IX. Dinner

570 9 5
                                    

IX.              Dinner

*********************************************************************************

[ RENCE’S POV ]

Ngayon lang ulit ako napagod ng hindi dahil sa shooting. Akala ko sobra lang makareact yung ibang officers dahil 50 ang mag-auaudition. Yun pala ganun kahirap lalo na kapag ikaw ang judge at kung ano-ano pa ang pinaggagagawa nung ibang nag-audition. Matapos ng audition ay nag-evaluate pa kami kaya naman ala-syete na ng gabi kami pinauwi.

Hindi naman ako ang naunang umalis sa club room. Tinawagan ko pa kasi si Calvin na kakain na lang ako sa anumang restaurant na madaanan ko pauwi.

“Jenica, nagtext pala sa akin si Ange di ka daw niya macontact eh. Nauna na daw siyang pumunta sa Sweethearts.” narinig kong sabi ni Luisa, isa sa mga member namin

“Ah ganun ba. Pakitext na lang siyang mag-ingat siya pauwi ha.” si Nica

“Di ka ba papasok?” tanong sa kanya ni Luisa

Uy! Di ako tsismoso no. Nasa likod lang nila ako kaya naririnig ko sila.

“Ah eh kasi…..” si Nica

“Kasi?” sabi naman ni Luisa

“Kasi ano…” Nica

“Ano nga?” pangungulit ni Luisa

Bakit kasi di na lang niya sabihin ang totoo? Pero teka, kapag sinabi naman niya yung totoong dahilan baka naman isipin ni Luisa na napaka-vain ko? Tsk! Pake ko ba? Di sabihin niya!

“Suspended kasi ako.” sabi niya sa mahinang boses

“Nyek! Bakit?” si Luisa

“Eh may natapunan kasi akong customer kaya ayun. Pero hayaan mo na. Ayos lang naman eh.” si Nica

Hay! Bakit ba nakikinig pa rin ako sa pinag-uusapan nila? Ay! Hindi pala ako nakikinig. Sadyang rinig na rinig ko lang talaga sila dahil nasa may likuran lang nila ako. Katulad ngayon, pinipilit ni Luisa si Nica na isabay na pauwi pero tumatanggi pa itong si Nica.

“Sige na nga. Pero samahan na lang kitang maghintay ng masasakyan mo.” offer ni Luisa kay Nica

“Wag na. ayos lang talaga ako.” sagot naman ni Nica

“I insist.” sabi ulit ni Luisa

“Sa akin na lang siya sasabay.” napalingon silang dalawa sa akin

I don’t know where it came from. Bigla na lang lumabas yun sa bibig ko. Tsk! Baka kung ano ang isipin ng mga ‘to.

“Andito ka pa pala Rence. Kala ko umuwi ka na?” si Luisa

“May kinuha pa ako sa classroom namin eh. Muntik ko ng makalimutan yung Science book ko. As what I said, ako na lang ang maghahatid kay Nica.” Wew! Buti na lang nakaisip agad ako ng palusot

“Ikaw na?  Ayos lang ba sayo? Sa McArthur St. pa siya eh.” si Luisa

“Naku! Wag na. Kaya ko namang umuwi mag-isa eh.” singit ni Nica

“Ayos lang. Madadaanan ko naman talaga ang McArthur St. eh.” Buti na lang madadaanan ko lang yun pauwi

“It’s settled then. Sige ha. See you tomorrow. Bye! Jenica sumabay kana kung hindi hay naku!” paalam ni Luisa saka na siya umalis

The Best Actor + The Drama Queen = LOVE [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon