07

13 4 0
                                    

NAKA-UPO ako ngayon sa isang stool na katabi ng hospital bed na hini-higaan ni Lala. Hawak ko ngayon ang kanang kamay niya na siya'ng tinurukan ng dextrose dahil halos walong oras na itong tulog

Walong oras na rin akong nagba-bantay dahil pina-uwi ko muna sila papa para makapag pahinga rin kahit paano. Naramdaman kong may tumapik sa kanang balikat ko kaya pilit kong binuksan ang mga mata ko para kumpirma-hin kung sino yung nasa likod ko

"Harvey" banggit ko sa pangalan nito at bahagyang ngumiti. Siya rin kasi yung nag-alaga kay lala kanina habang abala ako da paki-ki pag sagutan kay Akriel

"Kumain ka na muna" Aniya. Dalawang besses akong umiling at muling binalik yung attensiyon ko kay lala

"Antayin ko nalang siya'ng magising" sagot ko rito. Hindi ko naman kasi pwedeng iwan siya rito ng walang bantay dahil aware akong hindi siya makikinig sa mga doctor dahil sa katigasan ng ulo niya

"I'll guard her" Gulat akong napa-lingon ng marinig ang bosses ni Logan na naka-sandal sa pintuan ng ER. Unti-unti itong lumapit sa amin at saglit silang nagka-tinginan ni Harvey

"Zeo told me to look after you so go ahead and eat" paliwanag nito. Hindi ko alam kung matu-tuwa ba 'ko dahil nagka-ayos na sila or magagalit dahil wala pa rin pala'ng pinag bago sa mga plano ni Akriel

Tumayo nalang ako at sumunod na kay Harvey sa labas ng hospital. Alam kong nagta-tampo pa rin ito sakin dahil 'di ko na raw siya nabi-bigyan ng oras

"Galit ka pa ba?" Tumigil ito sa pagla-lakad at unti-unting humarap sakin. He caress both of my cheeks before he smiles

"Hindi naman kita mati-tiis eh" ngumiti nalang din ako before i hold his bicep and dumeretso na sa isang convenient store. Masaya ako na kahit paano may nabawasan sa mga iniisip ko

Bati na kami ng kaibigan ko at yung iisipin ko nalang is yung kondisyon ni lala at kung saan ako ha-hanap ng bagong trabaho ngayon. Hindi ako sigurado kung seneryuso ba ni Judas yung sinabi ko sa kanya pero sinabi ko lang naman 'yon para tumigil na siya sa kahibangan niya

"Kumain ka muna, alas tres na ng umaga wala ka pang kain" saad ni Harvey at nilapag yung styrofoam sa harap na may lamang kanin at beefsteak

"Thank you ah? Di ba mamayang 6 am na yung susunod na shift mo?" Tanong ko at sinimulan nang lantakan yung pagkaing bigay niya. Sa sobrang pag-aalala ko kay Lala hindi ko na napansin na humi-hilab na pala yung tiyan ko

"Oo pero kailangan mo ng kasama eh, kaya sa lunch break nalang ako babawi ng tulog" ngiti niya habang naka-krus ang dalawang bisig sa sarili nitong dibdib

Ngumiti nalang ako dahil kahit kailan talaga ma-asahan ko si Harvey sa kahit na anong sitwasyon. Kaya sobrang thankful ako kay God na binigyan niya ko ng kaibigan na kagaya niya

"Nagka-sagutan daw kayo ni PH23?" tanong nito habang sumi-simsim ng kape. Sandali akong natigilan nang maalala yung pinag-awayan namin ni Akriel kanina

"Uhm, kinuwento kasi nong kasama niya" He added, referring to Logan. Mapait akong napa-ngiti at tinuloy yung pagkain ko

"Lethal injection" tipid kong sagot

"I see. You don't want him to die" Umiwas ito ng tingin sakin at kalmadong pinatong yung cup sa mesa

"Alam mo naman na ayaw kong na-ma-matayan  ako ng pasyente 'di ba?"

He sighed bago ngumiti sakin. Hinuli nito yung dalawang kamay ko bago tuluyang nagsalita "Calli, i know you want him to live. Pero desisyon niya 'yon, you have to respect it-"

"Hindi eh, ang unfair kasi. Bilang nurse ginagawa ko yung trabaho ko para mabuhay siya tapos gu-gustuhin niya lang mamatay?" Putol ko sa sasabihin nito

The Fault in Our StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon