CHAPTER 26

1.9K 72 1
                                    

SA GITNA ng pag lalakad ko may humarang saking mga Junior student,nangunguna ang isang lalaking may hawak na isang kumpol ng bulaklak,sa gitna nito ay may tatlong tobleron.

Kamot batok na lumapit sya sakin.

"Pre Kaya mo Yan"

"Pre tandaan mo,pinag hirapan mong kumuha ng 150 sa bakla para mabili Lang Yan"

Natawa ako sa mga cheer ng kaibigan nya.

"U-uh miss,ano Kasi eh..." Putol na Ani nito Kaya nag tawanan Ang mga kasama nya,Ang Isa Naman ay badtrip na lumapit samin at marahas na inagaw Ang bulaklak saka ibinigay sakin.

"Miss matagal ka na nyang gusto at dahil sa ka-torpehan Hindi sya makaporma sayo" mabilis na Ani nito at hinigit paalis Ang lalaking mag bibigay Sana sakin na ngayon ay tulala at tila ay na stroke na!

"H-hindi pa ako nakakapag kilala" mahinang bigkas ng lalaki at di parin nakakabawi.

"Sige miss,sya si Kiko villamor naka tira sa camor village,Kung gusto mo sya makausap tawagan mo Ang 098654*****" sagot sakin ng lalaking nanghigit at derederetsong umalis kasama Ang mga kasamahan nila na gulat Rin sa nangyayari.

Natigilan ako at pinoproseso sa utak Ang nangyari.Nakibit-balikat na Lang ako at inamoy Ang bulaklak.Ang bango.

Mukhang masama Ang timpla ng araw ng Batang Yun,Sinira Ang confession nung Kiko.

Nag patuloy ako sa pag libot bitbit itong binigay sakin hanggang sa mag a-alas sais na.palubog na Ang araw Kaya binuksan na Ang mga straight light at iba pang pang ilaw na dekorasyon sa mga booth.

Hindi ko pa Rin nakikita si Kendrick Kaya medyo nag tatampo na ako sakanya.

Napabuntong hininga ako at pumasok sa isang dating cafe.inilapag ko Ang bulaklak na dala ko sa Mesa at umupo.Maraming mga mag jowa Ang nandito,Ang iba ay pinapanood Ang isang surprise anniversary.Saglit akong nag muni-muni at kinuha sa loob ng bag ko Ang baunang kinalalagyan ng niluto ko.

Malamig na ito Kaya napanguso ako.kasalanan to ni Kendrick eh! Bakit ba di ko sya Makita?,tss siguro marami Lang talagang pinagawa si Dean.

Nakakainis Lang dahil Hindi man Lang nya ako naalala,Hindi sya nag text o tumawag man lang!

Napabuga ako ng hangin at napangiti ng mahagip ng Mata ko Ang isang oven.pwede Naman siguro dito maki-init no?

Tumayo ako at kinausap Yung president ng section ng may ari nito.pumayag Naman sya Basta daw may bayad.

Tinanggal ko muna Ang takip ng baunan bago nilagay sa loob ng oven.nag hintay ako ng ilang sandali bago uminit.nakangiti ko itong kinuha at tinakpan.nilagay ko ulit sa bag ko saka pumunta sa president nila para mag bayad.

PAKATAPOS Maki gamit ng oven ay narito na Naman ako,nag lalakad.

Nasan ba talaga Kasi si Kendrick,galit na talaga ako,six thirty na at ilang minuto na Lang closing na,Hindi ko pa sya nakikita.kapagod.

Umupo na Lang Muna ako sa Isa sa mga bleacher at nanood ng mga pa ilaw.

"HI!"

Napaigtad ako ng may biglang mag salita sa tabi ko.

"H-hala sorry nagulat ba Kita?"

"Hindi ba halata?" Sarkastikong sagot ko.bakit ba bigla bigla na Lang sumusulpot Ang babaeng to? Kung gusto nya ng away wag ngayon,na bad mood ako.

"Ay hehehe sorry Naman" Sabi nya.

"What do you need?" Tanong ko.

"Gusto kitang maging Friend! Ay Hindi.... BEST FRIEND!" Pumapalakpak na Ani nito.

A night to remember(UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now