CHAPTER 39

2.3K 128 10
                                    

"HOY! GUMISING KA!"

*𝑠𝑝𝑙𝑎𝑠ℎ*

Malakas akong napaubo dahil sa tubig na ibinuhos sakin. may kaunti pang pumasok sa ilong ko. Medyo masakit Rin Ang ulo ko dahil sa Pina amoy sakin kanina.

"Madam gising na sya," ani ng lalaki na bumuhos sakin. Kasama sya ng mga lalaki kanina sa hotel. Nakangisi Ito sakin habang hinahagod Ang buo Kong katawan. Nakakatakot Ang tingin nya idagdag mo pa Ang itsura nya na parang pala-gahasa sa Kanto.

"Good..." Lumingon ako Kung saan nanggaling Ang boses na iyon at agad na nag init Ang ulo ko ng Makita ko sya.

"Pakawalan mo ko dito mina!" Sigaw ko at nag pupumiglas pero parang mas lalong humigpit Ang tali sa kamay ko. "Ano bang kailangan mo!"

Ngumisi sya at lumapit saakin. "I'm not Mina bitch..I'm mika." Napa-agik ako ng bigla nyang hinigit Ang buhok ko pataas saka Inilapit nya Ang mukha nya sakin. "Kailangan ko? Kailangan Kong mawala ka!" sabi nya at parang baliw na humalakhak.

Dinuraan ko sya Kaya napatigil sya sa pag tawa at galit na tiningnan ako.

"Baliw kana!" bulyaw ko. Dahan-dahan nyang pinunasan Ang laway na nasa mukha nya at sinampal ako. Nanlilisik ang mga matang tiningnan ko sya.

"Hayop ka! Wala naman akong kasalanan sayo! Bakit mo Ito ginagawa!"

"Wala? Wala Kang kasalanan?" Sarkastikong sabi nya. "Inagaw mo Lang Naman sakin Ang pinaka mamahal ko! At dahil sayo nasa kulungan si mommy!" Muli nya akong sinampal Kaya napatumba ako. Hindi ako makatayo dahil nakagapos Ang mga paa at kamay ko sa mismong upuan.

Ramdam Kong namamaga na Ang dalawa Kong pisnge sa lakas ng sampal nya. Kapag ako talaga naka takas dito Hindi lang mag Asawang sampal Ang Ibibigay ko sakanya.

"Let's have a deal sheya Dear.." naka ngising anya. "Papakawalan Kita and I'll give you 10million, lumayo ka lang at huwag nang mag pakita pa Kay Kendrick."

Kahit masakit Ang mukha ko ay nakuha ko pang ngitian sya nang matamis.

"So cheap," Mapanuyang ani ko. "100 million lubayan mo kami ni Kendrick." Mariing Sabi ko.Umasim Ang mukha nya at sinamaan ako ng tingin.

"Sige Patulugin ulit Ang babaeng Yan." Utos nito sa lalaki kanina.

"Eh madam Hindi nyo ba Yan papatayin?"

"Wag kanang mag tanong sundin mo lang Ang inuutos ko!" Galit na Sabi ni Mina. "Tatawagan ko Lang Ang Mahal ko." Makahulugang ngumiti sya sakin bago tumalikod at nag lakad paalis.

Lumapit Naman sakin Ang lalaki at itinayo ulit Ang upuan ko. Ngumisi sya saakin at dumila pa sa labi. Nandidiri ko syang tiningnan.

"Ang ganda mo talaga Miss,pwede ka bang tikman?" anya habang titig na titig sa nakalantad Kong hita. Nakaramdam ako ng kaba ng akma nya nang hahawakan ako ng malakas na bumukas Ang pinto.

Pumasok Ang ibang kasama ng lalaking to kanina.

"Hoy! Ulol! Sabi ni Madam wag mo daw Yan paki-alaman!"

"Gago matutodas Tayo ni Madam!"

Sigaw ng mga Ito at lumapit saamin.

"Uminom na Lang Tayo ng maibsan Ang libog mong gago ka," ani ng Isa at itinaas Ang hawak na alak.

"Anong Sabi ni madam.. patutulugin ba Yan?"

"Oo"

"Oh eh bat di mo pa Patulugin? Tarantado!" Sigaw ng Isa na parang kayang kayang pumatay. Halang Ang mga kaluluwa ng mga Ito.

Lumapit Ito sakin at biglaan akong sinuntok na ikinadilim ng paningin ko.

THIRD PERSON POV.

"YOU DAMN WOMAN!"

A night to remember(UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now