XLIX. The Other Side 2 (Unedited)

295 8 3
                                    

XLIX.     The Other Side 2

*************************************************************************************

(Timeline: Same day as Chapter 48)

[ PAT'S POV ]

"Hon, you'll gonna fetch me naman di ba?" bungad sa akin ni Dianne pagkasagot ko ng tawag niya.

"Of course Hon," nakangiting sagot ko.

"Owmay! Papunta ka na ba?" mabilis na tanong niya.

"Kakatapos ko palang magbihis so... uhm... 3 minutes more saka na ako pupunta," sagot ko habang inaayos ang sapatos ko.

"What? Kakatapos ko palang maligo! I'm gonna do my makeup pa. Hindi pa ako nakakapili ng isusuot ko," reklamo niya kaya napakamot nalang ako ng ulo ko.

"But it's almost dinner time. I'm sure hinihintay na tayo ni Mommy."

"Bibilisan ko nalang. Just come here nalang and wait for me," putol niya sa sasabihin ko sana.

"Okay! See you later Kat-"

"Don't you dare!" sigaw niya sa kabilang linya kaya nailayo ko ang cellphone ko sa tenga ko.

"Sorry Hon," sabi ko saka napabuntong-hininga. "I'll cut the call na Hon. Papunta na ako dyan okay? Dalian mo nang mag-ayos," paalam ko saka ko pinutol ang tawag.

She's Dianne Kathrine Sanchez, my childhood fiancee pero dahil sa engagement ko kay Kathleen mukhang malabong mangyari ang pangarap kong mapakasalan si Kath. Dianne what I mean. Ayaw kasi niyang tinatawag ko siyang Kat-Kat dahil masyado raw pambata. But for me it sounds nice.

May ilang bagay na akong naaalala tungkol sa nakaraan ko pero pahapyaw palang. Kaya ko nasabing si Dianne ang fiancee ko 'yon ay dahil naaalala kong siya si Kat-Kat because of the key necklace na lagi niyang suot at ako si Riri. Kaya naiinis ako kay Kathleen dahil tinatawag niya akong Riri na dapat ay si Kat- I mean si Dianne lang ang tumatawag sa akin ng ganun. Bakit ba kasi parehong may Kath ang pangalan nilang dalawa? -___-

Good thing is that wala dito si Kath kaya walang mag-uusisa kung saan ako pupunta. Ininvite kasi ako ni Mom na sa bahay namin ako kumain that's why I decided na ipakilala na kay Mom si Kat-Dianne sa kanya. I know that she'll be surprised dahil nahanap ko na ang kababata ko. And maybe that would help me para mapapayag si Mom na i-cancel na ang fixed marriage namin ni Kathleen.

Pagdating ko sa bahay ni Dianne ay hindi pa siya tapos mag-ayos kaya't tinext ko nalang si Mom na malalate ksmi ng dating which is okay lang daw dahil hindi pa raw luto lahat ng pagkain.

Pagkatapos niya ay nagmadali kaming nagpunta sa bahay namin. Pagdating namin ay hinawakan ko ang kamay ni Dianne na to my surprise ay malamig.

"Relax Hon. It's just Mom," pagpapakalma ko sa kanya.

"Mom!" tawag ko nang makita ko si Mommy.

"Patrick, anak! I missed you son!" sabi niya saka ako niyakap na ginantihan ko naman.

"Mom, I want you to meet Dianne," pagpapakilala ko kay Dianne nang humiwalay ako ng yakap. Bahagyang kumunot ang noo ni Mom pero napalitan iyon ng ngiti.

"Let me guess. She's your girl best friend?" tanong ni Mom while eyeing her.

"More than that Mom," nabaling ang atensyon ni Mom sa akin but a visible frown can be seen on her face. "She's my girlfriend."

"Y-Your what?" gulat na tanong niya sa akin.

"Mom, she's my girlfriend."

Simula ng ipakilala kong girlfriend ko si Dianne ay naging awkward na ang pakikitungo ni Mommy. Maging sa dinner ay naging awkward but we survived naman. Kinakausap ni Mom si Dianne pero halatang cold ang pakikitungo niya rito. Andami-dami niya pang tanong na kung ano-ano kay Dianne kaya pilit ko nalang iniiba ang usapan.

The Best Actor + The Drama Queen = LOVE [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon