CHAPTER 3

2 2 0
                                    


HABANG tumatagal ay lalo kaming nagiging malapit ni Marcus. At ilang beses na akong laman ng chismis sa buong unibersidad. Mahirap sila iwasan lalo na ang mga fan ni Marcus na malaki ang pag-kagusto sa kanya. Pero itong lalaking ito kahit palayuin o iwasan ko ay laging sumusunod sa akin.

Isang beses akong nag-tago sa rooftop pero mali pala ang ginawa ko dahil tambayan nya pala yun. Dun naman sa Bacstage dahil alam ko na madalang ang tao dun pero hindi ako naka-tiis sa gutom kaya lumabas din ako, pero pag-labas ko naka-abang na sya at may dalang pag-kain.

Hindi ko alam kung bakit lagi nya akong ini-inis pero nararamdaman ko kahit papaano na napapa-halagahan nya ako sa pamamagitan ng pag-sunod nya saken.

"Ang gwapo mo sana kaso nag-tatago ka dito sa rooftop, Paano ka makakahanap ng maipapalit sa girlfriend mo na hindi ka na maalala?" tanong ko habang nakain nang dinala nyang pizza at softdrink. Andito kami sa rooftop dito nya ako dinala nang mag-recees.

"Ayaw ko nga syang palitan. Mahal na mahal ko yun kahit malaki na ang pinag-iba nya ngayon" naka-pout na sabi nya saken.

Sabagay kung mahal na mahal mo nga naman ang isang tao mahirap talaga itong kalimutan o palitan. Pero para naman nyang kinulong ang sarili sa kalungkutan.

"Kung hindi mo lang ako kaibigan.., ay hindi, HINDI mo naman talaga ako kaibigan at HINDI din kita kaibigan. Pero kung hindi kita pinahahalagan ilalaglag nalang kita dyan kase yang mukha na yan ang mag-papaiyak ng mga kababaihan sa mumdo" mataray na saad ko.

"Hindi talaga kita Kaibigan kase Special ka saken" seryosong sabi nya kaya napatingin ako sa kanya. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Paul Marcus tigilan mo na yang kaga-ganyan mo ha sinasabi ko sayo iiwasan ulit talaga kita" pagbabanta ko sa kanya.

"Bakit? Totoo naman na special ka para saken eh. Dahil bukod kay Yna, Sammie at Paullian ikaw lang ang babaeng naging malapit saken" sabi nya at tumingin saken.

Ako? Special sa kanya? Paanong mangyayare na Special ako eh isa lang naman akong pang-karaniwang babae na hindi kayang abutin ang tulad nyang langit.

"Special agad? Sa totoo lang pwede ka naman na humanap nang magiging-kaibigan mo dito sa Campus pwede rin sa labas nitong school! At yung mas deserve mo" sabi ko at tumanaw sa malayong ka-ulapan.

"You're Special to me at yun na yon. At deserve ko ang isang kagaya mo. Dahil bukod sa hindi ka maluho, kaya mo na i-handle ang sarili mo nang mag-isa. Mapag-mahal ka sa kapwa mo kahit alam mong iba ang tinhin nila sayo. And I knew that I deserve a friend like you" paliwanag nya.

Bakit ganito sya ang lalim ng mga salita nya. Napaka-laki talaga nang pinag-kaiba nila ni Samuel. Si Samuel ay humble at sobrang sikat. He have his own fame. Pero si Marcus mas-gusto nya nalang na mag-tago kaysa makihalubilo sa iba.

" Anong hindi maluho!? Sa totoo lang marami akong gustong bilhin pero gusto ko muna na matapos ko bayaran yung inuupahan ko pero gusto din sana lumipat" saad ko para ibahin yung usapan sa Special na yun "Ang gulo diba!?  Gusto ko sana yung medyo malaki para sa iba kong pang gamit pero hanggang utak ko lang yon" pilit na ngiti ko.

"Hay wag ka na nga malungkot dyan, Tara sama ka saken sa Tom's World para kalimutan yang problema mo" wala pa ako sagot ay hinila nya na ang kamay ko.

Nag-rereklamo ako sa kanya pero ayaw nya bitiwan ang kamay ko. Aaminin ko kinikilig din talaga ako sa mga ganitong galawan nya pero lahat kase talaga may limitasyon. At itong nangyayare ngayon may katapusan din to. Mag-hahanda nalang ako na mangyare na mag-sawa sya sa kakasunod at kakainis nya saken.

Wala pang kinse minuto ay nasa Mall na kame bumaba sa Motor nya pero hindi ako naingli na bumaba dahil tinatamad talaga ko hinila nya lang ako.

"Let's go or I will Carry you?" tanong nya na nananakot. Kaya agad akong bumaba sa motor narinig ko naman ang halakhak nya.

