Chapter 16

60 8 0
                                    

“What makes your travels beautiful? For me, it's the breathtaking sceneries”

———


———

“Your highness, we are almost there” I woke up because of the chauffeur's voice. We've been riding this royal carriage for almost 5 hours. Ginamit namin ang karwahe nila Kieran at Atreus papunta rito sa Yren dahil mas madali raw kaming papasukin ng mga Yrenian knights sa kanilang teritoryo kapag nakita nila ang insignia ng mga Dandridge sa sinasakyan naming karwahe.


I looked inside the carriage. Nasa bandang harap si Kieran katabi si Atreus at Dawson, andito naman kami ni Meadow sa pinaka likod. Meadow is still sleeping. Nakasandal ito sa balikat ko at medyo humihilik pa. Ibinaling ko ang aking paningin sa labas ng bintana.

Binabaybay namin ngayon ang burol na may napakalawak na flower field. Nagmistulang bahaghari sa lupa ang mga ito dahil sa iba't ibang kulay ng mga bulaklak. Naging makulay rin ang mga bundok dahil sa iba't ibang bulaklak na tumubo rito.

Inilabas ko ang ulo ko mula sa bintana at nilanghap ang halimuyak ng mga bulaklak

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Inilabas ko ang ulo ko mula sa bintana at nilanghap ang halimuyak ng mga bulaklak. Kapansin-pansin ang mga makukulay na paru-parong nagsisiliparan sa paligid. Sa bawat pagaspas ng kanilang pakpak ay sya namang pagkahulog ng kumikinang na mga abo.

Pinagmamasdan ko lang ang mga ito. This kind of view mesmerized me. Habang abala ako sa pagtitig sa kapaligiran ay may lumapit sa pwesto kong kulay gintong paru-paro. Dumapo ito sa ilong ko, “Wow, you're beautiful!” at ganoon nalang ang gulat ko ng magsalita ito

“Damn!” I cussed

Si Meadow na nakasandal sakin ay biglang napabangon, ang tatlong lalaki naman sa harapan ay napatingin din sakin.

“What's the matter?” Kieran asked me

“The butterfly talked!” medyo histerical na sabi ko rito

Panandaliang natahimik ang mga kasama ko bago tumawa ng napakalakas. Pati si Kieran ay hindi rin naiwasang matawa.

“Why are you all laughing?” tanong ko sakanila habang nakataas ang isang kilay

The Tale Of Aurelia: Glimpse Of EternityWhere stories live. Discover now