Kabanata 16

287 33 11
                                    

...PAGSASAKRIPISYO AT ANG PUTING POINSETTIA...

...THIRD PERSON'S P.O.V...

Lahat at kinakabahan, lahat ay nakahanda na bago pumutok ang bukangliwayway.

Kasabay ng pagtibok ng kanilang puso ay yung  atensyong nilang nasa harapan ng malaking pintuan ng Grand Hall.

Lahat ay nanginginig  sa takot ngunit wala na silang pagpipilian, kundi ang lumaban. Nanginginig ma'y hinahawakan parin ng mga alipin ng mahigpit ang kanilang mga sandatang gagamitin.

Sa Pagbitaw ng senyales ni Ginoong Wilson gamit ang kanyang mga kamay, tulong-tulong sila Relm at iba pang mga kasama nito sa paghatak upang buksan ang malaking pinto ng grand hall.

Agad na may ilang mga Unknown ang nakita sila at sumugod ngunit nagawa nila itong patumbahin, pero hindi iyon sapat dahil mabubuhay muli ang mga ito.

"TAKBO!". Sigaw ni Ginoong Wilson pagkatapos nilang magapi ang ilang mga Unknown sa labas ng Grand hall. Agad din namang nagsitakbuhan ang lahat palabas.

Akay-akay ng mga healers ang hari ng Lava, habang alerto naman ang mga alipin sa paligid.

Si Ginoong Wilson kasama ang ilang mga lalaking Alipin ang nanguna sa harapan, at Sina Relm kasama pa ang ilang na kalalakihang Alipin naman ang nakabantay sa likod.

Ang hari naman ay nasa sentro kasama ang ilang mga healer, kababaihang mga alipin, kasama narin sina Aling Selya na hawak-hawak si Buboy.

Lahat sila ay mabibilis tumakbo kahit sira-sira na ang buong paligid at halos hindi na makilala ang Kastilyo ng Lava. Ay hindi ito alintana sa kanilang dinadaanan basta makaalis lang sila at maitakas ang hari.

Pero kahit anong paglayo nila ng kanilang tingin sa bawat katawan na kanilang nadadaanan, ay hindi nila maitago nararamdamang awa sa mga sinapit ng mga kasamahan nipa.

Ngunit ng makita sila ng mga nagkukumpulang mga Unknown sa isang maliit na hardin at dito na napasigaw si Ginoong Wilson upang mas bilisan nila ang pagtakbo.

Dahil sa ingay narinig din ito ng ilang mga Unknown na nasa paligid lamang, kaya agad na sinundan at hinabol sila.

Agad na sinalubong nina Ginoong Wilson ang mga Unknown na paparating sa kanilang.

Gamit ang kanilang mga espada, kanila itong iniwasiwas sa mga katawan ng Nilalang na siyang parang mga kahoy na tinabas ng bolo para maghiwa-hiwalay ang mga katawan nito, ngunit hindi pa sapat iyon kay Ginoong Wilson at tinigbas pa ang mga ulo ng nilalang.

Kahit na hindi nila mapatay ang mga ito basta makaraan na sila, sapat na iyon.

"BILISAN NINYO!". Sigaw nila Relm, habang sila naman ang nakikipaglaban sa mga Unknown na nasa likuran, pero hindi lubos nila maunawaan kung bakit tila hindi Normal ang kanilang kinakalabang nilalang, hindi normal ang mga liksi at bilis nito. Parang sobra pa yata ang mga kakayahan nito sa pangkaraniwang mabangis na hayop.

Kung kanilang ikukumpara ito sa Eriets ay tila mas malayo ang mga ito kumpara sa  mga Unknown.

Hindi napigilang gamitin ni Relm ang kanyang kapangyarihan.  Kaya mabilis itong Nagpalabas ng isang  malalakas enerhiya sa kanyang palad, madali niya itong binuo at ipinatama sa ibabaw ng kisame upang nagresulta ng pagguho at matabunan ang dinaraan nila para hindi na sila masundan.

Ngunit laking gulat nila habang tumatakbo sila Relm at mga kasama nito upang habulin yung mga kasama nila, napagiwanan na kasi sila dahil sa kanilang pakikipaglaban sa mga Unknown. Hindi nila namalayan sa isang kanto pala ng korridor ay nagkasalubong nila ang maraming mga Unknown.

Murietiah: "The battle of the Unknown" (On-hold)Where stories live. Discover now