Chapter 9

2K 118 18
                                    







Hazelle

Maaga ako nagising kinabukasan dahil sa malakas na simoy ng hangin. Pagkabangon ko ay napansin ko na nakabukas pala ang bintana, kaya pala kagabi pa ako nilalamig, dagdag pa na may aircon dito.

Sinarado ko ito agad at dumiretso sa banyo, I did my morning ritual saka naglakad papunta sa kusina. Naabutan ko naman si Sydney doon na may niluluto.

"Good morning." Lumingon ito sa akin.

"Morning." Nahihikab kong bati.

"Nagluto lang ako ng eggs and ham, sabi kasi ni Gwen hindi raw makakapagluto si Tita dahil na late na ng gising." Tumango nalang ako sa kanya dahil medyo wala pa ako sa wisyo.

"Hindi ka ba nilamig kagabi?"

"Huh? Hindi naman bakit?"

"Nakabukas 'yung bintana kanina, eh."

Kunot noo itong tumingin sa akin. "Pagkabangon ko kanina nakasara naman 'yon."

"Bakit nakabukas paggising ko?" Nagkibit balikat lang ito bilang sagot.

Weird.

"Good morning, people of the universe!" Masiglang bati ni Jaron pagkapasok nila ng kusina dito sa kwarto namin ni Sydney. Kasunod nito sila Gwen na mukhang may hangover pa.

"Himala wala ka yatang hangover?" Tanong ko kay Jaron. Parehas kaming nakainom kagabi pero hindi naman masakit ulo ko.

"Hindi kasi ako weak."

"Ulol!"

"Angelo, 'yang bibig mo ang aga-aga." Naiinis na sambit ni Sophia.

"Laging mainit ulo mo kay Angelo 'no?" Bulong ko sa kanya.

"Sino bang hindi iinit ulo kapag ganyang mukha ang lagi mong nakikita." Natawa naman ako sa sinabi nito.

"Okay so, tinext ako ni Evie kanina na invited daw tayo sa birthday ni Lie." Pagsingit ni Kali.

"Wow, nakuha mo agad number niya?"

"Binigay niya, eh."

"Anyways, sama ba kayo?"

"Kailan ba 'yung birthday party na 'yan?" Tanong ni Gwen.

"Mamayang ala una raw ng hapon, sa may beach."

"'Di ba ang alis natin ay mamayang alas dose?"

"Oo nga pala. Pero ako gusto ko pumunta kaya stay nalang ako. Kayo ba?"

Wala naman akong gagawin sa bahay kaya pumayag na akong sumama.

"Ikaw?" Tanong ni Gwen. Nagbaling naman kami kay Sydney na tapos na magluto.

"I promise kay Mom na sasamahan ko siya bantayan 'yung shop. Sorry."

"It's fine. Sige, hindi na rin ako sasama. Tutal kailangan ko pa ihatid sila Mama." Aniya Gwen.

Hindi na rin sumama si Sophia dahil wala na itong balak uminom. Kami lang nila Kali, Jaron at Angelo ang sumama dahil wala rin naman kaming gagawin.

Habang naghihintay ng oras, naisipan kong maglakad muna sa gilid ng dagat. Hinahawi ko pa ang buhok ko dahil sa ihip ng hangin. Kahit nagsuot ako ng jacket ramdam ko pa rin ang lamig nito.

Sa hindi kalayuan, natanaw ko ang isang babaeng iniwanan kami kagabi. Walang pagdadalawang-isip na nilapitan ko siya. Tumabi ako sa kanya pero parang hindi nito yata nararamdaman ang presensya ko sa tabi niya.

I let out a cough to catch her attention. I noticed her subtle shift as she glanced towards me, her eyes meeting mine briefly, though she didn't fully turn her head to face me directly, hinting at a flicker of acknowledgment in her face.

𝐉𝐔𝐒𝐓 𝐀 𝐏𝐑𝐎𝐅𝐄𝐒𝐒𝐎𝐑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon