Chapter 3

15.3K 709 178
                                    

Georgina's POV.

"Congratulations! You're 4 weeks pregnant"

Congrats ang sinabi nya pero hindi ko mahanap sa sarili ko ang pagiging masaya.

I will be a total disgrace to my mom.
Hindi pa ako nakakapagtrabaho pero nabuntis na agad ako.
At higit sa lahat, nabuntis pa ako ng lalaking nakatakdang ikasal or baka nga kasal na ngayon sa iba.

I stood up right away.
No, this can't be!

"Miss?"

"Aalis na ako" deklara ko sa doctor na nasa harapan ko.

"How about your result?"

"Throw it away, burn it, wala akong pakielam, I need to get out of here" nararamdaman ko ang panginginig ng buong katawan ko.

"Are you okay?-

Hindi ko na sya pinatapos at nagmamadali na akong lumabas ng opisina nya.

May dinadala akong bata sa sinapupunan ko.

Just thinking about it, freaks me out!

Hindi ito totoo.
Hindi ako makapaniwala.

Napaupo ako sa isa sa mga upuan sa waiting area.

I am glad I didn't wear heels today dahil malamang kanina pa ako gumulong pababa.

Hinang hina ako and nagsimula na akong humikbi ng mahina.

I can't carry this.
Iresponsable pa nga ako sa buhay ko, tapos mabubuntis ako?!

Ang tanga-tanga ko kasi.
Nakinig sana ako kay mommy.

"Georgina, what happened, are you okay?"

Mabilis kong pinigil ang pag-iyak ko at pinunasan ang luha ko.

"Happy" I tried to sound happy ng banggitin ko ang pangalan ng kuya ng bestfriend ko.

"Kuya, I need to go na, nakita ko na yung car ni Georgina sa labas-

Nahinto ang bestfriend kong si Winnie ng makitang kausap ko ang kapatid nya.

"Anong ginawa mo kuya?! Bakit mo pinaiyak si Georgina?!"

"Hey little woman! Hindi ko sya pinaiyak, I was asking her what happened kasi nakita ko ngang umiiyak sya" depensa naman ni Happy.

Mabilis na lumapit sakin si Winnie at dinaluhan ako, mabilis nitong hinawakan ang kamay ko.

"Ano bang nangyari? Bakit ka umiiyak?" Winnie asked.

I bit my lip. Si Winnie ang kakampi ko sa madaming bagay, I would hate to lie to her pero nasa harapan kami ng Kuya nya na kaibigan ng nakabuntis sakin.

Mamaya magkita sila at makwento nya pa.

"Ah wala, pinagalitan lang ako ni mom, masyado ko lang dinamdam" pagsisinungaling ko.

Mabilis naman akong niyakap ni Winnie.

"Kilala mo naman si tita, ganoon lang yun kasi mahal ka nya, ganyan din si mommy samin, wag ka ng malungkot, okay? Mag aayos nga tayo diba, para maganda tayo mamaya sa birthday ni Kuya"

I just nodded and smiled.

Lumapit si Happy at ginulo ang buhok ko.

"Feel better little sister, I'm expecting you'll be the prettiest tonight" sabi nito sakin.

"Hindi ba laging ako ang pinakamaganda?" biro ko as I fake a laugh.

Umakto itong nag isip at tumawa.

"Aalis na ako, ikaw na bahala Winnie dito kay Georgina, magra rounds pa ako sa mga pasyente ko"

Married to a Neurologist (Medseries #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon