Chapter 29 - Effort

64 46 0
                                    

"Mei dalhin mo yung mga kahoy na tapos ng pagputol putolin ni Lucas at mag iigib na yan ng tubig" biglang sabi ng ama niya nang makabalik ito sa puwesto nila. Tinponan naman niya ng tingin si Lucas at nakompirma na tapos na nga at kasalukoyan na pinagtitipon ang mga pinagpuputol na mga kahoy. Hindi pa sana siya tatayo at paunahin na itong umalis pero nang mag aambang gagawin ang utos sa kanya ng ama ay para siyang palaka na tumalon patayo at pinigilan kaagad ang binata na gawin ang dapat siya ang gumawa.

"Stop that. Ako na" sabay kuha niya sa mga kahoy na hawak nito. Pero sadyang matigasin ang binata at hindi binitawan ang kahoy. Alam kase nito kung gano kabigat ang mga kahoy kapag ka pinagpunpon na binuhat. Kaya hindi ito pumayag na si Mei ang paggagawin ng bagay na alam niyang mabigat.

"Lucas, ano ba. Sige na" pamimilit ni Mei pero imbes na sagutin ang babae ay, hinawakan ni Lucas ang kamay niya at inilayo ito mula sa mga kahoy na hawak nito tiyaka tumayo at tinalikuran si Mei para dalhin ang mga kahoy sa kusina. At dahil Mei is Mei. Mabilis pa sa alas kuwatro na sinundan niya si Lucas at humarang dito with open arms.

Tiningnan lang siya ni Lucas saglit at umiwas ng daan. Pero ulit ay humarang siya na naka pout ang labi. Hindi iyon pansin ni Mei at sadyang natural na iyon sa kanya. Nagulat si Lucas roon dahil hindi rin naman niya inaasahan ang makikita. She's freakingly cute! yun ang sigaw ng kanyang isip. Ni kahit ang mga singkit niyang mga mata ay napakurba sa natura nitong hugis dahil sa pagkabigla. Habng si Mei ay naiinis siyang pinagtaasan ng kilay. Ngayon ang dalawang kamay ay nasa magkabila na nitong side ng bewang. In short nakapamewang siyang hinarap.

"Lucas sa akin inutos ni papa yan" pamimilit niya.

"No, I won't let you do these" saka siya iniwasan pero makulit pa din si Mei at hinawakan siya sa braso. Kalmado niya itong tiningnan at kalaunan ay binawi ang braso sa pagkakahawak dito. Subalit hindi bumitaw si Mei dahilan nang pagkahapit nito sa kanya. Nagkadikit ang kanilang katawan nag hindi inaasahan. Mei gasped at that anticipation. Hindi agad siya nakakilos samantalang si Lucas ay kalmado lang na siyang ikinakainis niya. At dahil inis na inis siya, maldita niyang hinablot ang mga kahoy mula rito. May iba pa na nahulog sa lupa. Pero sa huli ay napasigaw siya sa hapdi. Yun pala ay nasugatan siya ng kahoy.

Para maitago ang sugat ay ininda niya ito at pinilit ang sarili na huwag mabitwan ang mga kahoy na hawak niya. But, she failed. Lucas is as fast of observing her. Kahit pa na nung naglakad na siya ay hinayaan lang siya nito hanggang sa makaabot sa kusina at mailagay ang mga kahoy.

"Punta muna ako sa taas. May kukunin lang ako" pagsisinungaling niya na ang totoo niyang pakay kung bakit siya sasaglit sa kwarto niya ay titingnan ang sugat. Sinabi niya iyon habang ang mga kamay ay nakatago sa gilid niya. Wala namang ka emo-emosyon si Lucas na nakatingin sa kanya. Pero sa mga titig na iyon ay parang nanghihina na siya. Tila galit na hindi niya mapangalanan. Tumalikod na siya at nagsimula nang maglakad ngunit hindi pa nga niya naabot ang pintuan ay may isang malaking kamay na yumakap sa maliit niyang braso.

Nilingon niya ito na may kasamang nagtatanong na mata. Subalit, wala siyang sagot na natatanggap mula rito bagkus ay, hinila siya nito papunta sa loob bahay. Sa sala, at pinaupo siya de kawayan nilang sofa.

"Huh?" gulat siya sa ginawa nito. Pero hindi pa din siya nito pinansin at basta nalang iginala ang mga mata sa loob bahay. Nang makakita si Lucas ng hindi napapansin na first aid nang dahil sa kapal ng alikabok ay hindi siya nagdadalawang isip na  kunin iyon at dinala yun sa lugar kung saan niya pinaupo si Mei. Habang si Mei naman ay walang ka ide-ideya sa mga ginagawa niya. Nun lang niya napagtanto nang matanaw niya ang first aid na hawak nito.

Paano niya napansin? tanong niya sa sarili. Ni hindi naman niya sana pinakita at pinahalata ang sugat niya. Ni hindi pa nga niya alam kung gaano ito kalaki dahil sa itinago niya iyon at ininda.

True Love Sweet LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon