Chapter 14

53 6 1
                                    

“It's the friends we meet along the way that helps us appreciate the journey”

———

———

Nawala ang tensyong nabuo sa loob ng opisina nang pumasok si Headmaster kasama ang kanyang asawa.


"What's the problem, huh?" pag uulit nito sa tanong nya kanina


"Nothing Headmaster. We're just having a little talk here" the girl named Haidee answered.


Kita ko kung paano sumimangot si Meadow dahil sa isinagot nung isa. "Takot din lang naman pala" bulong nito na syang narinig ko naman.

"Mukhang kinikilala nyo na ang isa't isa" masiglang sabi ni Headmistress.


"Yeah right Mom" sarkastikong sagot ni Meadow


"Meadow, what's with that tone?" seryosong tanong ni Headmaster sakanya.


"Nothing Dad!" si Dawson ang sumagot at pasimpleng siniko si Meadow. Tumango tango lang si Headmaster at naglakad papunta sa dulong parte ng mahabang lamesa. Naupo siya rito katabi ang kanyang asawa na panay parin ang ngiti sa aming lahat.


Nang maka upo na ay inilibot ni Headmaster ang paningin nya. Isa isa kami nitong tinignan hanggang sa matigil ang tingin nito sakin.


"Aurelia" panimula nito. I looked at him, nagtatanong ang aking mga mata dahil sa pagtawag nya ng pangalan ko.


"You didn't tell us that you're a Bloodworth" hindi ko inaasahan ang sinabing iyon ni Headmaster kaya hindi agad ako nakasagot. Mula sa peripheral view ko ay kita ko rin kung paano natigilan ang dalawang babaeng parte ng SBC, ramdam ko rin ang biglaang pagtitig ni Atreus sakin.


"Kaya nga Aurelia dear. Kung hindi pa nadulas si Dawson, hindi pa namin malalaman" tila nagtatampong sabi ni Headmistress. Napatingin ako kay Dawson dahil dito, iniwas nito ang tingin sakin at bumaling sa kanyang ina.


"Mom! I told you not to tell her na sakin nyo nalaman!"



"Ops. Sorry son, nadulas din ako" she teasingly told her son


"Whatever Mom. Aurelia, look, hindi ko sinasadya. Nadulas lang talaga ako nang masabi ko sakanila na isa kang Bloodworth." depensa nito habang umiiwas parin sakin ng tingin.


"That's fine. Hindi ko naman tinatago, hindi ko nga lang din pinagkakalat" sagot ko sa mga ito.

"Wow, you really are a Bloodworth, Aurelia? No joke?" Maxine excitedly asked me. Tumingin ako sakanya at tumango. Kita kong may ningning sa kanyang mata nang kumpirmahin kong isa nga talaga akong Bloodworth

The Tale Of Aurelia: Glimpse Of EternityWhere stories live. Discover now