04

22 18 1
                                    

"KASI Calli mahal kita" Agad na nanigas ang katawan ko nang marinig ang mga salitang lumabas sa bibig ni Harvey. Unti-unti akong bumangon at tinanggal ang mga braso nito sa pagka-ka yakap sa akin habang sinasalubong ang mga tingin nito

"Uhm, i m-mean mahal kita bilang kaibigan" Pinilit ko nalang ang sarili kong ngumiti dahil 'di ko mapigilang ma-awkward sa sinabi niya. Bihira lang lumabas 'yon sa bibig niya kaya hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay may hidden meaning yung sinabi nito sakin

Pinilig ko nalang ang ulo ko at agad na sinuot sa kanya yung hospital gown. Napansin ko yung benda sa may tagiliran niya kung saan bahagya pang dumu-dugo 'yon. Inayos ko nalang ang kumot nito bago nagsalita "Mag pahinga ka na muna. Kausapin ko lang si Doc kung kailan ka i-lilipat sa kwarto"

Tumango naman siya kaya dumeretso na 'ko sa nurse station kung saan abala si Doctor Araneta sa pag-lista ng mga reseta na ka-kailanganin ni Harvey  "Doc, kailangan po bang ilipat ng kwarto si Harvey?"

He removed his specs at sandaling tumingin sakin "It isn't necessary since hindi naman masyadong malalim yung cuts niya pero mas maigi if mayroong mag a-asist sa kanya for his faster recovery"

"And i'll recommend na kung pwede sana sa apartment niyo nalang siya mag-pahinga since ilang besses na rin siya'ng na expose sa mga covid patients dito sa hospital. And also to avoid any kinds of transmission na pwedeng makuha sa kanya ng ibang tao. Bilhin mo nalang to sa pharmacy and make sure he drinks it on time" inabot nito sakin ang reseta kaya agad akong nagpa salamat sa kanya bago bumalik sa ER

"Wag po kayo mag alala ayos na po ako" bosses 'yon ni Harvey habang abala ito sa pag harap sa phone niya na parang may kina-kausap. Lumapit ako sa kanya at kaswal na umupo sa tabi nito

"Hi po tita" bati ko ng makita yung mama ni Harvey sa harap phone screen niya. Ngumiti ako rito kahit hindi naman niya makikita 'yon dahil sa mask na suot ko

"Calli, mabuti naman at nandiyan ka. Ikaw na muna bahala sa pasaway mong kaibigan ha? Kailangan ko kasi bumalik sa Germany for some business matters" aniya habang hini-hila yung maleta niya. Kung 'di ako nagka-kamali ay nasa airport siya ngayon bitbit ang sandamakmak niyang mga gamit

"Pero tita-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla itong magsalita "segi na. Late na 'ko sa flight ko. If sakaling hindi makinig sayo kurutin mo nalang oky? Wiedersehen (bye)"

Napa-lunok nalang ako ng patayin na nito yung tawag. Paano ko naman aalagaan si Harvey kung 'di ko pwedeng iwan si Judas ng mag-isa sa kwarto niya?

"Things don't change" komento ni Harvey at hiniga yung sarili sa kama

"Nasaksak na 'ko and all abala pa rin sila sa negosyo" umiling ito ng dalawang besses bago tinuloy yung sasabihin niya

"Well good thing nursing yung kinuha ko, para sakaling may mangyari sakin 'di ko na kailangan yung pag aalaga nila"

Alam kong nasasaktan siya dahil mula daw ng bata siya ay palaging abala yung parent's niya sa trabaho. Kaya nga hindi na siya nadagdagan ng kapatid dahil sa dami ng trabahong ina-asikaso nila

"Ulol ka talaga, nandito naman ako eh. Ako na mag aalaga sayo" saad ko para kahit papano ay gumaan naman yung pakiramdam niya

"Eh pano naman yung pasyente mo?" Naka-yukong saad ni Harvey at agad na iniba yung dereksiyon ng tingin niya

"Ako na bahalang kuma-usap 'dun" ngiti ko at pinisil-pisil ang kamay nito. I really hope na pumayag si Judas sa sasabihin ko mamaya







"NO! AYOKO!" Naka-halukipkip na saad ni Akriel habang naka busangot ang mukha nitong naka harap sa sliding door ng kwarto niya

"Tatlong araw lang naman tapos babalik din ako. Kung gusto mo ibawas mo nalang 'yon sa sweldo ko" pag kumbinsi ko pa at lumipat sa kabilang side ng kama para hulihin ang mga tingin nito

The Fault in Our StarWhere stories live. Discover now