LVI. Against the World (Unedited)

189 8 3
                                    

LVI. Against the World


*************************************************************************************


[ JENICA'S POV ]



"Your secret's out. There are leaked photos of you and Rence together. Photos are taken today."

"Your secret's out. There are leaked photos of you and Rence together. Photos are taken today."

"Your secret's out. There are leaked photos of you and Rence together. Photos are taken today."

Para akong binuhusan ng tubig na punong-puno ng yelo dahil sa narinig ko. Nakalimutan ko rin kung paano huminga dahil doon.

"Your secret's out..."

"Your secret's out..."

"Your secret's out..."

Halos mabingi na ako dahil paulit-ulit kong naririnig ang sinabi ni manager. Tama ba ang narinig ko? Hindi ba ako niloloko ng pandinig ko?

Parang kanina lang hiniling ko na sana malaman nalang ng lahat ang tungkol sa amin ni Rence ah? Na kahit na maraming magalit sa akin ay okay lang. Pero binawi ko rin naman agad iyon for Rence's sake. Tapos ngayon nangyari na? Totoo ba ito o nananaginip lang ako?

"Aray!" mahinang daing ko matapos kong kurutin ang sarili ko.

"What are you doing?" natatawang tanong ni Rence kaya napalingon ako sa kanya. "Pinching yourself? What for?" dugtong niya na ikinapula ng mukha ko.

Ayan kasi Jenica! May pakurot-kurot ka pa sa sarili tapos dadaing ka dahil sa sakit! Nakakahiya ka! >___<

"W-Wala," sagot ko sa kanya saka tumingin nalang sa labas.

"You're not dreaming or whatsoever. It really happened," sabi niya na dahilan para muli akong mapalingon sa kanya.

"Sorry," mahinang usal ko.

"Don't be. In the first place, we both know or at least I know that it was bound to happen. I just didn't expext it to happen this early," sabi niya saka bumuntong-hininga. "Don't blame yourself okay? Wala kang kasalanan," sabi niya saka ko naramdaman na marahan niyang pinisil ang kaliwang kamay ko kaya napatango nalang ako.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. Sabi kasi ni Manager Dee he knows a place na pwede naming tuluyan ni Ange. Saan naman kaya iyon?

"Sa Fort," sagot niya ng hindi tumitingin sa akin.

"Doon kami magi-stay ni Ange?" tanong ko sa kanya na sinagot niya ng tango.

"Wala naman na si Pat doon kaya kasya tayo roon."

"'Tayo'? You mean kasama ka?" tanong kong muli.

"Yes. Hindi ako pwede sa condo dahil paniguradong may reporters doon. Kung uuwi naman ako sa bahay, baka abutin ako ng madaling araw kaya doon na rin ako," paliwanag niya. "Kung... okay lang sa inyo ni Ange?"

"Oo naman. Bahay mo naman iyon e," sagot ko.

After 15 minutes ay nakarating na rin kami ni Rence sa The Fort. Ito ang pangatlong beses ko na makapunta dito dahil sinasama ako minsan ni Rence dito but this is my first time na dito ako matutulog. Ang alam ko hindi alam ng mga reporters ito dahil itinago nilang tatlo ni Calvin at Pat na nagpagawa sila ng bahay para sa kanilang tatlo.

The Best Actor + The Drama Queen = LOVE [On-going]Where stories live. Discover now