira. At saka ikaw Jaron, 'wag mong kinukunsinti 'tong si Hazelle. Kaya lumalaki 'yung ulo, eh."

"Gwen, stop na. Imbes na tulungan natin 'tong si Haze dumadagdag ka pa sa problema niya." Dinig kong sabi ni Sophia.

"Oo nga naman." Sabat naman ni Angelo.

"Kayong tatlo talaga! Ba't 'di niyo pagsabihan 'yang kaibigan niyo para tumino."

"Hindi naman 'yan nakikinig, eh."

"Hoy, Haze! Saan ka pupunta?" Tawag nila sa akin no'ng tumayo ako sa kinauupuan ko.

"CR langsh... akhoosh." May pagka-slur kong sabi.

"Hoy, kayo mo ba? Baka matumba ka."

"Hayaan niyo nga 'yang kaibigan niyo. Siya rin naman may kasalanan, eh. Hayaan niyo siyang magpakalunod sa sarili niyang katangahan. Sinabi ko na sa kanya dati na wala siyang mapapala sa bruhang babaeng 'yon, tapos ano nangyari? Ayan, iniwan siya at pinagpalit sa kapatid niya. Ang tigas kasi ng ulo." Inis na saad ni Gwen.

Wala nang pumigil sa akin at pagewang-gewang na akong naglakad papuntang CR.

Nakayuko lang ako habang tinatahak ang daan papuntang restroom.

Wala pa ako sa kalahati ay may nabangga ako kaya natapon sa damit nito ang mga inumin at pulutan na dala niya.

"Stupid idiot! Watch where you're going!"

Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Medyo nandidilim na ang paningin ko at nagsisimula nang sumakit ang ulo ko.

"Hey! Not even a sorry?!" I heard someone shouted. Hinatak ako ng kung sino man paharap sa kanya.

"Are you deaf or you're just stupid—" Napahawak ako sa tiyan ko at naisuka ang mga nainom ko at nakain dito mismo sa damit nito.

"Stupid sh't! Ugh! I will k'll you!"

Magsasalita na sana ito pero bigla ko nalang naramdaman ang pagkabagsak ko sa sahig at nawalan ng malay.

𝐉𝐔𝐒𝐓 𝐀 𝐏𝐑𝐎𝐅𝐄𝐒𝐒𝐎𝐑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon