Chapter 009: Layo Nang Layo

134 5 2
                                    

Maaga kaming nagising ni Nanay para palitan ang shift ng mga nasa chibugan.

"Huy, Tine! Kumusta?" Nagulat ako nung makasalubong ko si Justine galing ng chibugan.

"Oh, pre! Ang aga natin dito ah." Kako na lang at hindi na ipinahalata ang pagkagulat ko.

"Paano, hihintayin na lang namin bukas yung orders. Matutuwa nito si Mayor!" Yun ang ibinungad niya sa amin ni Nanay.

"Huh? Orders?? Okay???" Naguguluhan kong tanong.

"Eh, sabi ng Lola mo ay okay na raw. Kausap ko siya kanina. Pagdadala ko na lang mamaya yung paunang bayad." Aniya pa kaya wala na kaming nagawa.

"Ah sige, salamat?" Hindi ko sure na pahayag dahil nabigla kami.

"Sige, mauuna na ako." Nagpaalam na ito. Nagkamaangan na lang kami ni Nanay.

Umagang kay ganda! Ang aga ng balita.

Hindi naman kasi yun yung original na plano. Hindi yun yung napag-usapan namin. Ang napagkasunduan namin ni Nanay ay hindi na namin tatanggapin ang orders ni Mayor dahil masyadong bulk ang orders.

"La!"

"Nay!"

Pinuntahan namin si Lola sa kusina na abalang magluto. Si Lola talaga eh, hindi marunong sumunod sa kasunduan.

"Oh gising na pala kayo. Halika, kumain na muna kayo—"

"Lola, tinanggap mo raw po yung order ni Mayor?" Walang paligoy-ligoy na pagtatanong ko.

"Oo naman! Bakit hindi? Eh grasya yun. Sayang!" Kibit-balikat pang saad ni Lola.

"Eh Nay, diba? Birthday niyo po bukas. Tapos gusto niyo pong maghanda tayo. Diba?" Ani Nanay na hindi rin gusto ang desisyon ni Lola.

"Minda, naku. Hayaan mo na iyang handa-handa. Tutal marami na akong birthday na nakaraan at may darating pa ulit."

"Sigurado po kayo, Lola?" Agap ko, iniisip na baka napipilitan lang si Lola dahil nanghihinayang sa kikitain kay Mayor.

"Kristine Chrysler, inaapura po ba ako?!" Pagtaas na ng boses sa akin. Sandali naman high blood na ang Lola. Haha!

"Wow! Si Lola naman haha! Hindi naman. Ang ibig ko lang namang sabihin ay kung sigurado ba kayo na ayaw niyong mag-birthday party ngayong taon." Paniniguro ko dahil yun naman sana ang gusto ni Lola.

"Oo naman. Eh, ilang beses na rin naman na akong nag-birthday. Pass muna tayo ngayong taon." Aniya pa.

"Oh sige nga. Ila? Ilang beses na oh?" Tudyo ko dahil ayaw na ayaw ni Lola na napag-uusapan ang edad niya.

"Ahhhh! Secrettt!" Sabi ni Lola. Ito ang clue. Kabilang na siya sa seniority!

"Hahahaha! Bebot na bebot ka pa rin naman po, Lola eh." Biro ko pa sa kaniya.

"Oh basta ha. Okay na yun. Tinanggap ko na ang order ni Mayor. Itutuloy natin yung handaan na yun kaya maghanda kayo, dahil bukas ay marami tayong gagawin."

Ayan naman si Lola eh, puro trabaho ang iniisip. Iniisip ko tuloy kung paano kami magse-celebrate ng birthday niya. Hay naku.



***



NAGPAPALIPAS MUNA ako ng oras dahil alam kong nasa mansion pa si Sir Deej. Ayokong magpang-abot kami. Kasi basta! Kaya magpapaka-busy muna ako rito, gagawin ang kahit ano bago ako umalis huwag ko lang madatnan talaga si Sir Deej.

"Hello, bunso?"

"Hello, Ate Tine! Naplano niyo na ba yung party ni Lola?"

You're My EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon