Chapter 7

14.5K 553 161
                                    

GEORGINA

"Nasisiraan ka na ng ulo" that was the first thing that I said. I tried to sat down at laking gulat ko ng maging mabilis itong lumapit to put a pillow behind my back.

I stopped breathing dahil sa lapit nya, hindi ko alam why I find his smell really good kahit pa nangingibabaw ang amoy ng alcohol dito.

He stepped away a bit kaya naman kumalma na ang paghinga ko.

"How are you feeling?" he asked.

Muli ko na namang naalala ang sinabi nya kanina kaya sumimangot ako.

"Why did you have to say that to my mom? Did you see her face when you said that?" I asked him.

My mom left us to talk pero hindi mawala sa isip ko ang biglang pagpayapa ng mukha nya, na tila nakahanap sya ng kasagutan sa mga problemang dinala ko.

"I just told her the truth"

"The truth?! How sure are you na anak mo ito? You claimed it in front of my mother na parang siguradong-sigurado ka!"

"I talked to Harper, he said you are not seeing anyone and you're not the type of a girl that hooks up with anyone"

"Anak ko lang ito, naiintindihan mo ba ako? Doktor ka pa man din pero ni katiting yata ay hindi malinaw sayo ang pinapasok mo!"

"I know what I am doing, at sa tingin ko hindi kailanman magiging mali ang maging responsable sa mga bagay na ginawa ko, lalo na kung sariling anak ko ang involve"

I looked at him straight in the eyes, he is looking at me seriously habang ako ito, kabang-kaba na dahil malaking gulo ito.

"Dr. Soriano, I know you are a good man pero hindi tama ang ginawa natin, anong masasabi ng mapapangasawa mo?" I asked him.

"I made a mistake, ako ng bahala sa kanya, I will tell her myself"

"And then, what? Mas magiging komplikado lang ang lahat, Wax" huminga ako ng malalim. "I am convincing my mom to send me abroad, I-I w-will get an-" napalunok ako before I spit out the next words, "I will get an abortion"

"Ilora, please? I know you are afraid but you have to trust me, I will fix this"

"Paano mo pa aayusin yung isang bagay na nagsimula nga sa pagkakamali?!"

"Does our child needs to pay for that?" seryoso nitong tanong sakin kaya napatahimik ako. "The wedding was called off. Isabel wanted to pursue her career for a few more years, hindi ko maintindihan nung una kung bakit nangyayari yung mga ganoong bagay but maybe He is redirecting me to this path"

"I will not be a substitute of your runaway bride"

He sighs, I can see that he was trying to be patient with me. 

"I didn't say that, Ilora. If you are still not getting the point, I will tell you again. Gusto kong maging ama sa batang ito, so please give me the chance"

I looked at him intently. May ganitong lalaki pa ba talaga? Yung ipipilit na akuin yung responsibilidad? Mostly kasi sa mga naririnig ko, men don't like responsibility, kung may chance na tumakas, tatakas talaga sila pero itong nasa harapan ko, it was like he was offering himself to us. 

"You don't know my mom, Wax. Alam mo bang galit na galit sya sakin kanina? Kaya nga ako naisugod dito"

"That's the more reason why I should be responsible. Hindi ko na hahayaang masaktan ka o kayo ng kahit sino, even your mom"

Ano bang sinasabi ng lalaking to? Hindi ba sya natatakot sa mommy ko?

"Galit na galit si mommy kanina but as soon as you said na ikaw ang ama ng dinadala ko, her face lit up, na para bang lahat ng problema sa mundo ay nawala"

He did not give me an answer but he just kept looking at me and it sucks that it makes me so uncomfortable dahil tila ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko.

"We can still turn this around, Wax. I will tell my mom na nagkamali ka na you really thought na anak mo ito pero sa iba naman-

"No" he answered with firmness. "I am ready sa kung anong gustong mangyari ng mommy mo, ano pa man yan, I will do what I have to do, to keep my child safe"

"Wax naman! Bakit ba ang tigas ng ulo mo?"

"You are the hardheaded one here"

I just rolled my eyes at pabalagbag na sumandal sa unan na nilagay nya kanina making his eyebrows furrowed. 

We were quiet for a couple of minutes, He was busy looking at the monitor na nakakabit sakin and me, I am trying my best not to look at him. 

A loud knock interrupted our silence and my mom came in with a wide smile on her face na sobrang nagpakaba sakin.

"Mommy" I called her pero bumaling ito ng tingin kay Wax.

"I just spoke with your mom over the phone" my mom told him.

"Mommy, why did you do that?!" 

"I told my amiga that my daughter is carrying your child. My Georgina is carrying a Soriano"

"Huwag po kayong mag alala ma'am, kahit hindi nyo po tinawagan sila mom, I will call her myself to tell her pero salamat na din po sa pagsabi" Wax answered. He was just so cool, wala man lang bahid ng pagkatakot or pagkailang. "I will take responsibility po sa nangyari. I will make sure to take care of Ilora and our child"

"You better do that, dahil hindi ko hahayaang basta-basta na lang maagrabyado ang unica hija ko. We have a reputation to take care of"

"I know ma'am"

Nanatili lang akong nanonood sa kanilang dalawa dahil hindi ko alam kung dapat ba akong makisali kasi baka mas magalit lang ang mommy ko sakin. 

"So we have decided that in order to avoid a scandalous issue between our families, ipapakasal namin kayong dalawa ni Georgina"

"What?! Mommy?! Are you being serious?! May pakakasalan ng iba si Wax!" napataas ang boses ko dahil sa sinabi nya.

"You shut up, Georgina! Masyado ng maraming kalokohan mo ang pinalagpas ko but not this one! Hindi ko hahayaang masira ng tuluyan ang buhay mo at ng batang dinadala mo!"

"Mom, you're being unreasonable!"

Instead of answering me ay bumaling na ito muli kay Wax.

"So, Dr. Soriano, what would it be? Alam naman ng lahat what happened to your wedding, I will ask you now, kaya mo pa rin bang maging responsable kung ito ang hinihingi ko?"

Wax looked at me and I bit my lip kasi parang ino-on the spot ng pamimikot sya ng sarili kong ina. 

"If Ilora agrees, hindi ako magdadalawang isip na pakasalan sya not only to give my surname to both of them but to also assure you na magiging responsable ako at aalagaan ko ang mag ina ko"

What? He will marry me?! 

-----

To be continued.

Married to a Neurologist (Medseries #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon