CHAPTER 2

2 2 0
                                    


MAGDI-DILIM na malapit na ang out ko. Kaya nag ayos na ako para sana umuwi pero muling tumunog ang pinto tanda na may costumer.

"Ano po yung order nyo?" tanong ko habang nakatingin sa sinusulatan ko.

"Ikaw" sagot nya. Nagulat ako dahil si Marcus pala ang pumasok.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya at hinubad na ang apron ko.

Umikot ako sa pintuan at kinuha ang bag ko.

"Nangako ka! Wag mo sabihin na nakalimutan mo?" sarcastikong anito

"Debbie uwi na ako ikaw na muna dito" paalam ko sa kasama ko sa trabaho. Kumaway naman ito at nag-thumbs-up na. "Hindi ko naka-limutan yun sa totoo lang pauwi na sana ako kaso pumasok ka lang sa cafe. Sorry naman trabaho lang, kailangan eh" sarkastiko ko namang sagot sa kanya.

Magka-panunod lang kami ng lumabas ng cafe.

"Tara na" saad nya at pumunta sa motor na syang sasakyan nya.

Sumakay naman ako pero muli sya bumaba para isuot ang helmet sa ulo ko. At sobrang lapit ng mukha nya saken na naka-kailang.

"Kailangan ba talaga sobrang lapit mo sa mukha ko?" mataray na tanong ko.

Oo lonely ako at tahimik pero iba din kase ako mag-taray.

"Laki kase ng ulo mo" pang-aasar nya'ng sagot.

Nice Answer right?

"Ikumpara naman dyan sa ulo mo na halos walang laman" sagot ko naman.

"Mana-himik ka d'yan, hahalikan kita d'yan!"  pananakot nya kaya natahimik naman ako. Sumilay naman ang panalong ngiti sa labi nya. Ayos din nangiti naman sya kahit papaano. "Tatahimik din naman pala" sabi nya at sumakay na sa motor.

In-Start nya na ang mamahaling motor pero hindi pa din pinatatakbo. Nagulat ako ng kuhain nya ang mga kamay ko at iyapos sa tyan nya.

"Humawak ka baka mahulog ka.... hindi kita masasalo kase matagal na akong hulog" sabi nya pero hindi ko naman narinig yung mga huking sinabi nya.

Ilang minuto ay may pinuntahan kameng boutique kung saan mga naka-display ang mga dress na sobrang gaganda pero sobrang mamahal din na hindi ko kere bilhin.

"Ano na yung napili mo?" naka-sandal lang sya sa pinto at nakahalikipkip.

"Ayaw ko dito pwede naman na mag-jeans nalang ako at simpleng t-shirt, hindi ko kayang bayaran yan kulang na nga sa pangkain ko yung kiniki---

" Bakit sino ba nag-sabi na ikaw pag-babayarin ko?" sabi nya at lumakad sa likuran ko at kunausap ang saleslady at may inabot ito na paper bag kay Marcus.

"Try this one" cold na sabi nya saken at inabot ang paper bag.

Tamad ako na pumasok sa fitting room. Matapos ko itong masuot ay tiningnan ko ang sarili sa malaking salamin. Gano'n nalang ang gulat ko na ibang-iba ako ngayon. Para akong nabihisan ng maayos dahil sa suot ko.

Ganon ba talaga kapag nabibihisan ng mamahalin? Nagiging tao ka?

"Are you done? Co'z we're late!" maktol nya sa labas. Kaya binuksan na ang pinto. Nakita ko naman sya na tinitignan ang kabuoan ko mula taas hanggang baba.

"Oh! Pulaan mo na ako" sabi ko at nauna na sa kanya umalis sa labas ng fitting room.

Nang palabas kame ng boutique ay hinawakan nya ang braso ko kaya napa-hinto ako. Pina-upo nya ako sa bench sa gilid at inilabas ang isang pares ng mamahaling heels at isinuot sa akin.

Unforgettable Loveحيث تعيش القصص. اكتشف الآن