CHAPTER 1

5 2 0
                                    


ARROW MIKAELA CABLECIO is my name but call me  mikay or arr'. At mag-uumpisa na ulit ang araw ko. Naligo na ako at uniform.

First day ko ngayon sa last year ko sa high school. Masaya kase salitang graduate ang focus nyan na isa sa gusto ko kase gusto ko na talagang gruma-duate. But sadly too kase mamimis ko ang lahat ng high school days ko na hindi naman sobrang kasayahan, sakto lang para sa lonely student na gaya ko.

Ang mga mababait na teachers, ang close na janitor and janitres,ang mga tindera sa canteen. And especially alam ko na pag tungtong ko sa Senior school hindi ko makakasama ang mga friends ko.

At ang taong unang pag-ibig ko. Si Paul Marcus Dela Cruz.  Name palang talaga pang-heartrobe na paano pa kaya kapag nakikita ko lagi sya.

Pero wala sa isip ko ang lumandi.

Bumaba na ako ng bahay at lumabas. Hindi ako mayaman gaya ng mga students sa DcEU na mga naka-kotse, para makarating ng bongga sa school. Wala akong limpak-limpak na pera at nagkiki-nangang mga alahas, at mga nagkakapalang make-up sa mukha. Pulbos lang at konting pabango ay okay na ako.

Scholarship lang ang tanging meron ako kaya ako naka-pasok sa school na yun dahil kung wala akong matino at matalinong utak baka sa lansangan ako dadamputin.

Papasok na ako sa malaking gate ng Unibersidad kung saan ako napasok ng makarining ako ng busina. Nang tingnan ko sa likod ko ay isang kotseng kulay pula ang papasok at naka-sakay dun ang apat sa babae na konti nalang ay magiging clown na sa kapal ng mga make-up.

"Hey bitch pwede ba wag kang haharang-harang sa way namen coz you're not belong here" saad nang isang babae na naka-sakay sa passenger seat sinundan naman yun ng mga tawa ng tatlong babae nakasakay din sa kotse.

Tumabi nalang ako dahil alam ko na wala akong laban sa kanila. Mayaman sila at ako scholar lamang ang kapit sa school na to.

Nakita ko naman si kuya Rey ang nag-aayos at nag-lilinis ng Mini-Garden dito sa harapan ng School.

"Good morning kuya Rey" masiglang bati ko sa kanya

"Magandang umaga din sayo Mikay, talagang walang kupas ang pag-bibigay mo nang saya kahit may problema ka" saad naman nya.

Ngumiti ako at naupo muna sa gilit ng bulaklak na inaayos nya.

"Ganun talaga ang buhay kuya Rey... Siguro nga kailangan naten sumumod sa agos ng buhay, ngunit kung aayon tayo dito h'wag natin hayaan na ibaon nito ang kasiyahan na meron tayo. Dahil ang ngiti sa labi ang dapat na nag-bibigay ng motivation sa atin para ipag-patuloy ang bukas na dadating" mahabang sanaysay ko sa kanya habang may ngiti pa din sa labi.

"Tama ka d'yan kaya dapat h'wag ka mawalan ng pag-asa na umasa na balang araw mag-babago din ang takbo at ikot ng kapalaran" anito saken.

Medyo napa-haba ang kwentuhan namen ni kuya Rey kaya malapit na akong malate sa class. 10 minutes nalang baka parusahan na naman ako ng teacher ko at pag-linisin nya na naman ako sa library.

Pag-tapat ko sa pintuan ay naka-sarado na ito. Alam ko na nasa loob na silang lahat kase dito palang sa labas ay dinig ko na ang boses ni Sir Daza.

Paano ba yan! Palagi kase akon'g napapa-daldal sa mga trabahador dito.

"Ano hindi ka papasok?" nagulat ako nang marinig ko ang boses na sobrang pamilyar talaga.

Pag-lingon ko sa likod ko ay hindi ako nagkamali sa hula ko si Marcus nga ang nagma-may ari ng boses na iyon. A soft but cold voice.

Binuksan nya ng kaunti ang pinto at himalang hindi ito napansin ni Sir Daza. Pinayuko nya muna ako at pumasok na din ako ng hindi nahuhuli ni sir Daza.

Unforgettable LoveWhere stories live. Discover now