Chapter 13 - Jealousy

133 114 13
                                    

"Grilled pig is done, people!" Busy ang lahat sa pakikipagusap sa bawat isa nang inanunsyo ni Mei na luto na 'yung iniihaw nilang baboy. Katabi niyang naglalakad si Lucas. May hawak sa iba pa nilang inihaw.

Sa paglapit nila sa mesa, sumalubong sa kanya ang malisyosang uri ng tingin mula sa kaibigan na si Irish. She doesn't like it.

Sa kabilang banda, tahimik na nagmamasid si Blanche sa tatlo. Excluding Jelai. Sunang tingin palang niya sa pamamaraan ng pagtitig sa kanya ng pinsan ng binata, hulma na niya itong nanunukso at gusto ang si Mei at Lucas para sa isa't isa. Hindi siya bulag para hindi niya makikinitaan iyon. Kaya mas lalo pa siyang nakaramdam ng selos.

Because, she admit it already to herself na gusto niya si Lucas. Gusto niya itong maging kanya.

Gusto rin ni Blanche na magustohan siya ng pinsan ni Lucas, nang sa ganoon ay package na. Pero sa narinig at nakita niya ngayon, mukhang malabo at mahihirapan siya. Lalo na't nagugustohan nito si Mei na pinsan niya para sa pinsan nitong si Lucas.

Nagkakatuwaan sila habang tahimik na tinutukso si Mei ni Irish. Sinakyan naman 'yun ni Jelai na botong-boto rin sa dalawa. Naiinis siya, dahil mukhang ayaw siya ng mundo na maging kapares ng binatilyong gusto niya.

"Lucas, maganda si Mei di'ba?" Nanunukso na uri ng tanong ni Jelai kay Lucas, bago tumingin kay Mei na may ngisi sa mukha.

Si Lucas naman ay napatingin kay Mei, habang si Mei ay sinisita si Jelai. "Ano ka ba, Jelai? Magtigil ka nga!" Tinampal pa niya ang kamay ni Jelai na dinuro-duro pa kamo siya.

"Maganda siya." Sa sagot ni Lucas si Mei napatigil sa kaka-no kay Jelai.

"Ayieee!"

"Ayown oh!" Hiyawan pa kamo ng iba. Bigla ay uminit ang mukha ni Mei. Aksidente niya ring nalingunan si Lucas at nang magtagpo mga mata nila, para siyang napaso at nagiwas kaagad ng tingin dito.

Habng nagkakatuwaan sa panunukso sa dalawa, nararamdaman ni Irish na may nakatingin sa kanya mula sa likuran. Kaya naman ay nilingon niya ito at doon nakita si Blanche. Mukhang wala sa mood. "What's with her?" Kapagkuwa'y tanong niya sa kanyang isipan.

ang mapansin rin ni Blanche ang pag tingin ni Irih sa kanya, inayos niya ang sarili at nginitian ito.

To Irish... Kahina-hinala ito. Parang kanina lang ay napaka lalim ng tingin nito sa kanya. Pero, agad na nag iba nang lumingon siya at mapansin siya nito. May problema kaya ito? Or... Oh no, huwag naman sana. Gusto niya na si Mei para sa pinsan niya eh!

"Lucas, akin na. Tutulongan na kita." Bigla ay sumulpot si Blanche sa eksena. Na realized ni Irish, mukhang hindi naman masama kung totoo ngang nagkagusto ang pinsan ni Mei na si Blanche sa pinsan niyang si Lucas. Sa paraan na 'yun, malalaman niya kaagad kung sinong gusto ng pinsan niya.

"What a nice pic." She said to herself, followed by a thrilled look.

Nagulat si Lucas sa biglaang pagsulpot ng dalaga, mas lalo na nung kukuhanin na nito ang tuper ware na may lamang inihaw na baboy.

"Okay..." Tiyaka niya nalang din hinayaan si Blanche na kunin ang hawak niya. Ito na rin mismo ang naglagay nito sa mesa. He was hesitating, pero mas mabuti na rin 'yun.

Nilingon niya si Mei na mukhang wala namang plano gumalaw. "Ako na ang maglalagay nito." Bigla niya nalang inagaw ang isa pang tupperware na may lamang inihaw nila kanina. And since Blanche took his share, kinuha niya na rin ang hinawakan ni Mei.

Hindi pa nga nakasagot si Mei ay nailagay na nito ang dala niya sa mesa. "Nanunukso na naman si Martin sa paraan ng mahinahon na pagtulak sa kanya. Sabay sabing...

True Love Sweet LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon