XXII. Closure

523 6 8
                                    

XXII.     Closure

*************************************************************************************

[ ANGE'S POV ]

ANGELYN CRUZ

It's been what? 5 hours since I received this letter and yet I still don't have the guts to open it. I don't know. What I'm sure about is that I'm afraid to know what message lies in this letter.

MIA ANGELES

Ano kayang kailangan niya? Bakit niya ako sinulatan. Ako na nga ang lumalayo sila pa ang walang sawang lumalapit. Ano na naman ang gusto niya? Ang ipamukha sa akin na sila na ni Erik? That he choose her over me?

Kelan ba sila titigil. Hanggang kailan ba nila ako gustong saktan. Hanggang kailan nila gustong ipamukha sa akin na rebound lang ako?

At hanggang kailan ako masasaktan ng dahil sa kanila?

Bubuksan ko ba? Babasahin ko ba ang laman nito? Kaya ko ba? Pero kasi baka masaktan lang ako eh. Baka umiyak na naman ako. Pero nasasaktan na rin naman na ako eh. Sagadin ko na lang kaya? Malay natin? Baka dahil dito... baka sakaling... matanggap ko na rin lahat.

*Hingang malalim*

Angelyn,

Mang-aagaw. Sulotera. Bitch. Relationship wrecker. Third wheel. Siguro isa diyan ang tawag mo sa akin. I can't blame you though, totoo naman di ba? Inagaw ko naman talaga si Erik di ba?

But to tell you the truth I'm also hurting right now kahit na kami na ni Erik knowing na nasasaktan ka.

Sorry.

Alam ko hindi sapat ang sorry para mapatawad mo ako. Para maalis yung sakit sa puso mo. Para makalimutan mo yung ginawa ko. Pero sana dumating yung panahon na mapatawad mo ako.

Alam mo bang naiinggit ako sayo? Oo naiinggit ako sayo kasi kahit nasasaktan ka ngayon may mga kaibigan ka namang nandiyan para sayo. Ako kasi nung iniwan ko si Erik dati wala akong matakbuhan. Wala kasi akong kaibigan na katulad nina Jenica at Kathleen. Iniwan kasi nila ako nung nalaman nilang may cancer ako. Ang sakit! Sobrang sakit kasi kung kelan kailangan na kailangan ko ang mga kaibigan ko ay saka naman nila ako iniwan. Dahil dun natakot akong iwan rin ako ni Erik kaya mas minabuti kong unahan na lang siya. Na iwan ko na lang siya kasi baka hindi ko na talaga kayanin kung pati siya iiwan ako tulad ng ginawa ng mga kaibigan ko.

Parang walang pinagkaiba di ba pero kasi ang sakit-sakit makitang tinatalikuran ka ng mga taong mahal mo kaya minabuti kong ako naman ang tumalikod baka sakaling hindi maging masakit pero mali pala ako. Mas masakit pala kasi iniwan ko yung taong pinaghuhugutan ko ng lakas. Yung taong laging andiyan para sa akin. Yung taong kayang gawin ang kahit na ano mailayo lang ako sa anumang pwedeng makasakit sa akin. Yung taong nariyan pa rin sa tabi ko kahit hindi na ako naiintindihan ng lahat. Yung taong gagawin ang lahat ng kaweirduhan para lang mapasaya at magkaayos kami. At higit sa lahat yung taong sobrang nagmamahal sa akin. Giving him up was the most stupid decision I made in my life that I regretted doing afterwards. Masyado kong minaliit ang pagmamahal niya sa akin. Nakalimutan kong iba nga pala magmahal ang isang Erik Madrigal.

Nagpachemo ako sa US. At sa bawat session para akong mas pinapatay di lang sa sakit kundi pati na rin sa mga nababalitaan ko kay Erik. I heard from my cousin na he always gets into trouble and he doesn't attend most of his classes which almost resulted to losing his scholarship. But then, two transferees came. Ikaw ang isa sa mga yun, at ikaw ang pinakaunang nakapasok sa buhay ni Erik after I left him. I didn't know how you did it but I'm glad you came into his life.

The Best Actor + The Drama Queen = LOVE [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon