02

32 23 9
                                    

"SIRA ulo yun ah? Gusto mo gulpihin ko?!" Marahas na tumayo si Harvey at malakas na hinampas yung lamesa na kina-kainan namin. Sinuway ko itong kumalma dahil naka-tingin na sa kanya ang ilang customers sa mami house na madalas naming kina-kainan

"Kumalma ka nga. Kaya ko lang naman siya inasikaso kasi trabaho ko yun bilang nurse. Isa pa sigurado naman akong ini-inis niya lang ako" saad ko saka hinila ito pabalik sa upu-an niya

"Pero Calli bina-bastos ka na niya. Wala siya'ng karapatan na gawin sayo yun bilang babae kahit anak pa siya ng CEO wala akong paki-alam"

Ngumiti ako ng makita na mas lalong na-ningkit ang singkit nitong mga mata at nagka-salubong yung dalawang kilay niya. Harvey always used to be like that, kaya hindi na ako mag tataka kung bakit nagka-kandarapa yung ibang nurse at pasyente sa hospital eh. Napaka caring at gentleman kasi nito maliban dun ay biniyayaan din siya ni Lord ng ka-gwapuhan

"Ubusin mo na nga yang mami mo. Kailangan ko ng umuwi sa bahay" natatawang saad ko at sinimulan na ring kumain. Pagkatapos naming kumain ay agad akong hinatid ni Harvey sa bahay namin. Napa-kamot ako sa sariling batok ng makita ang kulay white na SUV na siya'ng pagma-may ari nila Elyas

"Your suitor is here" pabirong saad ni Harvey saka ngumiti sakin

"Tumigil ka nga. Gusto mo ba na matali ako sa adik na yun?" inirapan ko ito. Natawa nalang siya bago bumaba sa kotse nito at pinag-buksan ako ng pinto

"Calli mylabs!" Sigaw ni Elyas at akmang ya-yakap sakin ng mabilis akong umiwas at nag-tago sa likod ni Harvey. Pinilit ko ang sarili kong ngumiti para di uminit yung ulo nito at palayasin kami sa bahay

"Isang buwan kayo hindi bayad akin" seryusong saad ng ama nitong si Bogart. Mataba ang panga-ngatawan nito at mabalbas. Nasa singkwenta na rin ang edad niya at unti-unti ng pumu-puti ang buhok. May hawak itong sigarilyo na siya'ng naka-patong sa ma-umbok nitong tiyan

"Hindi pa ako kuha sweldo. Pass" ani ko

"Ikaw hindi bayad ngayon, ikaw pa-kasal sa anak ko" mabilis akong napa-nganga dahil sa sinabi nito

"Hindi! Ayoko pa-sakal sa anak mo" sagot ko at mas dini-inan ang salitang pasakal bago bahagyang umatras

Kahit umulan pa ng yelo sa pilipinas hinding-hindi ako mag-papa kasal kay Elyas. Nilahad niya yung kamay niya para kunin yung bayad namin sa upa pero wala akong ni-singko ngayon. Akma namang mag-lalabas ng wallet si Harvey ng ma-aninag ko si kuya Clark na patakbong pumupunta rito

"Lala! Nanalo ako sa sabong!" sigaw nito habang naka hawak sa dalawang strap ng backpack ng suot niya

Kaagad ko namang inagaw yung mabigat na bag ni kuya at padabog na nilapag yun sa harap nila "yan bayad, kayo alis na"

Matapang na sagot ko. Sumenyas naman itong buksan ang bag para tingnan ang laman niyon na kaagad ding sinunod ng dalawa niya'ng taohan. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang puro coins ang laman ng bag. Halos mag tago na ako sa likod ni Harvey dahil sa hiya. P*nyeta! ang tapang ko mag bayad kanina tapos ito pala laman. Tumikhim ako at taas nuong tumayo sa harap nila

"Kayo alis na" pag tataboy ko

Bahala sila mabaliw kaka-bilang jan. Binuhat naman ng mga taohan niya yung bag at pinasok yun sa kotse at sabay na pumasok si Elyas at ang tatay nitong buntis

"Sa susunod nalang tayo mag pakasal mylabs! Alam ko nahihiya ka pa sakin" Sigaw ni Elyas sa bintana at kumaway-kaway pa bago sila tuluyang umalis

"Yung pera ko!" Nangi-ngiyak na saad ni kuya Clark habang naka-luhod sa kalsada

"Bigay mo na kuya, minsan ka lang naman umambag sa bahay eh" ani ko at akmang papasok na sana ng bahay ng hilahin nito yung braso ko

"Pinag-hirapan kong ipanalo yun" naka ngusong reklamo niya. Tinabig ko naman yung kamay niya saka tiningnan siya ng masama

The Fault in Our StarWhere stories live. Discover now