...Ang sinapit ng Prisesa ng Lava...
...Chenny P.O.V...
Pagsikat palang ng araw lahat at ay nakahanda na, nakahanda na ang mga kawal ng Irene at Lava laban naman sa malaking hukbo ng Emerald. Ngunit ang pagtataka wala dito si Marytxs para pangunahan yung kanyang Sundalo.
Lahat kami at tahimik sa itaas ng malalaking pader ng Irene, nakatingin lamang ng diretcho sa doon sa mga sundalo ng Emerald.
Walang ni isa sa aking mga kasamahan ang umiimik tanging mga seryosong expresyon lamang ang kanilang ipinapakita sa harap.
Tanging pag-ihip ng hangin mula sa timog patungong hilaga at pagtibok ng puso ko ang aking naririnig ko lamang sa aking tenga.
"Wala bang plano ang mga iyan para sugurin tayo?". Mahinang sambit ni Aziel na nasa tabi ko lang. Kanina pa ito nagtitimpi at gusto nang makipaglaban.
Aaminin kung nagalit ako noon sa kanya dahil nakikipagpalitan na nasa siya ng pangako kay Marytxs para mapasailalim ang Lava, mabuti nalang daw at dumating ako kaya hindi niya nagawang ang mga pangako na magpapahamak sa aming lahat.
"Kuya, huwag masyadong atat!". Bigla itong napalingon sa akin pero hindi ko siya tiningnan nakita ko lang sa gilid ng aking mga mata na lumingon ito. Itong unang pagkakataon lang na tinawag ko siyang Kuya. Nakagisnan ko na kasing tawagin siya sa kanyang Pangalan kaysa tawagin siyang Kuya.
"Unang pagkakataon ah!". Wika nito at napangisi nalang at muling napatingin muli sa harap.
Hindi nagtagal biglang lumapit narin sina Vienna sa akin.
"Wala ba silang planong makipaglaban? Ako e atat nang magamit ang kapangyarihan, ko sa kanila!". Wika nitong nanggigigil.
"Pigilan mo hanggat kaya mo, hindi tayo ang magsisimula ng labanan ito hanggat sila ang unang magbigay ng senyales!". Wika ko sa kanya at napadabog nalang bumalik sa kanya pwesto.
Hindi ko alam pero may hindi maganda akong nararamdaman sa aking puso, parang may mali sa sitwasyon. Habang pinagmamasdan ko kung ano karami ang sundalo ng Emerald ay napansin kong hindi ito yung kabuuang bilang ng kawal ng Emerald. Nakakunot nalang ako dahil sa aking mga iniisip.
Pero.......
Lahat kami at biglang napayuko ng kaunti ng naramdaman ang kakaibang yanig sa aming paligid. Hanggang palakas ng palakas ang mga ito.
"YANIG!" Sigaw nilang lahat kaya lahat ay biglang napadapa sa lupa dahil sa sobrang lakas ng paggalaw ng lupa.
"AHHHHHHH!". Nakarinig nalang kami ng mga sigawan ng biglang gumuho ang kabilang parte ng pader ng Irene at bumagsak kasabay ang ilang mga kasama namin.
Mabuti nalang may mga ilang mga tao sa baba at ginamit ang kanilang mga mahila upang sagipin ang ilan naming mga kasamahan, pinigilan nila sa ere ang mga ito at hinayaan naman ang mga pitak ng pader na bumagsak. Hindi nagtagal biglang natigil ng pagyanig ng lupa at bumalik lahat sa Dati.
Lahat kami ay walang kaalam-alam sa mga nangyari hanggang nakarinig kami muli ng isang malakas na tunog ng isang agurong. Mula doon sa kawal ng Emerald. Bigla nalang gumalaw ang hukbo ng Emerald at unti-unti itong umaatras.
CZYTASZ
Murietiah: "The battle of the Unknown" (On-hold)
FantasyDown of the secret world of Fantasies hidden the two Realm, Murietiah and Erietiah the two scwablings lands. The greater or the Good?. The good or evil?.. Murietiah a elongated land mass divided into various kingdoms lies its Capital Empire the Eme...