CHAPTER 19

2.4K 130 6
                                    

Nandito kami sa mall ni mom kasama si ate.Kanina pa nila ako kinukulit na pumasok Doon sa parlor at mag pa kulay daw ng buhok.

Napabuntong hininga na Lang ako at nag pahila sa kanila sa loob.

"Mother!" Tili ng Kung Sino pag pasok namin.

Rose?

"Rose!" Bati ko at tumakbo papunta sakanya.yinakap ko sya.

"Kaloka ka girl!,kala mo Naman Kung ilang taon tayong di nag Kita!" Nakanguso akong bumitaw sakanya.

"Halos mag iisang buwan na Rin Kaya!" Sabi ko at inirapan sya.

"Zup rose" Sabi ni ate na nakalapit na pala samin.

"Hello sister" balik bati ni rose. "Ano palang ginagawa nyo dito?"

"Oo nga pala,papakulayan ko ng buhok itong si sheya,prom nila sa lunes" mom.

"Talaga?!,ay bongga!,may mag aayos na ba sakanya?,pwedeng si me na Lang?,don't worry libre naman Wala Kasi akong gagawin sa lunes!"

"Oo Naman" natatawang Sabi ni mom.

"Oh sya dito kana umupo sheya at ako na Ang mag kukulay sayo"

Umupo ako sa upuang tinuro nya.

"Dito ka nag t-trabaho bakla?" Tanong ko at nilingon sya.inaayos nya Ang mga gagamiting pangkulay.

"Oo dzai,halos mag iisang taon na ako rito" tumango ako at tiningnan Ang sarili sa salaming nasa harapan.

"Sweetie iiwan ka na muna namin dito ha,mag hahanap kami ng ate mo ng gown na susuotin mo" Ani ni mom.

"Wag kang mag alala lil'sis babalikan kana man namin Hindi tulad ng ex mo na di kana binalikan" napa-taas Ang kilay ko sa sinabi ni ate.

"Bakit?,binalikan kana ba?" malditang sagot ko,Pina ikot nya Lang Ang Mata nya at itinaas Ang middle finger bago sumunod Kay mom.

Tinanaw ko sila hanggang sa makalabas.tss kala mo Naman binalikan Kung makapag salita eh.

Nag umpisang galawin ni rose Ang buhok ko.pahikab-hikab Kung pinanood si rose.hindi ko na namalayang tuluyan na akong napapikit.

_

"Girl!" Nagising ako sa malakas na tili ni rose,inis Kong tinakpan Ang tenga ko.

"Bakit?!" Irita Kong Sabi at binuksan Ang mata.bumungad sakin Ang isang babaeng may kulay abong buhok na bumagay sa mukha nito.t-teka!,bat kamukha ko Yan!

Nanginginig Kong tinuro Ang babae na ginagaya ako ng may malakas ng bumatok sakin.

"Tanga!,ikaw Yan!"

Nanlaki Ang Mata Kong Nilingon si rose bago muling binaling Ang tingin sa salamin.hinawakan ko Ang buhok ko.oh my gosh,Ang ganda!,medyo umikli ito dahil pinakulot sa dulo.bagay Ang kulay sa kutis ko at korte ng mukha.

"Ang ganda mo girl!" Sabi ni rose at mahinang tumili.

"Ang ganda ng kulay na napili mo bakla" Sabi ko at manghang tinitigan Ang sarili.

"Ay nako girl!,gigisingin Sana Kita kanina para ikaw na Ang pumili Ang kaso Ang lalim ng tulog mo at humihilik kapa!"

Napabungisngis ako at tumayo.

"Salamat bak-oh may ghod!, lil'sis is that you!?"

Lumingon ako Kay na nakatakip Ang kamay sa bibig habang nanlalaki Ang Mata.

Umirap ako at ngumisi sakanya.

"Hindi mo na ba nakikilala Ang maganda mong kapatid?"

_

A night to remember(UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now