chapter 45: Continution

73 12 0
                                    

“Oyy gago! Chest di ka yata natitisod ngayong araw?”

Tanong ni  kent na kinalingon namin sa likuran namin para tignan reaction ni Chester.

“Mahirap matisod pag ito ang soot baka matuluyan ko.” He said.

Umiling iling nalang ako saka pumasok sa macdo. Hindi naman kami napansin kasi sa likod kami dumaan. So  nang makapasok kami sa tabi kami ng  table nila naupo. Tas yong anim sa gilid namin,  gets nyo?

“So Maxine right? Ano ba favorite color mo?”

Dinig kung tanong nong savior kay max, lumapit naman samin ‘yong waiter para kunin order namin pero tumanggi kami at nakinig nalang sa usapan ng dalawa.

“Black.”

“Eh favorite food mo?”

“Lahat.”
Anong klaseng sagot ‘yon,  favorite nga tapus lahat.

“Hoy! Ano daw ba usapan nila?”

“Oo nga ano daw?”

“Wag kayo maingay di ko madinig!”

“Psshhh!! Tahimik!”

“Teka ano palang ginagawa natin dito?” sabay sabay kaming natigil at inis na lumingon kay  lester. Lutang ba‘to? Kutusan ko kaya to.

“You know what? First time I saw you,  I think I like you.”

Nabalik ang tingin namin don sa dalawa na nag uusap.

“what the fuck! Ang kapal naman ng mukha nyan?” dinig kung bulong ni brix na katabi ni luke.

“May bf kana ba?”

“Wala.”

“Pwede ba akong mag apply?” pansamantala kaming natahimik dahil sa tanong na‘yon.

“No!”

Tipid na sagot ni max na kinangiti namin. Kumpermado na ayaw magpaligaw ni max d—“Gusto mo tayu na.” diritsang saad ni max. Dahilan para mapatingin kami kay brix

“Tangina ano ba sabi?”

“Hoy! Eshare nyo muna ano sabi?”

“PUTAAANGINA!” halos umalingaw ngaw ang mura na‘yon dito sa loob ng macdo.

Kaya mabilis naming hinila si brix na maupo. Oo sya ang nag mura ang ganda nya noh? Para magmura ng ganong kalakas.

“Seriosly ! Pumayag syang naging sila ng pangit na‘yan? Eh di nya panga kilala ‘yan right? Ang pangit nya namang pumili ng magiging boyfriend mas gwapo panga ‘yong siraulo sa kanto eh.”

“Hindi naman halatang nag seselos ka pre,  slight lang. Halos napuno nayong tao sa panlalait mo eh.”

“Totoo naman na ah? Look— Wait! What the fuck! Where the hell—

Pinigilan na namin si brix bago pa mag mura ulit dito sa loob ng macdo. Mahirap na.

“Yan nawala tuloy ang ingay nyo kasi.”

“Oy ! Ayon oh??” turo ni  kenno don sa exit kaya mabilis kaming nag sitayuan at sinundan ang nga ‘yon.

Para kaming mga tangang nakasunod sa kanila. Napapansin din naming gusto hawakan nong lalaki ang kamay ni max  pero nilalagay ni max sa likod ang kamay nya para ni makuha nong savior.

“Hindi paba tayu kakain gustom na ako eh.” reklamo ni Sean samin.

“ Galing na tayu kanina don sa kainan ba’t di ka kumain?”

EXO UNIVERSITY SERIES #01  :The Ghost From 1985 : [COMPLETE]Where stories live. Discover now