Chapter 121: Fine Dining

59 4 1
                                    

NAGULAT NA LANG ako na sinabi na ni John Valle yung sikretong hindi dapat malaman ni Katherine. Wala na, nasabi na.

"Hala, roomy! Sorry nasabi ko." Ani ni John Valle na halos makutusan ko. Lagot na ngayon. Paano na?

Si Katherine naman ay tulala, nanatiling walang reaksyon na mababatid sa mukha. Na-estatwa na lamang ito sa kaniyang posisyon.

"Apo, okay ka lang?" Tanong ni Nanay rito at sinubukang hawakan pero nananatiling walang kibo si Katherine.

"Katherine anak, okay ka lang ba? Kumusta, anong pakiramdam anak?" Sinubukan kong tawagin ang pansin nito pero wala eh, ganun pa rin. Ni pagkurap nga ay di niya nagagawa.

"Ah Nay, Nay, makisuyo naman po ako ng tubig sa inyo." Natatarantang pakisuyo ko kay Nanay.

Sumunod naman si Nanay. Pagkaalis nito ay saka ko piningot si John Valle dahil sa kadaldalan niya. Sinabi nang sikreto dapat yun eh!

Nag-peace sign ito sa akin. Eh kahit naman sermonan ko ay wala nang mangyayari, wala na kaming magagawa. Nasabi na niya eh.

Wala sa sariling kumilos na si Katherine at pumasok na sa kwarto niya at doon na ito nagkulong. Dahil sa naging reaction nito, ako tuloy ang kinakabahan at natataranta.

"Oh, tubig." Inabot sa akin ni Nanay ang tubig. Ako na ang uminom nun imbis na dapat ay para kay Katherine. Grabe ang nerbyos ko. Lagot kami kay Daniel nito!

Sinubukan naming katukin ng ilang ulit si Katherine pero hindi na kami kinibo. Hindi ko alam kung anong gagawin kaya tinawagan ko si Kristine Chrysler.

"Hello, Nay. Kumusta po?"

"Hello, anak. Ito okay naman kami kaso may problema tayo ngayon eh." Natatarantang sabi ko rito.

"Ay ano po? Tungkol po ba kay Lola?"

"Anak hindi eh. Si John Valle kasi eh." Panimula ko.

"I'm so sorry, Ate Tine. Nasabi ko kay Kath yung tungkol sa proposal ni Sir Daniel!" Kwento ni John Valle. Naka speakerphone kami.

"Hala gagi! Sinabi mo nga? Seryoso???" Gulat na gulat din ito nang malaman niya.

"Sorry, Ate Tine. Hindi ko napigilan eh. Ang lungkot-lungkot tuloy ni Roomy." Sagot ni John.

"Eh paano ngayon niyan? Anong reaction ni bunso?"

"Ayun anak, nandoon sa kwarto niya. Nagkukulong. Eh nabigla yata eh." Sabi ko naman.

"Nay, sinubukan niyo na po bang kausapin?"

"Sinubukan na anak pero tulala eh." Nag-aalala sagot ko.

"Kristine Chrysler apo, bakit hindi mo siya subukang tawagan at baka sa'yo ay magsalita siya." Suggestion ni Nanay.

"Ay sige po, Lola. Tatawagan ko po siya mamaya pero siguro po sa ngayon, hayaan na po muna natin siya para makapag-isip-isip din."

Siguro nga. Sa sobrang bigla niya ay baka hindi na nag-sink in sa kaniya ang bagay-bagay. Baka sumasabog na ang puso nun sa sobrang tuwa pero hindi niya magawa kasi maraming ding iniisip.

***

UMUWI RIN AKO sa bahay after dropping off quickly sa condo ni Kath. Eh parang hindi kasi siya okay ngayon kaya hinayaan ko na. She's probably tired kaya ganun na lang ako sungitan.

"HI, SIR! KUMUSTA PO, SIR?" Trina greeted me energetically nung makasalubong nila ako sa living area. I just got home by the way.

"GUSTO NIYO PONG KUMAIN, SIR?" Arisse asked having the same energy with Trina.

You're My EverythingWhere stories live. Discover now