"Ikaw talagang bwiset ka sana kinakaya ng konsensya mo na lagi mo akong bini-bwisit" maktol ko sa kanya.

"Sorry na!Wag ka na mag-tampo" dinig ko na saad nya. Pero diretso lang ako sa pag-lakad at medyo binilisan ko pa.

NAKAKAPAGOD. Andito na kami ngayon sa park. Dahil hindi na naman kami makakapasok sa school ay nag liwaliw nalang kami gala dito, gala doon. At ang saya. Dito kami napadpad simula nang umalis kami sa Tom's World. Ayaw ko masyado sa lugar na yon naaalala ko lang  nung kasama ko si Yna dahil inatake ako ng Asthma ko sa sobrang pagod ko.

Wala na kaming ginawa kundi tumambay nalang dito. Nakahiga kami sa damuhan ngayon at naka-tingin sa asul na langit.

Katabi ko si Marcus na tulala lang na nakatingin sa kawalan. Ata para naman makaganti ako ay pinisil ko ang mag-kabilang pisngi nya. Ano sya lang ang malakas ang trip!?

"Aray ko! Ano ba? Mukha ba akong bata? Babae tumigil kana masakit na." Reklamo nya habang naka-hawak sa mga kamay ko na pinipisil pa din ang mukha nya.

"Dapat maka-ganti man lamang ako. Ano ikaw lang pwedeng mang-inis!? " sabi ko at inalis ang mga kamay ko sa mukha nya.

"Ang weak nang ganti mo" humble nan sabi nya pero sige naman ang himas sa mukha nya. Hambog talaga.

"Ewan ko sayo! Teka matanong ko lang akala ko ba close ka kay Sammie at Paullian pero bakit parang hindi naman?" curious na tanong ko.

Natahimik naman sya bigla. Konting katahimikan ang namutawi sa pagitan namin. At tumataas ang atmospera. Pero hindi rin nag-tagal ay sumagot na din sya.

" Si Sammie at Paullian ay nag-bago dahil sa pag-kamatay nang kaibigan nila. Biglaan ang pagiging tahimik nila nang mawala ang babaeng iyon at nawala  din ang alaal ng isa pa nilang kaibigan. Masyado siguro nilang dinamdam ang pag-kawala nang mga kaibigan nila kaya biglaan ang pag-babago nila. Parehas silang nagkameron ng pinagkaka-busy-han kaya hindi na sila pinigilan pa." mahabang paliwanag nya.

Ma-History pala ang buhay nila ngayon ko lang nalaman. Siguro kaka-iwas ko sa kanya kaya hindi ko na din alam.

" Ang dami palang misteryo sa buhay nyo buti kinakaya nyo" anik

"Kung alam mo lang malapit na akong masiraan ng ulo buti nalang at dumating ka" may pinanghuhugutang aniya

Bakit laging ako? Malaki ba talaga ang naging ambag ko sa buhay nya para makatuling ako?

- - - - - -


"KAMUSTA na sya?" tanong nang isang babae sa kabilang upuan.

"Okay naman sya Mommy. Ganun pa den walang pinag-bago napaka-masiyahin nya pa den." Pinag-halong lungkot at sayang sagot nang lalaki

"Sana bumalik na sya sa dati sobrang gusto ko na syang makita sa dati. Kung hindi lang namatay ang babaeng mahal nya siguro ay matino pa din sya at palaging nag-bibigay nang kasiyahan sa aken" malungkot na saad nang ginang

May dumating naman na dalawang dalagita sa loob nang bahay. Parehas itong puros puti ang suot.

"Hi tito, Hi tita Hi Ate" bati nang mga ito sa mga bisita nila. Ngunit agad ang mga itong nagsi-pasukan sa kanilang mga kwarto.

"Sana wag mong tigilan ang pagba-bantay mo sa kanya mahal na mahal ko sya, kundi sana nawala ang babaeng iyon sana andyan pa sana ang masiyahin kong anak" ma-emosyon na saad nito.

"I Will tita, gagawin ko hindi lang para sa atin, para na din sa kanya" 

Tumango-tanong naman ito. At marami pa kaming napag-usapan bago ako umalis sa bahay nila. Kailangan ko na din umuwi para sa Pet ko.

Actually hindi sa aken ang Asong iyon. Sa kanya yon kaso dahil nga nag-iba na sya napa-bayaan nya na ang lahat lahat.

Habang nasa byahe ay tiningnan kong ang dagat na malapit dito sa kalsada. Pinapaalala ng lugar na ito ang aming mga masasayang alaala.


At nawala sya saken dahil sa pinaka-kinaiinisan kong babae na nakilala ko.

Pag-pasok ko ng bahay ay napa-ngiti ako dahil sinalubong ako ni Dagger  yung aso.





Enjoy Reading 📖 ❤️

Unforgettable LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora