Chapter 3

2.5K 133 18
                                    






Hazelle

Lihim akong napamura nang malakas kong naisara ang pintuan.

"Oh look who decided to show up." Binaling ko ang atensyon ko sa pamilyar na boses na 'yon.

"Dad, ang magaling na anak niyo na si Hazelle ay ngayon lang umuwi." Minura ko sa isipan ko ang walang hiya kong kapatid.

"Where have you been ha? Hindi kita ma-contact kagabi." Sabi ni Papa. Magkasama silang tatlo sa sala kasama ang stepmother kong ubod ng taray akala mo naman kagandahan, nababalot lang naman ang mukha niya ng napakakapal na makeup.

"Kanila Gwen ako nagpalipas ng gabi." Pagdadahilan ko. Syempre hindi ko naman pwedeng sabihin na natulog ako sa condo ni Ms. D'aureville, baka kung ano pa isipin nila.

"Hindi ka talaga marunong makinig 'no? I told you many times na 'wag kang sumasama sa mga taong 'yan! I told you, they are bad influence!" Hindi na ako nagulat sa pagsigaw niya dahil sanay naman akong sinisigawan araw-araw. Ilang beses na niya rin ako sinabihan na masamang tao raw sila Gwen when in fact sila itong masama. Sila Gwen na nga lang ang natitirang importanteng tao sa buhay ko.

"They're my friends!" Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa harapan ko at naramdaman ko nalang ang kamay nitong dumapo sa pisngi ko. Sa sobrang bigat ng kamay niya ay napasalampak ako sa sahig. Napayukom ako ng kamao.

Hindi naman inawat ng mag-ina si Papa. "'Wag mo akong masigawan! Walang respeto!" Pagduduro nito.

"Alfonso!" Palihim akong napangiti nang dumating si Grammie.

"'Wag mo ngang sinisigawan ang apo ko." Inalalayan ako ni Grammie makatayo. I smiled at her when she inspected my face if there are any bruises marked.

"Tignan mo nga ang ginawa mo! Sa susunod na pagbuhatan mo ulit si Hazelle ng magaspang mong kamay ako ang makakalaban mo!" Napangisi ako nang masilayan ang galit na mukha nilang tatlo. Akala niyo ha.

"'Ma, ang tigas kasi ng ulo ng apo niyo. I'm just educating her." Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Grammie. For some reason, biglang kong naalala si Ms. D'aureville.

The fvck?! Bakit ko ba iniisip ang babaeng 'yon?

"Educating ba 'yung sinasaktan mo siya? Sa oras na maulit itong nangyari kay Hazelle, I'll remove you sa ownership ng kompanya na pinaghirapan namin ng Papa mo." Nagulat naman ako sa sinabi ni Grammie. She would do that? Sa sarili niyang anak?

"'Ma! You can't do that!"

I saw how Grammie smirked. "Watch me, Alfonso."

"Tara na, Hazelle." Sumunod naman ako kay Grammie, nakasunod din sa amin ang mga masasamang tingin nila pero wala akong paki.

Sa mansyon na 'to, si Grammie Victoria lang ang kakampi ko. Mabuti nga na nandito siya kung hindi baka hindi lang sampal ang inabot ko.

"Grammie, gagawin niyo talaga 'yon kay Papa?" Pagkaraang tanong ko. Nandito kami sa kwarto niya. Pinaupo ako nito sa kama bago pumunta ng banyo, lumabas din ito dala-dala ang first aid kit.

"Yes, apo."

"Bakit? He's your son, Grammie." Ngayon ko lang naramdaman ang hapdi ng sugat sa gilid ng aking labi nang idampi ni Grammie ang bulak na may betadine doon.

"What? I don't care. Kung ganyan lang ang turing niya sayo ay baka mas malala pa ang gagawin ko sa kanya." Napangiti naman ako.

"Thank you, Grammie." Niyakap ko ito.

"Walang anuman, apo ko. 'Wag kang matatakot na sabihin sa akin kapag sinaktan ka ulit ni Alfonso ha? Or kahit 'yung bruhang si Maricar at 'yung anak niyang si Nathan."

𝐉𝐔𝐒𝐓 𝐀 𝐏𝐑𝐎𝐅𝐄𝐒𝐒𝐎𝐑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon