Pagdating sa sinaunang kaharian
Arihan's P.O.V
Tatlong araw ang aming ginugol bago matawid ang White Sea habang papalapit kami sa Murietuah, hindi ko maitatago ang sobrang galit na aking nararamdaman. Tahimik akong nakatingin sa unahan lang habang hinahayaan kong liparin ng mga malalakas na hangin ang aking ilang mga maliliita na hibla ng aking buhok, rinig ko mula sa aking kinatatayuan ang pinaguusapan ng aking kapitan na siyang namumuno ng aking hukbo at isa doon si Lavien na, wala na akong pakealam sa kanya hinayaan ko nalang itong sumama at gawin ang kanyang nais, hanggang ngayon hindi ko parin napapatawad ang kanyang ginawa.
Malaki ang pasasalamat ko naman kila Chatastro, Kaliksto at Amya dahil sa hindi magandang nangyari sa pagitan naming ni Tycon at pinili parin nila akong pagsilbihan. hindi nila ako tinutulan sa aking binitiwang desisyong ibigay ang Thousand Island sa nararapat nitong tagapagmuno, nagawa ko na naman ang maibalik ang kapayapaan sa lugar ng aking pamily, ngunit hindi ang islang iyon ang totoong tahanan ko kundi sa.....Napahinto ako s aking pagmuni-muni ng tinawag ako ni Herbert.
"KAMAHALAN!". Aniya nito sa tonong na parang nahihiya. Napatingin naman ako sa kanya at siya naman ay agarang napayuko dulot ng pagkahiya. Napangiti nalang ao sa kanyang insala kahit na hindi nito sabihin ay nahihiya parin si Herbert na harapin ako. "Ano Herbert?". Tanong ko sa kanya ng mahinahon.
"Ah--ehh..Kamahalan tinatanong ko nina Kapitan Kaliskt at Chatastro kung sa Dumakulem ba ba tayo dadaong?". Wika nito. Napangiti nalang ako ng tipid at bago ko iyon sagutin napatingin muli ako sa aking harapan at nagsalita nang.
"Sabihin mo sa dadaong tayo sa ********!'.
Sabay tingin ko kay Herbert, lumaki lamang ang mga mata ng batang white warrior ng marinig ang sagot ko kaya agad ko siyang inutusang sabihin iyon kay Kaliksto dahil yun ang aking pasya. Ilang minute ang nakalipas ang naramdaman ko ang pagiba ng dinadaanan ng barko, palayo na ito sa direksyon ng Dumakulem. Patungo na ito sa lugar na aking binanggit.
Naramdaman kong lumihis ang direksyon ng barko kung saan sana amin tinatahanak ang direksyong patungong Dumakulem. Bigla akong natigilan sa aking pagmunimuni ng makarinig ako ng mga pagyapak patungo sa aking kinatatayuan hanggang marinig kung tumigil nalang ang malakas na yapak na'yun sa aking gilid. " Arihan bakit biglang umiba ang direksyon ng barko?" Bungad na tanong nito. Imbes na sasagutin ko siya isang napakalalim na hininga ang aking binitiwan. "Akala sa Dumakulem tayo dadaong dahil doon ang malapit lugar na pinapagitnaan ng tatlong lupain!!". Aniya pa nito. At dito ko nilingon si Lavien at walang ganang tinignan.
"Sino kaba para kwestyunin ang aking pasya?". Wika ko sa kanya. Tanging paglihis ng tingin ni Lavien ang kanyang nagawa, siguro nalaman nito sa kanyang sarili kung sino ba naman siya para kwestunin ang pasya ang isang pinuno. Pero hindi ko alam sa sarili kung baki kusa kung sinabi ang mga katagang ito sabay tingin sa malayo.
"Hindi ako dadaong sa Dumakulem bagkos dadaong ako sa aking kahariang!". Sambit ko, alam kung tumingin si Lavien sa aking gawi. Pero hindi ko nalang iyon pinansin. Nagsimula ng magkwento si Lavien ng hindi malamang dahilan kung bakit niya iyun sinasabi sa akin.
Ayon sa kanyan kwento hindi daw madali ang kanyang pinagdaanan upang hindi ipagbigay alam na siya ay buhay pa. Si Ien ang kanyang tanging pnagkakatiwalaang tao na kanyang tagabantay pala noon. Siya ang taong tumulong sa kanya upang magsilbing daan sa akin at para mahanap ang traydor sa loob ng kaharian. Habang nagkukwento hindi ko inaasahang maburiong kaya hinarap ko bigla si Lavien na siyang ikinagulat nito.
"Napakaganda naman ng talambuhay mo sige ipagpatuloy mo lang iyan!". Sambit ko sabay talikod ngunit bigla akong pinigilan ni Lavien ng may kakaibang humarang na mahika sa aking dinadaanan.
KAMU SEDANG MEMBACA
Murietiah: "The battle of the Unknown" (On-hold)
FantasiDown of the secret world of Fantasies hidden the two Realm, Murietiah and Erietiah the two scwablings lands. The greater or the Good?. The good or evil?.. Murietiah a elongated land mass divided into various kingdoms lies its Capital Empire the Eme...