Chapter 15

56 8 0
                                    

“Have fun... lots of it”

———

———

"In other words, Kieran kidnapped you" natatawang sabi ni Atreus. Tinignan lang sya ni Kieran ng masama at pinagpatuloy na rin ang paglalakad.

"Yeah. Parang ganun na nga" sagot ko rito. Rinig ko pa ang mahinang pagtawa ng kambal dahil sa usapan namin ngayon ni Atreus.

It's been two days since Headmaster gave his approval. We are now on our way to his office, we'll bid our goodbyes. Ngayon na kase namin sisimulan ang paglalakbay.


"So the rumors are true" that's Haidee. Sa pag iisip ko ay hindi ko namalayang nakasalubong na pala namin ito. Sa tabi nya ay si Maxine, she waved at me and I just gave her a slight smile.


"Haidee, huwag kang magsimula ng eksena dito" paninita sakanya ni Atreus

"Tell me Atreus, totoo ba ang mga bulong-bulongan ng mga estudyante rito hah?" tanong nito kay Atreus. Hindi man lang nito pinansin ang paninita sakanya ni Atreus


"What are you saying ba?" si Meadow naman ngayon ang sumagot.Bumaling ang tingin ni Haidee kay Meadow ngunit agad rin nitong ibinalik ang tingin nya kay Atreus.


"Sasama ka sa Elites?" tanong nito


"Yeah" simpleng sagot ni Atreus


"Really? Bakit? Elite ka na rin ngayon hah?" nakataas ang kilay nito habang nagsasalita


"Correction. Atreus is still considered as an Elite. Sya lang ang tanging nanalo sa Iluzija last year, remember?" idiniin pa ni Meadow ang salitang "tanging nanalo". Kita ko kung paano mag iba ang timpla ni Haidee dahil doon.


"Kaya excuse us, kase may lakad pa kami" dagdag pa ni Meadow. Hinila ni Maxine si Haidee sa gilid nang magsimula na kaming maglakad. I even heard Maxine's voice saying ingat to us nang malagpasan namin sila.


"Gosh, I really hate that girl!" reklamo ni Meadow nang makalayo na kami sa dalawa.

"Eh bat mo naman ba kase pinatulan hah?" tanong sakanya ni Atreus

"Oo nga, di naman ikaw kausap e" dagdag pa ni Dawson


"Nakakainis kase sya. Masyadong papansin, halatang inggit. Hindi kase sya nanalo sa Iluzija" nakasimangot na sagot nito.


Wala nang nagsalita sa mga kasama ko hanggang sa marating namin ang opisina si Headmaster. Hindi ito ang opisinang pinuntahan namin noong nakaraan. This office looks more elegant compared to the office we went to last time. Ito ata ang private office ng Headmaster.

Naka upo sa malaking sofa ang Headmaster nang maabutan namin ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Naka upo sa malaking sofa ang Headmaster nang maabutan namin ito. He's reading a newspaper and having a tea.

"Good day Headmaster" bati ni Kieran dito

"Oh Elites, you're here" sagot nya bago ibaba ang hawak nitong dyaryo

"Aalis na ba kayo?" dagdag pa nito

"Yes Headmaster. We just came here to say goodbye" si Kieran ang nakikipag usap kay Headmaster ngayon.

"Saan ba ang punta nyo? Maybe we can give you some information about that place" nabaling ang tingin namin kay Headmistress na papasok ngayon

"Mom" bati ni Meadow rito at patakbong yumakap sa ina nya. The Headmistress gave her a kiss on her forehead.

"We'll be looking first for Vivienne Girskay, Headmistress" sagot ko rito.Napalingon ito sakin nang magsalita ako.

"Oh, the famous elixir maker?" tanong nito sakin. Tumango lang ako sakanya.

"Dawson anak, sigurado ka bang gusto mong sumama?" baling ni Headmistress sa anak nito. I look at Dawson, he's showing a confused expression.

"Yeah mom, why?" tanong nito sa ina nya

"Vivienne Girskay lives in Yren Region, you know the Yrenian rule. Makakapasok ka lang sa rehiyon nila kapag nakuha mo ang approval ng kastilyo" oh so there's a rule like that in Yren.

I looked at Dawson. Nakita ko kung paano mabago ang timpla ng mukha nito, he looks angry, and hurt? Bakit kaya? Anong meron sa Yren? Atreus even tapped his shoulders, as if showing a sympathy. Dawson looked at his Mom.

"So what mom? It's all in the past. Naka move na kaya ako" he said with a smile, but sadness is still visible in his eyes.


"Tama na yan. Yuridale, huwag mo ng ipaalala kay Dawson ang nakaraan nya, iiyak yan" Headmaster said to lighten the mood

"Dad naman. Naka move on na nga ako. Tsaka yan na si Aurelia oh, mahiya naman kayo sa girlfriend ko"

Napalingon ang mag asawa sakin dahil sa sinabing iyon ni Dawson.


"What? Sa ganda mong yang Aurelia pumatol ka sa anak ko?" si Headmistress na hindi makapaniwala sa sinabing iyon ng anak nya


"Mom naniniwala ka jan. Hindi sila ni Dawson, assuming lang kakambal ko" si Meadow ang sumagot sa ina nya


"Oy mom, grabe ka sakin. Ano ibig mo sabihin?" nakasimangot sa tanong ni Dawson sa ina nya


"Bro, hindi raw kase kayo bagay" si Atreus naman ngayon ang sumagot kay Dawson


"Oo nga anak, hindi kapani-paniwala yang sinasabi mo" gatong pa ni Headmaster


"At talagang pinagtutulungan nyo pa ako" baling nito sakanila. Tinawanan lang ng mga ito ang naging reaksyon ni Dawson.


Ilang saglit pa ay lumapit sakin ang Headmistress. May ibinulong ito sakin ngunit narinig din lang naman ng mga kasama ko.


"But Aurelia, just incase na manligaw ang anak ko, tatanggapin ka namin ng buong puso. Basta bigyan nyo lang kami agad ng apo" sabi nito at kumindat pa sakin

Tila nabilaukan naman ako sa sinabing iyon ni Headmistress kahit walang akong iniinom. Damn, what are they saying. Alam kong pulang pula na ako ngayon dahil sa kahihiyan. How can they say those things casually?


Napuno ng tawanan ang buong opisina, natigil lamang ito ng magsalita si Kieran.


"If you'll excuse us Headmaster, we'll going now" sabi nito at nagsimula ng lumakad papunta sa pinto. Medyo napalakas pa ang pagsasara niya sa pinto nang makalabas na ito  kaya naman lumikha ito ng ingay.


"Uh-oh. Lagot ka mom, mukhang nagselos ang prinsipe" pabirong sabi ni Meadow at nagtawanan nanaman sila.


Damn, Fawcetts are crazy.

The Tale Of Aurelia: Glimpse Of EternityWhere stories live. Discover now